Chapter 28 : Courting Rivalry

359 26 28
                                    

Dedicated to : Black_Death100301   

                    Chapter 28

AVIAH RHEIKO SUMMER

Dumating si Cali sa bahay, sakto at nakabihis na ako. Nagulat pa ako nang makita ang suot niya, naka-plain white vneck tshirt lang siya at shorts, tsinelas lang din ang suot niya, naka-pang bahay lang siya.

"Hala, nakakahiya. Saan ba tayo pupunta Cali? Nagbihis pa ako."

Napatawa siya sa tinuran ko. "It's okay Summer, sakto lang ang suot mo."

"Sigurado ka?" alanganin kong tanong.

I'm wearing light pink dress, we're so mismatched.

Tumango siya. "Yup, so let's go?"

Sumunod nalang ako sa kanya, sumakay na kami sa sasakyan at sinimulan na ang byahe. Ipinarada ni Cali ang sasakyan sa tapat ng isang café. Morthon Café ang nakasulat sa taas, kahit nasa labas ako ay kitang kita ko ang loob nito, brown and white ang theme at maraming magagarang pang-display sa loob.

Binuksan na ni Cali ang pinto ng sasakyan at inalalayan ako bumaba. Agad kaming pinagbuksan ng guard at malugod na binati si Cali.

"Good evening po Sir Cali," bati ng guard.

"Good evening," pormal na bati ni Cali.

Ibig sabihin ay kilala niya ang nagmamay-ari ng café na ito o baka sila nga ang may-ari.

"Good evening Sir Cali," bati ng karamihan na mga nagseserve, ang karamihan ay babae at todo makangiti kay Cali.

Ngumiti lang si Cali at dumiretso sa counter, laking gulat ko nang makita si Andreau doon, he's brewing some coffee, while Audie on the other side is punching orders of customers, just like the other staff they are wearing the same uniform. What are they doing here?

"Tinatamad ako, uuwi na ako," narinig ko ang isang pamilyar na boses.

Napalingon ako sa pinanggalingan noon at nakita ko ang kalalabas lang na si Storm habang hinuhubad ang apron na nakasabit sa kanya saka padabog na ihinagis sa gilid. Kasunod niyang lumabas si Ash.

"Hoy! Wag mo akong iwan dito, ako na naman maghuhugas lahat nun? Noong nakaraang linggo ganun din ginawa mo ah," reklamo ni Ash.

"Bahala ka sa buhay mo, uuwi na ako," dire diretsong naglakad si Storm.

Nang mapadaan sa counter ay natigilan siya ng makita ako.

"Hoy Storm, bayaran mo yung kape na ininom mo," sigaw ni Audie.

"Pakibawas sa sahod ko,"

"Wala ka na ngang sasahurin eh," sabat naman ni Andreau.

"Aish ! Why the hell I am talking to you people? I'm out," padabog siyang umalis at inilagabog pa ang pinto.

"What a badass," iling na sabi ni Andreau.

"Hi Rheiko ! Nandiyan ka pala, oorder ka ba? Anong gusto mo? Libre ko na," si Audie na kumakaway.

"Two cappuccino frappe," si Cali ang nagsalita.

Lumingon naman sa kanya si Audie. "Magbabayad ka ba?" lantarang tanong nito at nakataas pa ang kilay.

Inilabas ni Cali ang wallet at inilapag ang credit card.

"Credit card na naman? Kelan ka ba magbabayad ng cash?" mataray paring tanong ni Audie.

"Employee's don't have the rights to argue with customers as long as they are paying the right bill, rules number 5,"

Napangiwi si Audie "Employee's have the rights to question----"

Of The Shattered CompassUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum