Chapter 38

535 39 6
                                    

Asher POV









Dumating ang pinaka last day ng Inter High, Panalo kami at awarding nalang ang hinihintay namin mamaya, Dito sa Casa Academia naganap ang last day ng game namin kahapon, Aaminin ko habang nasa laro walang tigil akong pabalik balik ng tingin sa grupo ng mga namukaan kong kasama ni Athena pero maski anino niya ay hindi ko namalayan.

Exactly 2 o'clock in the afternoon nagdatingan ang mga volleyball players sa cafeteria, Sila Jesrille. Parepareho silang pagod at hindi maipinta ang mukha. May sarili sariling bulungan sila at doon ko lang nalaman na hindi pala sila nanalo.

"Sino kalaban niyo?". Hindi ko napigilan magtanong, Ilang kaibigan ko ang sumulyap sakin pero nagiwas din ng tingin, It feels like they knew about something but the truth is I'm just being paranoid. Kung meron man unang makakapansin 'non ay walang iba kundi si Parker na nasa tabi ko ngayon at busy sa kanyang cellphone. Mukhang may katext.

"Yung Grade 10 ng Flores, sila nakatalo sa amin nung first day sa FTU, And God! Hindi din talaga namin naipanalo ngayon." Umiiling na sabi ni Jesrille at itinuon ang sarili kay Cassy, mukhang may pinagtatalunan din sila about sa naganap na laro.

Kung ganoon ay nandito sila Athena, nilingon ko si Parker na busy padin ngayon. Ang mga kaibigan ko ay ganoon din at nakikipagusap sa mga ibang kaibigan naman nila Jesrille. Pinagpatuloy ko ang paglingon sa buong cafeteria pero wala akong nakitang Athena. Sa bawat pagbukas ng pinto ay napapalingon ako, umaasang sila ang padating.

"May hinihintay ka ba?". Baling sakin ni Jesrille na seryosong nakatingin sakin, Sumulyap ako saglit kay Cassy na kumakain bago nagbalik ng tingin kay Jes at umiling.

"Wala naman. Bakit?".

"Wala lang din. Napansin ko kasi na kanina ka pa lingon ng lingon." Inayos niya ang kaunting bahagi ng buhok niya at inipit sa may bandang tainga niya, Ngumisi lang ako sa kanya at sumandal sa upuan at inilabas ang cellphone para magtipa.

Ako.

Hi Athena :) This is Asher Damian of Casa Academia, Grade 11 Senior High Students. Sorry for the last night call, I didn't mean to end it cuz for the urgent problem, hoping to see you until this day ends.

Walang hinto kong nilagok ang ice tea na nasa harapan ko para kumuha ng lakas para masend ang natype ko. Minsan akong ngumiti ulit kay Jesrille ng napansin niya ang pagiging aligaga ko. Kunwaring lumapit nalang ako kay Parker at sumulyap sa cellphone niya inilayo agad sakin.

Gusto ko na sana isend pero hindi ko talaga kaya. Binura ko ang unang natipa at nagsulat ulit ng bago at mas maikli.

Ako.

Hi Athena :)

Nang nasiguro kong ayos na 'to ay agad kong sinend at binitiwan ang phone ko. Akala ko ay magiging matagal ang paghihintay ko sa reply niya pero wala pang ilang segundo at tumunog na ang phone ko. Nakagat ko ang sarili kong labi para pigilan ang ngiti ko nang mabasa ang pangalan ni Athena.

Bautiful Athena

Sino 'to?

Unang reply palang ay ramdam ko na. Masungit!

Ako

I'm Asher Damian, Grade 11 Senior Students. One of the basketball varsity player of Casa Academia.

Napalunok ako sa reply ko. Akala ko ay magiging ganoon pa din ang mabilis niyang pagreply kanina pero hindi na, May part sa akin na umaasang kapag nabasa niya ang pangalan ko ay mas malaki ang chance na replyan niya ako lalo pero ako nalang mismo ang nahiya sa sariling naiisip. Masyado atang naging mayabang ang pagpapakilala ko, Did i offend her? Baka naturn off na siya. Well, pwede naman ako mag explain. Hindi ako kailanman naging ganito sa babae, Sila ang unang nagtetext at nangunguha ng phone number ko, So, it would be a pleasure for her kasi ako ang nauna.

Inabot ng ilang oras bago ako ulit makatanggap ng reply niya. Naglalakad na kami pabalik sa Gym kasama padin sila Jesrille.
Mabilis ko 'tong binuksan.

Beautiful Athena

Ok!

Ok? Ang tagal kong hinintay reply mo, Ok lang? Great!

