Chapter 08

1.1K 49 0
                                    

Passed.



Naging mabilis ang mga araw, Hindi na ulit nagkaroon ng chance na maencounter ko si Asher. Madalas ay nakikita ko siyang nanggagaling sa library sa dulo ng pasilyo ng kwarto namin. Mabilis ko siyang iniiwasan.

Dumating na sila Tito Asmon at Mommy, kaya naman sa loob ng isang linggo ay hindi ko na muli nakita si Asher, Hindi ko alam kung saan siya pumupunta pero narinig ko ang isa sa mga katulong namin na nagsasabi ng information kay Tito Asmon tungkol sa anak nito ay umuuwi naman daw ito tuwing gabi at umaalis din ng maaga.

Hindi ko alam kung hanggang kailan niya gagawin ito, Hindi niya gustong nandito ang presensya ng Father niya pero hindi naman niya magawang iwan ito. Siguro nga ay natatakot siyang baka mapagiwanan siya ng mga kayamanan ng Ama niya na dahilan ng ikinagagalit niya sakin. At ang maling kaisipan niyang baka sa amin ni Mommy or sa akin mapunta ito.

Kung pwede ko lang i explain sakanya na wala akong balak sa pera nila ay gagawin ko, Handa akong magtrabaho habang nagaaral para matustusan ang mga ibang pangangailangan ko. Ang tanging utang na loob ko lamang sakanila ay ang paninirahan ko sa Mansion. Gusto ko man humanap ng matitirahan ay alam kong hindi ko pa kaya. And like what's Miyuki said. I don't think Mommy will let me.

Tulad din ng sinabi ni Tito Asmon bago sila umalis, Gusto nila ng family picture kasama kaming dalawa ni Asher. Pinilit kong umattend sa araw na iyon dahil wala naman na akong magagawa. Pero hindi ko inaasahan na mukhang nakakapit si Asher sa kung anong salita ang sinabi niya. Ayaw niyang pumunta, kaya hindi talaga siya dumating.

Naging napakadali ang pagsapit ng June. Nag start na ang school days. Nasa tapat ako ng aking floor full length mirror. Suot ang aking bagong uniform, White blouse with a blue checkered necktie and with above the knee length checkered blue skirt, including a blazer na sakto lang para masakop ang kabuuang uniform kapag sinuot. Hindi ko mapigilang mamangha dahil hindi ko kailan man naisip na baka balang araw ay masuot ko ito.

Isinisigaw lang naman ng unipormeng ito ang pangalan ng sikat na skwelahan dito sa Zambales ang Casa Academia. Puro anak ng mga kilalang mayayaman ang nagaaral dito. Minsan na naming napagusapan ito ni Miyuki dahil kung sa tuition lang naman ay paniguradong kaya ng pamilya ni Miyuki pero hindi ako. Bukod don ay okay na kaming dalawa sa Flores Technological University. Alam kong ilang beses na siyang kinausap ni Tita Judy na lumipat na doon para magkasama sila ni Dion pero ayaw niya daw dahil hindi ako kasama.

Nagtataka ako kung bakit ngayon na dito na ako magaaral ay ayaw naman na daw niya.

Umikot ako sa tapat ng salamin para makita ng mas mabuti ang aking sarili. Hindi ko mapigilan ang mangiti dahil milyong milyon na alaala ang ibinigay sa akin nito. Alaala ng isang masaya at buong pamilya na meron ako noon. Hindi ko maimagine na hindi ko na makita iyon ngayon. Hindi ko na mararanasan.

Yung mga panahon na pareparehas kami nila My and Dy na sobrang saya dahil magiging high school nako. That was one of the most unforgettable day in my entire life. When i was entering a highschool life. Sa iba ay parang normal lamang iyon, Ang iba naman ay nanghihinayang dahil tatapak nanaman ang mga anak nila sa panibagong stage ng pagdadalaga at pagbibinata. Pero pinaramdam sa akin nila My and Dy na napaka special iyon.

Tatlong magkakasunod na katok ang umalingawngaw sa buong kwarto ko. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng aking kwarto."Mam Athena ready na daw po ang breakfast niyo." Tumango ako at nagsabing aayusin ko lang ang ibang gamit ko at pupunta na din ako sa baba mamaya.

Nadatnan ko ang hapag ng kung ano anong umagahan ang nakahanda. Iginala ko ang paningin ko pero wala si Asher, Binati ko si Tito Asmon at humalik ako sa pisngi ng aking Ina."This is your allowance for the whole month Hija, Don't worry dahil libre naman na doon ang pagkain, Just use your card. Sinabihan na din ng Tito Asmon mo si Cedrick para maging driver mo." Wala akong nagawa kundi abutin ang ibinigay ni Mommy. Napansin kong napakalaki ng naidagdag dito kumpara sa dati kong allowance na sobra na sakin dati. Ngayon ay mas sobra pa. Bukod don ay hindi ko naman ito magagamit pambili ng pagkain sa canteen dahil may card nga na ginagamit, Iiswipe mo lang ito at doon na machacharge ang mga nabili mo.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz