Chapter 11 : Healing Wounds

520 39 8
                                    

Chapter 11


AVIAH RHEIKO SUMMER


Nakakailang.

Lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin ngayon sa cafeteria. Mukhang kauna unahang pagkakataon nila nakita na ang isang taga silangan, taga timog at taga kanluran ay magkakasama sa iisang lamesa. Si Cali at Andreau ay hindi pinapansin ang paligid kaya naman ginaya ko nalang sila. Maraming matatalim na mata, bulungan at taasan ng kilay ang naririnig at nakikita ko ngunit minabuti ko na ring hindi pansinin.


Natapos naman ang pagkain namin ng sama sama ng walang aberya at problema. Nabusog naman ako at si Andreau ang sumagot ng pagkain namin.


"Gusto ko pa sanang makipag-kwentuhan sa inyo kaso may practice ako eh." salita ni Cali habang nagpupunas ng bibig niya. "..kayo na magbayad ah, wala akong pera eh." ngiti niya pang sabi.

"Bayad na yan, kanina pa tss." sabi naman ni Andreau habang nag-aayos din ng sarili niya.


"Bakit di mo sinabi ? Dinamihan ko sana ang order hay !." nakasimangot pang sabi ni Cali.


Tumayo naman si Andreau at sinamaan siya ng tingin. "Ewan ko sayo, mauuna narin ako may practice din ako." umalis siya sa kinauupuan at tinignan muna kami. "..see you around." saka tumalikod at umalis.


"Hoy ! Salamat sa libre ah. Sa susunod ulit." sigaw ni Cali.


Iwinagayway lang ni Andreau ang kamay niya sa ere na ikinangiti ni Cali.


Talaga ngang mailap si Andreau.


"Ikaw Summer ? Wala kang gagawin ?" baling sa akin ni Cali.

Tumingala ako at umiling sa kanya. "Uhm, wala eh. Hahanapin ko nalang si Audie, I'm sure andiyan lang yun sa paligid."

Umupo siya ulit at tumingin ng diretso sa mata ko. "Baka maghanap ka na naman ng away ah."

Napataas ang kilay ko. "Huh ? Hindi no. Nagkataon lang yung kanina." inayos ko ang sarili para tumayo na.


"Sigurado ka ?"

"Oo naman."

"Wala ako para mabantayan ka."


Napatigil ako sa aktuhang pagtayo at tinignan din siya. Hindi ko alam bakit parang nailang ako sa sinabi niya. Totoo nga ang sinabi ni Andreau, sadyang maaalalahanin si Cali.


"Ayos lang ako no, sige na pumunta ka na sa practice mo at baka mahuli ka pa."


Bumuntong hininga siya at saka tumayo ulit. "Tawagan mo nalang ako kung magka-problema.. teka wala nga pala akong cellphone' pahiram mo sa akin ang cellphone mo para matawagan mo ko."

Of The Shattered CompassDonde viven las historias. Descúbrelo ahora