Chapter 05

1.1K 56 1
                                    

Exactly.


"Ehem! Pakilala mo naman ako este kami Bro!". Bulong sakanya ng pinaka mistiso sakanila. Nakita kong bumagsak ang mga balikat ni Asher tapos nagtawanan mga kaibigan niya.

"Mga kaibigan ko." Bahagyang itinuro niya ang mga kaibigan niya kaya ako nalang ang kusang naglahad ng kamay.

"Athena.."

Isa isa naman nilang pinakakilala ang sarili nila sakin. Ang bawat paglalahad nila ng kamay ay may kasamang ngiti. Medyo nawala ang hiya ko dahil sa magaan nilang pakikitungo.

Kendrei Martin.

Gian Aiden Delavega.

Seki Maxwell.

Spell Maniego.

Parker Villania.

Bahagyang tumikhim si Asher kaya naman napalingon kaming lahat sakanya, Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko kaya patago ko siyang sinamaan ng tingin.

"Kailan pa naging kayo?". Seryosong tanong ni Kendrei habang ang atensyon ay mga nasa prutas sa lamesa. Nandito kami ngayon sa Pool Area, siguro ay sanay na ang mga tao dito na laging dumarating ang mga kaibigan ni Asher. Ang iba kasing katulong ay kilala sila atska masyadong feel at home ang mga kaibigan niya. I wonder, kung talaga bang ganito sila kahit saan.

Nang isa- isa silang bumaling sa amin ay hindi ko alam kung ano ang isasagot, nilingon ko si Asher."We don't know. I don't know. And besides I don't find it special.". Nagtawanan ang mga kaibigan niya. Napataas ako ng kilay, Akalain mong para siyang nagsasabi ng totoo.

"Kung ganon ay hindi niyo din binibilang kung ilang days,weeks or months na kayo?". Ako na mismo ang umiling kay Seki dahil sa akin naman siya nakatingin habang nagtatanong.

"Walang kwentang boyfriend ka naman Bro! Alam mo itong si Athena baka naman ayaw niya lang magreklamo pero kilala ko mga babae, Special sakanila ang mga araw na iyan. Dahil alam nila kung kailan icecelebrate." Pareparehas kaming nagtinginan dahil sa sinabi ni Parker. Hindi ko naiwasan tumango dahil totoo naman yung sinabi niya.

Nagtama ang paningin namin ni Asher. Bahagya akong napaiwas ng tingin ng mahuli niya akong tumatango. "Naks! Experts ka kase dyan Bro!". Pangaasar ni Gian kay Parker kaya sabay sabay kaming nagtawanan.

"May meet the parents na bang naganap?".

"Nako! For sure, Tito Asmon will be proud of you."

"Yeah, Do you still remember guys? Eh nung halos patayin na siya ni Tito Asmon dahil sa mga kagagaguhan na nagawa niya nakuha pang magbitiw ng salita."

"Hindi ako magugulat kung magdadala ka ng babaeng nabuntis mo, And if that day will come baka mas matuwa pa ako sayo kesa sirain mo yang buhay mo sa mga walang kwentang bagay!". Sabay sabay nilang sinabi iyon. Nagtatawanan sila pero tulad ko ay hindi ako makapaniwalang tumingin kay Asher. Umiiling siya na parang sanay na sanay na siyang asarin ng mga kaibigan niya sa bagay na iyon.

But wait. Seriously? Tito Asmon told him that? Hindi ko maiwasan mapangisi siguro nga ay masyado ng nagsawa sa ugali ng anak kaya umaasa siyang magbabago ito kapag nagkaanak na din or baka ganoon na lamang siya ka excited magka apo.

"Wait... Don't tell me, pinupunta kana dito ni Asher pero hindi mo pa na meet si Tito Asmon." Singit ni Spell kaya natahimik kaming lahat. Paano ko sasabihin sakanila na nameet ko na but not as a girlfriend of his son.

"Oy tama na yan! Enough with the questions. Tara na Athena." Tinignan ko siya ng may pagtataka.

Saan kami pupunta?

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Where stories live. Discover now