Chapter 31 : Back Story

359 23 8
                                    

                    CHAPTER 31

                 AUDIE ZEGERS

"Tell me I'm just imagining things," hindi ko makapaniwalang sabi habang nakatingin parin sa nakatayong si Shaun.

"No you don't brat," pag-kontra naman ni Storm at nauna nang sumakay sa sasakyan.

"Let's go," si Cali ang nagsalita pero halatang si Rheiko lang naman ang niyaya niya tss.

"Anong oras na, umalis na tayo," sunod naman na sabi ni Hymn at umakyat narin sa sasakyan.

Nagsipag-akyatan na ang iba pero nananatiling nakatayo ang dalawang tao sa labas ng sasakyan. Si Shaun na nananatiling nakangisi kay Ash at si Ash na masamang tinitignan si Shaun. May kung anong masamang namamagitan sa kanila kahit na magkapatid pa sila at tanging kami lang ang nakaka-alam.

"Diyan lang ba kayo? Aalis na kase tayo," si Andreau ang nagsalita dahil walang balak maki-alam sa dalawa.

"Just please don't get near me," huling sabi ni Ash saka tinalikuran si Shaun.

Nagbuga ng hangin si Shaun at napailing saka sumunod na sumakay sa sasakyan. Naging tahimik ang buong biyahe. May mga natulog, may naghaharutan sa likod, si Chance at si Yhno, samantalang si Ash at Storm ay natutulog sa magkabilang gilid, kwentuhan lang ang ginagawa namin ni Rheiko habang pinapanood ang paglalandi ni Prescilla kay Kuya Kade. Kung hindi lang magkakagulo rito ay hinila ko na ang buhok niya. Makakapit siya kay Kuya Kade akala mo ay mawawala ito, tss.

Si Cali naman ay tahimik lang sa tabi ni Rheiko, hindi ko malaman kung naiilang lang siya o sadyang tumahimik siya sa byahe. Ang ibang kasama na hindi namin kakilala ay may kanya kanya ring usapan, minabuti ko nalang na hindi sila pansinin at itinuloy ang pakikipag-kwentuhan kay Rheiko, hindi rin naman makausap si Zeya, mukhang wala siyang nadalang extrang ballpen at papel.

"Aish, landian ng landian kairita," hindi pabulong at alam kong pinapatamaan ni Hymn si Prescilla. Dahil kada paling ng ulo nito ay siyang tama ng buhok nito sa mukha ni Hymn.

Tinignan naman siya ni Prescilla saka inirapan. Pagbaling kay Rheiko ay mas hinigpitan nito ang yakap kay Kuya Kade, hindi nagbibigay ng reaksyon si Kuya Kade dahil sa himbing ng tulog nito.

"Don't mind her," sabi naman ni Cali saka tinanggal ang headset niya at ikinabit kay Rheiko, great ! Lalo akong nawalan ng kausap.

"Isa pa, tatamaan na 'to sa akin," masamang tingin na baling ni Hymn kay Prescilla.

"Tamaan mo na," suhol ni Draco habang naglilipat ng libro niya.

"Pinag-uusapan niyo ba ako?" lipat tingin ulit ni Prescilla at muling pinalipad ang mahaba niyang buhok.

"Bakit ka namin pag-uusapan? Sikat ka ba?" simple ngunit may laman na pang-aasar ni Jett at binigyan ng mapanuring ngiti si Prescilla.

"Tss," pagtanggal ng tingin ni Prescilla ay saktong tumama muli sa mukha ni Hymn ang buhok nito.

"I'm done," seryosong sabi ni Hymn.

Walang pasintabi, dumakot siya sa buhok ni Prescilla, hindi namin agad napansin na kanina pa pala siya may hawak na gunting. Walang alinlangan na ginupit iyon dahilan para magwala si Prescilla. Isa sa kinaiinggitan sa kanya ay sinira lang ng ganun ganun ni Hymn. Hindi ako nagulat, bagkus ay napatawa sa nangyari sa kanya.

"WHAT DID YOU DO ? OH MY G-- WHAT THE HELL DID YOU DO?" hindi mapakaling pabaling baling ng ulo si Prescilla, pilit tinitignan ang buhok na ginupit ni Hymn.

"I just cut your asset off," natural na sabi ni Hymn na para bang namitas lang ng isang dahon sa paligid.

Nanlaki ang mata ni Prescilla lalo na't iwinagayway ni Hymn ang kakagupit lang na buhok sa mukha niya.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now