Chapter 23

858 48 0
                                    

Truth





Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin para biglang tumayo at iwan si Asher doon para lumapit sa isang inosenteng bata na kinukusot ang mata. Kumpara kay Asher ay mas maputi ang balat niya, Matangos din ang ilong. Ang cute nya talaga!

"Hi!". Bati ko sakanya, Kumurap kurap siya ng ilang beses at walang bahid ng kahit anong reaction ang mukha niya. Napakagat labi tuloy ako, Natakot ko ba siya?

"Sky.. Come here.." Parang isang kalabit ng baril ang boses ni Asher at agad nagtulak para lumapit sakanya ang kapatid niya. Sinulyapan pa muna niya ako bago siya lumuhod at harapin ang kapatid niya tapos may ibinulong siya na hindi ko narinig.

Pinanuod ko lang sila bago sabay silang lumingon sakin, Nanlaki ang mata ko ng nakangiti na ang kapatid niya sakin, Ginulo ni Asher ang buhok nito at walang kahirap hirap na binuhat. Tumayo na din ako sa pagkakaupo at lumapit sakanila.

"Say hello to your Ate Athena, Sky.." Utos ni Asher sa kapatid niya.

"Hello Ate!". Malambing ang boses ng kapatid niya, Kumaway pa ito kaya mas lalong napangiti ako. Parang kanina lang ay hindi niya ako kinibo.

"Hi cute little boy!". Tulad ng ginawa ni Asher ay ginulo ko din ang buhok niya at mas nginitian pa. Kahit ata buong araw siya ang kasama ko ay hindi ako mababad mood sa ka cute an niya.
Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko at bumulong kay Asher.

"Did you hear that Kuya? Ate Ganda said I'm cute." May kagalakan sa boses niya na mas nagpakilig sakin, Nilingon ko si Asher na salubong ang mga kilay.

"Wala naman akong narinig." Sagot niya at tinapunan ako ng masamang tingin. Anong problema niya? Huwag niyang sabihin na nagseselos siya? Seriously, Asher?

"Totoo kuya! Ate Ganda find me cute."

"Tsk. Say Goodnight to your Ate Ganda, Kailangan na niyang magpahinga, at ikaw din." His younger brother nodded.

"Goodnight Ate Ganda!". Hindi nawawala ang kasiglaan sa boses ni Sky, kung titignan mo siya ay wala kang mahahanap na bakas ng kaantukan kahit halos hating gabi na.

"Goodnight." Kumapit ako sa balikat ni Asher at tumingkayad para maabot ang noo ni Sky at mahalikan."Sweet dreams." Dagdag ko.

Tinaasan ko ng kilay ang reaction ng mukha ni Asher ngayon, Halos hindi maipinta. Ngumisi ako bago magsalita."I love you.." Nagtagal ako ng kaunting tingin kay Asher bago naglipat sa kapatid niya na bakas ang gulat ngayon.

Hindi naitago ni Asher ang ngiti sa labi niya kahit halos humaba na ang nguso niya kaka pout niya para lang magpigil, Tumalikod na ako para pumasok sa kwarto ko.

"Kuya! Nag I love you si Ate Ganda sa akin, Narinig mo 'yon diba?".

"Really?".

Hindi ko din maitago ang ngiti sa labi ko, Wala na talagang mas sasaya pa sa gabing ito. Kung ano man ang kabayaran ng nakukuhang kasiyahan ngayon ay handa ako mag bayad. Handa akong umutang ng umutang at mabaon sa pagkakautang, maramdaman lang ng paulit ulit ang happiness na ito, Tila isang panaginip na hindi ko na nanaisin pang magising.

Ito ang unang pagkakataon na sumabak ako sa isang laban na hindi ako sigurado kung maipapanalo ko. Ito yung laban na alam kong hindi ako makakauwi ng walang kahit anong bangas, At sa puntong ito, Handa akong masaktan sa kahit anong banda.

Ganito pala talaga ang love no? Hindi mo tuluyan malalaman ang ibig sabihin nito hanggat hindi dumadating sayo ang taong magpaparamdam sayo ng pagmamahal.

Nakatulog ako ng mahimbing sa gabing iyon, Nagising na lamang ako dahil may kumakatok na sa pintuan ng kwarto ko. Buong akala ko ay Darlene kaya nagulat ako ng makita ko si Asher na bihis na bihis ngayon at mukhang handa ng pumunta sa skwela.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Where stories live. Discover now