Hindi ko alam kung ilang mura ang lumabas sa bibig ko, Hindi na ako muling nagtype ng kung ano man. I'm done. Hihintayin kong malaman mo kung sino ang minsan mong na ignore, Pagbibigyan kita Athena. Pwede mong sabihin sakin na hindi mo kasi alam na hinahangaan ng mga babae ang tulad ko.

Umakyat kami sa stage para sa awarding, Isang malaking trophy ang nakuha namin at tigiisang certificate, Habang nahirang akong MVP with medal. Ilang pictures ang kinuha sa amin bago kami payagan na bumaba.

Nahanap ng paningin ko si Athena, Tinawag na sila. Nagtatalunan ang mga kasama niya habang siya ay nakayuko sa cellphone niya, Pati sa pagakyat, May Inaward din sakanya na hindi ko narinig. Ngumiti lang siya ng pilit at muling nagtalunan sa ingay ang mga kasama niya, Pababa ng hagdan ay bumalik nanaman siya sa pag cecellphone niya, Kulang nalang ay madama siya pababa at takbuhin ko para lamang masalo. Fvck! Kung ano ano na 'tong naiisip ko.

Pinagmasdan ko lang ang kilos niya, Kailan mo ba balak bitawan 'yang cellphone mo para mas makita ko ng bup 'yang maganda mong mukha.

Panibagong inis ang nabuhay sa akin, Sino ba iyang kausap mo at hindi ka makapagtigil? Nilingon ko ang cellphone ko at mabilis na nag type. Nilakas ko ang loob ko. Hindi pwedeng ganito! Mas mababaliw ako.

Ako

Congrats! I saw you.

Pabalik balik ang tingin ko sakanya at sa cellphone ko, Sino ba talaga ang kausap niya at hindi man lang niya mapagbigyan ang text ko? Bakit hindi niya ako mareplyan? Iyong Marcus ba? Damn it!

"Parker?". Kahit nagsasaya ang mga kaibigan ko ay hinila ko. Naiinis siyang bumaling sakin."What the hell Dude! Get off of my shirt!". Hasik niya sakin at umirap pa. Bading.

"May kilala ka bang Marcus?".

Saglit siyang natigil at tinaasan ako ng kilay."Who? Marcus Adams, Marcus Francis Guevara, Marcus Landero? Taga Casa Academia ba?". Balik niyang tanong sakin. Napaisip ako.

"Bakit? May kilala ka pa ba sa ibang school?".

Muli siyang napaisip."Yung kahapon, Marcus Herrera. Sa Flores University, Naalala mo 'yong mga nagaway?".

Hindi na ako kumibo at muli akong nagtapon ng tingin sa phone ko bago muling kay Athena na nasa phone padin ngayon. Possible nga kayang 'yong lalaking yon? Marcus ang binaggit niyang pangalan nung tumawag ako, Is she expecting a phone call from Marcus Herrera? Base sa away kahapon, Mukha silang magkaibigan, Wala ba siyang mismong phone number ni Marcus para mapagkamalan niyang siya ako?

Isang malakas na suntok ang natanggap ko sa kung sino. Galit kong hinarap ang walang hiyang si Parker."What the hell fuck is your problem!". Sigaw ko sakanya.

"Bro, you're better than that! Wag mong ituloy yang binabalak mo, natutukso ka lang, Sayang pagiging gwapong lalaki mo".

Sinapak ko din siya agad dahil sa iniisip niya. Mabilis kong pinutol ang idea sa utak niya."Gago ka ba? I'm not Gay! I'm not like you!". Isang sulyap muna kay Athena bago ko tuluyang iwam si Parker at nagsimula ng lumabas ng Gym.

Natuloy ang Party dito sa bahay, Gusto kong mag thankyou ng sobra kay Daddy at Mama dahil dito. Ang ganda ng pagkaka organize at sinadya nilang umalis at hindi dito matulog para mas maenjoy namin, Sinabi lang nila na bawal sa mga kwarto at eksaktong 12 dapat tapos na ang Party.

"Come on Dude! Kanina ka pa wala sa mood. Anong problema? Panalo tayo, May Party. You  should enjoying the night!". Sigaw sakin ni Seki, nakikipaglaban sa mas maingay na music.

"Madaming babae Par! Sila problemahin mo!". Dagdag ni Parker na tawa ng tawa, May tama na ng alak. Alam kong may ibig sabihin nanaman siya doon pero tinawanan ko nalang. Umiling ako at tumayo sa kinauupuan, Hinubad ko ang shirt kong suot at mabilis na nilagok ang isang basong vodka na nasa shot glass, bago tumalon sa pool at hindi pinansin ang sigawan nila.

See? Oh! Beautiful Athena. You're such a big mess in the ass! Look what you've done to me, Tulad ng sabi ko, Hindi pwedeng ganito. Kailangan mong bumawi, sisiguraduhin kong sisingilin kita hanggang mag bayad ka.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon