Chapter 33 : When Mute Talks

331 22 9
                                    

                        Chapter 33

AVIAH RHEIKO SUMMER

Gabi na, naka-kain na at nakapaglinis ang lahat. Nagpapadalaw nalang kami ng antok kaya napagpasyahan namin ni Audie at Zeya na pumunta ng sala. Naabutan namin na nanonood sila Prescilla kasama ang ibang taga hilaga, staff ng school na kasing edad lang namin.

"OH MY GOD ! JESUS !" may paghampas pa si Prescilla habang pinapanood ang isang series na Kdrama.

It was a kissing scene, a guy forcedly kissed the protagonist (I think) girl in the middle of the crowd. Such a romantic scene for every girl like us.

Naputol lang ang kilig na nararamdaman ni Prescilla nang biglang dumating ang grupo nila Hymn, kasunod si Ash at Storm. Sa pagkaka-alam ko ay maaga natulog si Andreau, Yhno at Chance kaya nabawasan ang mga magugulo.

"Ano ba yan, ilipat niyo nga yan," kinuha ni Hymn ang remote ng t.v at inilipat sa laro ng basketball. "much better," sabi nito saka umupo sa unahan.

Hindi makapaniwala si Prescilla sa pang-aagaw ng trip ni Hymn.

"What the-- what the hell are you doing huh? Nanonood kami dito, kami ang nauna tapos ililipat mo lang?"

"Wala naman kayo mapapala sa pinapanood niyo," bwelta ni Hymn.

"At diyan may mapalala kayo?"

"Oo, may pustahan kami dito 'no, eh yung sa inyo? Halikan ng halikan, kaya ka nagiging malandi eh," napakagat ako ng labi, pinigilan ang sarili matawa sa sinabi ni Hymn.

"You--" nanlaki ang mata ni Prescilla sa narinig. Wala talagang tigil ang bibig ni Hymn.

"Bakit? Tama naman ako diba? Wala naman kayo mapapala sa pakikipaghalikan? Ni hindi nga masarap sa pakiramdam yan eh, tama diba?" sabi ulit ni Hymn.

"Yeah, right!" voices in unison.

Kusa akong napatingin kay Audie nang marinig ko siyang sumagot at bumaling rin kay Storm na kasalukuyang nakatingin rin kay Audie.

Binalikan ko ng tingin si Audie, nakatingin siya kay Storm at pagkuwan ay umiwas.

"Sumagot pa talaga kayo? Bakit? Naghalikan na ba kayo huh?" tanong muli ni Hymn.

"Hymn !" sigaw ni Audie.

"Fvcking Framm! Watch your mouth," si Storm at tumayo. Bago umalis ay hinagisan ng throw pillow si Hymn.

"Aray ko!"

"Mauuna na ako sa taas Rheiko, sumunod nalang kayo ni Zeya," paalam din ni Audie.

Nagkatinginan pa ang dalawa, inirapan ni Audie si Storm at pinaliparan ng buhok. Si Storm naman ay pumamulsa lang at naglakad. Naghiwalay sila ng daan at nakatalikod sa isa't isa.

"What happened to her?" natanong ko bigla si Zeya pero kibit balikat lang ang sinagot niya.

"Mga baliw!" salita ni Hymn at pa-iling iling pa.

"Akin na nga yang remote! Umalis na nga kayo dito, mga istorbo," sa huli ay nagpaubaya narin si Hymn kay Prescilla.

Ibinigay niya ang remote kay Prescilla sa marahas na paraan. Inihagis niya ito kaya't nagkalas kalas ang parte. Iniwan na nagsisigaw si Prescilla sa sala. Napailing nalang ako, kakaiba rin talaga mang-asar si Hymn. Napahinto siya nang mapatapat sa amin at tinignan si Zeya.

"Zeya, bakit gising ka pa? Matulog ka na, anong oras na," ma-awtoridad niyang sabi.

Nagulat nalang ako ng biglang tumango si Zeya at nagtatakbo pataas, hindi man lang nagpaalam sa akin.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now