Chapter 21 : What We Used To Be

489 29 7
                                    

                     Chapter 21

AVIAH RHEIKO SUMMER

Hindi magkanda-ugaga ang mga kaklase namin sa pangalawang paksa. Hindi mapakali sa mga upuan at ang mga tingin ay nasa harapan lamang, tinitignan ang pinaka gwapong guro sa buong Kristoff, si Sir Matt. Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Sir Matt dahil sa mga namumuong bulungan sa paligid. Puro pamumuri, pang-gigigil at pananaliksik ang ginagawa nila sa halip na makinig sa leksyon. Kulang nalang ay lumipad sila at umupo sa tabi ni Sir Matt.

Pinagmasdan ko sila Cali, katulad ng iba ay hindi sila nakikinig, may sarili silang kwentuhan nila Hymn, si Storm ay nakayuko sa isang sulok, si Ash ay pinapagulong ang bola sa lamesa niya, si Kade ay nakasilip sa labas ng bintana, si Andreau lang ata ang masusing nakikinig kay Sir Matt, hindi ko tuloy malaman kung may matututunan pa kami sa leksyon na ito.

"So is that clear class ?" nagtanong nalang ng ganun si Sir Matt na hindi naman namin malaman kung ano ang sinasabi niya.

"Anong clear Tito Dagger ?" hindi man lang tumawag ng sir si Cali.

"Hindi talaga kayo nakikinig no ? Aish bakit ba kase ako pumayag na pumasok dito puro sakit ng ulo lang ibibigay niyo." pailing iling na sabi ni Sir Matt.

"Ano po bang sinasabi niyo sir?" tanong ng isang babae sa unahan habang ikninukurap ng maigi ang kanyang talukap.

"Iginrupo ko kayo para sa isang activity. Hindi ito simpleng activity, may kanya kanya kayong designated na lugar na pupuntahan para sa isang team building." sagot ni Sir Matt. ".. and Cali, Hymn, Jett and the others.. hindi kayo kasali sa activity dahil on-going pa ang parusa ninyo galing kay Rage."

Nagkatinginan nalang kami nila Cali at sabay sabay rin napatingin ulit kay Sir Matt.

"Ayos yun, wala tayong activity." masayang sabi ni Jett.

"Nope, may sarili kayong activity na gagawin." sagot ulit ni Sir Matt.

"Ano po yun?" tanong naman ni Andreau.

"Si Rage na magsasabi sa inyo. Well, that's all for today. See you tomorrow." tuluyan na siyang lumabas ng klase at ang ibang mga estudyante naman ay hinabol pa siya ng tingin.

"I hate special activities." inis na sabi ni Hymn. "..I'm pretty sure it has something to do with us, our attitudes and relationship tsk." dagdag niya.

--

Hindi nagkamali si Hymn, kinausap kami ni Tito Rage at sinabi ang pupuntahan namin. Sa isang ampunan, gagawa kami ng aktibidad para sa mga bata, pagpapalaro, pagpapa-guhit, pakikipagsaya at kung ano ano pa. Walang naging reaksyon ang ilan, si Cali lang ata ang natuwa, ngayon ay napatunayan ko na talagang malapit siya sa bata.

Kinabukasan namin gagawin ang activity. May pagpupulong ang mga guro bukas kaya kukunin namin ang bakanteng oras para magawa ang aktibidad. Kailangan ng patunay na pupunta kami doon kaya kailangang kumuha ng litrato kapag nandoon na kami.

--

Kinabukasan ay maaga kaming nag-ayos para sa pag-alis at pagpunta sa ampunan. Paglabas ko ay naghihintay na sila Cali sa labas ng sasakyan kasama sila Hymn. Si Storm at Ash ay magkatabi sa isang gilid na parehas nakasimangot. Si Kade ay wala pa. Sila Chance, Audie at Yhno ay hindi makakasama dahil ibang year level sila kaya't maswerte at hindi sila makakaranas ng kung ano mang gagawin namin ngayon.

"Ang tagal talaga ng lalaking yun masyadong pa-importante." simangot na hurumintado ni Hymn habang nakasandal sa sasakyan.

Kapansin pansin ang mga suot nila, umangat ang magagandang itsura para tuloy silang mga artista na ngayon ay pinagtitinginan ng bawat estudyante na dumaraan.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now