Chapter 50: I Can't

251 17 3
                                    

                          Chapter 50

              AVIAH RHEIKO SUMMER

Halos buong araw kami magkasama ni Cali, hindi narin kami nakapasok sa buong araw na subject. Maghapon kami sa park, nanonood ng mga batang naglalaro, dito na rin kami kumain ng tanghalian at meryenda. Walang humpay na kuwentuhan, mga nangyari nang wala kami sa tabi ng isa't isa ang buong araw namin napag-usapan.

I hardly conviced myself to tell Cali about the engagement party but theres a hollow inside my chest everytime I tried.

The pain is intolerable.

I know I'll make him cry.

I know I'll hurt him.

I know it will be over.

And I didn't want that to happen.

Instead of saying the truth, here we are spending our day together and laugh our lungs out even for the weirdest things.

Sobrang hirap isipin na, ang pagiging engage kay Kade, ang bagay na pinangarap ko dati, ngayon ay ang bagay na pinaka ayaw ko nang mangyari.

Puwede pala iyon.

Puwede palang ngayon mahal mo ang isang tao, bukas pag-gising mo ay hindi na. Puwede palang, ngayon ay hindi mo kayang mawala sya, bukas ay kakayanin mo ng mag-isa.

Puwede palang magbago ang lahat. Puwede palang magbago ng minamahal sa kalagitnaan ng proseso ng pagmamahal mo sa taong hindi ka naman ginusto.

Pero bakit sa lahat ng paghihirap at sakripisyo ko noon, hindi niya nakita iyon? Ngayong may bago na akong gusto, may bago na akong mahal, pipilitin niyang ibalik ulit ang pagmamahal ko na tuluyan ng nawala.

Life isn't fair. Most of the time, you will question it all.

Why?

Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na masaya na ako kay Cali. Bakit ngayon pa na wala na akong nararamdaman para sa kanya?

"Summer? Are you okay?" Cali frowned as if he asked me the most bothering question.

I nodded. "Yeah, of course I'm okay Cali."

"But.. you're crying," there was sadness written all over his face, as if the burden feelings I'm keeping was reflecting into him.

Nasapo ko ang pisngi. Totoo ngang may mga luha na pala, hindi ko na napansin ang pagtulo nito. Hinawakan ni Cali ang mga pisngi ko at pinunasan ang luhang dumadaloy doon.

How I wished it is easy as that.

Sana, kung gaano niya kabilis punasan ang luha ko, sana ganoon din kabilis mawala ang problemang iniisip ko.

Palubog na ang araw, natatamaan pa kami ng sikat nito at nakakatuwang pagmasdan ang sinag mula sa mga mata ni Cali.

"Anong problema Summer?" patuloy nyang tanong dahil sa pagluha ko.

"Nothing, I'm just happy to see you," I smiled.

He smiled too.

It hurts.

It hurts a lot.

Niyakap niya ako. I hugged him back and it hurts even more. Hindi ko alam kung mayayakap ko pa siya ng ganito, hindi ko alam kung sa mga susunod na kabanata ng buhay namin ay makakaya ko pang hawakan siya ng ganito. I can't bear thinking myself hugging another man, Kade to be exact. I was only for Cali. I will decide what becomes my destiny.

Baka naman puwede.

Baka naman may paraan pa. Baka puwedeng gawing tama ang mali, baka kayang solusyunan ang oo sa hindi.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now