Chapter 24

766 42 1
                                    

Laban






"Napaka tsismoso mo talaga!". Miyuki rolled her eyes to Dion. I sighed deeply, Sinabayan na kami ni Dion sa paglalakad.

"Umamin siya sakin." Simple kong sagot. Kapag naaalala ko ang nangyari kagabi ay natatawa ako sa tuwa. Hindi ko kayang ikwento kahit dalawang ito.

"Just for that? Baka naman pinagtitripan ka niya Athena?". Nagaalalang tanong ni Dion.

"As if you care Dion! Hindi naman ata ganon si Asher." Sagot ni Miyuki sa kaliwa ko dahil napag gigitnaan nila akong magkambal.

"How could you be so sure? Close ba kayo? Matagal na akong nagaaral dito at wala pa akong nababalitaan na nagka girlfriend yang si Damian, Tambakan ng babae ang mga grupo nila at iiwan nila kung kailan nila gusto.. Paano kung pinagtitripan niya lang si Athena?". Sagot naman ni Dion sa kanan.

"Hello Brother! Kapag ba playboy bawal na maging seryoso? Maganda si Athena, mabait, matalino mapagmahal na anak. Dapat lang na bumigay sakanya si Asher, No wonder!".

"Madami mas maganda at mas better kay Athena na dumidikit kay Asher, Bakit hindi niya naging girlfriend!?".

Pareparehas kaming natahimik sa sinigaw ni Dion. Natigil din siya sa pagsasalita.

"Ikaw talaga! Pumunta ka na nga sa klase mo!". Bahagya siyang tinulak ni Miyuki.

"Sorry Athena, That's not what i meant." Paghingi ni Dion ng sorry.

Ngumiti lang ako."Okay lang.." Sabi ko.

"Umalis kana." Bulong sakanya ni Miyuki at pinagtutulakan na palayo.

"Concern lang naman ako." Umiling si Dion at mukhang badtrip pa bago tuluyan kaming iwan.

"Hindi ko kapatid yun Athena, Siya nga ata yung ampon sa aming dalawa." Pamimilit sakin ni Miyuki na tinawanan ko.

Naiintindihan ko naman na nagaalala lang sakin si Dion, hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako dahil narinig ko mismo sakanya na madami pang mas better sakin na babae na pwedeng piliin ni Asher which is not a lie. Katulad ni Karmi, Fatima, Jupiter and some other girls out there. Hindi lang ako ang pwedeng magkagusto sakanya at pwedeng gustuhin niya.

"Huyyy! Wag mo na isipin yung sinabi ng unggoy na yon, Dapat nga masaya ka, kasi ikaw yung nagustuhan niya. Ibig sabihin may nakita sayo si Asher na wala sa iba, At talagang love ang tawag don. Kasi sabi nila kapag mahal mo na ang isang tao, walang ibang reason."

Gusto kong maniwala sa mga sinasabi ni Miyuki. But what if Asher is just playing with me. Gusto niya akong masaktan sa huli. Niloloko niya lang ba ako? Bakit hindi ko maramdaman? Sabagay, sino bang manloloko ang aamin at magpapahalata parà mahuli...

"Yeah, you're right.. Bakit naman ako mag papa apekto sa sinabi ng kambal mo." Nagawa ko pang umirap at tumawa para lang hindi makahalata si Miyuki.

"Pupunta na ako sa Room ko, Ikaw? Paano ka?". Tanong niya sakin.

"Ihahatid nalang kita, tapos babalik ako sa Library para ubos oras din." Nagkasundo kami sa usapan na yon, at parehas namin tinungo ang building niya.

Pagkatapos kong ihatid si Miyuki, Magisa ko nalang naglalakad sa hallway. Masyadong tahimik at halatang nagsisimula na ang klase ng iba, Hindi ko maiwasan mapaisip. Sa kung saan at paano nagsimula, paano ako narating sa puntong ganito.

Binago ako ng pagmamahal. Hindi ako nakapagpreno kahit saglit man lang. Hindi ako hinayaan makapag isip ng kanto na dapat kong likuan.

Ano man ang kahihinatnan ng lahat, I know that i shouldn't rely my decisions base on the happiness that I'm having now. Masaya nga ba ako? Dahil may mga relasyon na napaka tamis sa umpisa pero nasa dulo ang pait at sakit. Masasabi natin na Worth it lahat ng sakit ang naging simula dahil madalas nasa dulo ang masasabi mong achievement at Happy Ending, But there is no such thing. Walang happy ending, Hindi natatapos ang buhay at sa bawat sarap may paghihirap at sakit na susubok sayo.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Where stories live. Discover now