Chapter 25 : Beautiful in White

343 22 10
                                    

                       Chapter 25

Dedicated to : Kaileia

AVIAH RHEIKO SUMMER

"Do you have free time tonight? Mind if you join me for dinner? I'll be waiting for your answer."

Ang pag-ngiti ko ay unti unting nabura at napalitan ng hindi maipaliwanag na reaksyon nang mapagtanto kung sino ang nag-message sa akin.

Hindi si Cali.

Si Kade.

Hindi ko na talaga alam kung anong nangyari sa kanya, bigla nalang siyang bumalik sa dati. Kung isa to sa mga paraan niya para makagawa muli ng hindi maganda ay hindi ko rin alam.

I don't think...

Uh, where...

Hmm, what ...

Re-replyan ko ba siya o hindi?

"Okay, send me the location and time."

"No, I'll pick you up."

Hindi naman siguro masama kung tatanggapin ko ang pagyaya niya, minsan lang naman at baka sakaling bumalik na ulit siya sa dati.

Calling : RC Frazer

Muntik akong mapatalon sa higaan ng makita ang screen. Hindi ko alam ang nangyayari sakin nitong mga nakaraang araw, pero kakaibang saya ang nararamdaman ko kapag pangalan niya ang lumalabas sa screen ng cellphone ko.

"Hello.."

"Good Morning Summer.. I miss you."

"CALI !"

Ang aga aga niya talaga mangbola tsk.

"What ? I really missed you, by the way are you free tonight?"

saglit akong napa-isip sa tanong niya.

"Summer?"

"Uh-- sorry Cali pero may pupuntahan ako eh."

"Ah ganun ba? Okay, hindi bale next time nalang. By the way saan ka ba pupunta? I'll pick you up and drop to where you are going to, kahit na malayo sa pupuntahan ko ihahatid kita." Cali is such a sweet guy, really.

"No, okay lang ako may susundo naman sa akin," hindi ko alam kung dapat kong sabihin pero ayoko maglihim kay Cali.

"Alright, sino susundo sayo? I'm just re-assuring your safety."

"Ahh-- si Kade."

Katahimikan.

Ilang segundong tahimik ang kabilang linya bago bumalik sa wisyo ang kamalayan niya.

"Ahh, okay Summer. Take care."

Hindi na niya ako pinasalita dahil kusa na niyang binaba ang linya. Napatingin nalang ako sa cellphone, I feel guilty and sorry, mukhang napasama pa ang pagsasabi ko at binigyan siya ng dahilan para mainis.

"Galit ka ba?" and so I texted him.

"Hindi no' ingat ka mamaya Summer :), kung gusto mong sunduin kita mamaya just call me."

Napangiti ako. "Thank you Cali."

Then I paused for a second, am I just using Cali for my own advantage? Alam ko namang hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari but still hindi mapigilan na malaman niya, ano ba 'tong ginagawa ko.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now