Chapter 17 : Mute

462 36 7
                                    

Chapter 17

HYMN RYKER FRAMM

"Hey dude, wanna play ?" bati agad sa akin ni Jett ng lapitan ako dito sa gym at agad ibinato sakin ang bola ng baseball.


Sumimangot lang ako at ibinato sa kanya yun pabalik.

"I'm not in the mood." sagot ko saka sumandal sa pader sa gilid ng gym.

"Wow bro, are you on your PMS again ?" this crazy bastard knows how to pissed me off.

"Shut up Acker ! I want a peace of mind so better f*ck up." he chuckled and sat beside mine.

"How's your game ?" tanong niya nang tuluyang maka-upo.

"It's good."

"Where is Cali by the way ?"

"Saan pa ba ? Baka kasama na naman si Rheiko, you know he's doing some bullshit courting."

"You sounds like a jealous girlfriend baby Framm." sinimingutan ko siya sa sinabi niya at siniko sa balikat, kung pwede lang sa mukha ay ginawa ko na.

"And where is Draco ?" ako naman ang nagtanong.

"Library dude, borrowing some books." as always.

"I may not surprise if someday he'll marry one of his books." patawa tawa kong sabi.

"Or the old woman librarian." singit ni Jett na lalo kong ikinatawa.

Sa pag-uusap naman namin ay biglang pumasok sa gym ang grupo ng mga basketbolistang pinamumunuan ni Ash. Mga taga-silangan at ang iingay nila. Nagkatinginan nalang kami ni Jett at nagbigayan ng ekspresyon na kami lang ang nakaka-intindi. Napalingon sa pwesto namin si Ash, napatigil siya saglit pero hindi nagtagal ay inalis niya rin ang tingin saka nagpatuloy sa paglalaro nila.

Dahil wala naman kaming mapapala dito, niyaya ko na si Jett na umalis. Malas at umuulan pa, kaya dumaan kami sa gilid para lang hindi mabasa. Nakakainis talaga ang ulan, pinaka ayoko sa lahat ay ang panahon ng tag-ulan, walang matinong magawa dahil sa mga tubig na pumapatak sa bawat lugar na pwede mong puntahan.

Sa paglalakad namin sa gilid ay napahinto ako ng makita ang isang babaeng pasugod sa ulan, tila nag-iisip pa siya kung susugod siya o hindi. Panay ang tingin sa orasan tila may hinahabol na klase, madalas ang pagkagat sa ilalim ng labi niya at tumitingala sa taas, tinatantya kung gaano kalakas ang pagpatak ng ulan. Napailing nalang ako, sa lakas ng ulan ay kahit ako hindi ko tatangkain na sumugod sa gitna nito.

Ngunit nagkamali ako, mabilis ang pangyayari at bigla siyang tumakbo sa gitna ng ulan, wala anumang panangga o proteksyon. Nakayuko siyang tumakbo walang kasiguraduhan ang patutunguhan at tuloy tuloy ang mabibilis na yabag. Baliw na ata siya, nagawa niya talang sumugod at hindi muna nagpatila.

"She must be crazy." rinig kong sabi ni Jett at pailing iling pa sa gilid ko.

"She really is." pang-sang ayon ko.

Iaalis ko na sana ang paningin sa kanya ng isang malakas na pagkalabog ang narinig ko. Mabilis ang nangyari, nabunggo ang babae sa isang lalaking kasalukuyang pinapayungan ng isang estudyante. Nagkalat ang naglaglagan ang mga gamit niya sa lapag.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now