Chapter 24 : Bow Before Me

360 27 7
                                    

Dedicated to : d_Ajerap

Chapter 24

JETT ACKER

Nakakaloko.

After dumping her in a crowd, now he's acting like a weird mammal craving for Rheiko's attention.

Just what the shit is that?

And so the crowd are present again just like in the old bullshit scene. Different voices are flying everywhere and impending annoying news about Kade and Rheiko.

"So cheesy." walang kagana ganang sabi ni Hymn sa tabi ko at sinimulan ng maglakad, hindi inabala ang sarili sa pinagtitinginan ng mga tao.

"Male-late na tayo." dagdag pa ni Draco na sumunod narin kay Hymn at nilampasan ang eksena nila Cali.

Wala na akong nagawa kundi sumunod dahil dumating narin ang butihing guro namin na si Tito Dagger. Nagpulasan ang mga estudyante at nagkanya kanya ng punta sa kani-kanilang mga klase.

"Such a dirty scene." Storm while lazily leaning on the wall.

"What do you expect?" pasundot na sabi naman ni Ash.

Nagsimula na ng klase si Tito Dagger pero hindi naaalis ang masamang titig na pinapakawalan ni Cali papunta kay Kade, gayundin si Kade. Kung may mga kuryente lang sila ay parehas na silang nakabulagta sa sahig at namatay ng nangingisay.

"By the way before I forgot, Kade.. go to the president's office after lunch, Rage is waiting for you there."

Napatingin ang karamihan kay Kade, minsan lang magpatawag si Tito Rage at kung mangyari man ay napaka-importanteng bagay nito. Nalaman na kaya niya ang nangyari kay Chance?

AVIAH RHEIKO SUMMER

"Summer !" kahit binilisan ko ang lakad ay nahuli parin ako ni Cali.

Huminto ako sa paglalakad at tinignan siya. "C-Cali." hindi ko alam kung anong sasabihin ko matapos niyang makita ang nangyari kanina.

"Sabay tayo kumain mamaya." walang tanong, siguradong salita agad ang sinabi niya.

Tumango ako. "Sure." tawa naman ang isinagot niya.

"Ah-- Cali, yung nakita mo--" napahinto siya sa paglalakad kaya naman napahinto rin ako.

"Anong nakita ko? May nakita ba ko kanina?"

"Huh? Yung--"

"Anong sinasabi mo Rheiko?" mabilis niyang pinutol ang pagsasalita ko.

And I get it.

"Sabi ko nga wala." somehow, the awkwardness disappeared in an instant.

Naglalakad kami papunta sa pangatlong klase ng sumalubong samin si Audie.

"Nakita mo ba si Zeya ?" agad na bungad niya.

Umiling ako. "Iniwan ko ko siya sa kwarto kanina."

"Aish, saan kaya pumunta yun? Sabi niya pa naman sasamahan niya ako."

"She talks?" tanong ni Cali.

"I mean sinulat niya na sasamahan niya ako." nakangusong sagot ni Audie.

"Saan ka ba niya sasamahan? Ako na ang sasama sayo." presinta ko.

"Pero may klase ka."

"Saan ka ba pupunta kase?"

"Sa library, pero sandali lang naman ako."

"Edi ako na nga lang ang sasama sayo." isinabit ko ang kamay ko sa braso niya. "..Cali, sasamahan ko muna si Audie."

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now