Chapter 10

944 46 6
                                    

Apology.




Isang malakas na pagbuhos ng ulan sa araw na ito, Wala akong dalang payong kaya naman tinext ko si Kuya Cedrick na abangan nalang ako malapit sa gate.

"Athena!". Nilingon ko ang hinihingal na si Dion, magisa lang at medyo basa ang damit at buhok nito.

"Sabi ni Miyuki wala ka daw dalang payong, Gamitin mo muna itong akin." Inabot niya sakin ang payong na mukhang bago pa at hindi nagamit.

"Nasaan ang kambal mo?". Nililingon ko ang likudan niya at umaasa na matatanaw si Miyuki.

"Nasa sasakyan na, Ayaw pa niyang sumakay kanina kasi wala ka daw dalang payong." Natigil ako sandali at pinang lakihan ng hiya.

"Nako! Inutusan ka pa ni Miyuki, dapat hindi ka na nagabala. Nagpasundo na din naman ako kay Kuya Cedrick eh. Nakakahiya!" I said a matter of factly.

He chuckled."It's really fine. Kahit naman ako, Hindi din ako papayag na umalis at maiwan ka dito. Mabuti nga at sinabi niya. Let's Go!".

Tinanaw ko ang kawalan, Halos wala nakong makita dahil sa palakas na palakas ng bagsak ng ulan at sinabayan pa ng malakas na hangin, Maingay na pagkulog at makislap na pagsulpot bigla ng kidlat.

"Can i call Kuya Cedrick for a while? Baka kasi hanapin niya ako". Paalam ko, Mabilis naman siyang tumango at hinayaan akong lumayo at tumalikod saglit.

Nakakainis naman kasi, Sumakto pang kung kailan nakapasok na ay doon biglang mag a-announce na suspended ang lahat ng klase sa lahat ng levels.

Biglang umilaw ang phone ko, Naunahan na ako sa pagtawag ni Kuya Cedrick kaya sinagot ko na ito agad."Hello Kuya?". Ako.

"Where are you?". Kumunot bigla ang noo ko sa narinig kong boses, Bakit boses niya ang naririnig ko? Nasaan si Kuya Cedrick?

"Ah-ah, Nasa second floor bakit?". Pinilit kong maging maayos ang pananalita ko bago lingunin si Dion na busy sa kanyang cellphone.

"Where exactly?". Malamig na tono niyang tanong. Tumikhim ako.

"Sa Building A". Aniko. Saglit na katahimikan."And what are you doing there?". Nagtataka niyang tanong.

"Can you please stop asking, Where's Kuya Cedrick?". Hindi ko naiwasan ang mainis. Nilingon ko ulit si Dion na nakatingin lang sakin at tila hinihintay nalang ako. Uminit ang pisngi ko sa hiya.Ngumiti siya kaya ngumiti nalang din ako at muling bumaling sa kausap.

"There's an emergency in their house, Kailangan niyang umalis. Pinahiram niya sa akin ang phone niya, Im on my way! Go downstairs, Hintayin mo ako sa pangalawang hagdan."

Damn! Napapikit ako. Sa dami ng pagkakataon bakit ngayon ka pa eeksena? Nilingon ko si Dion, Nginingitian ang mga grupo ng babaeng binabati siya, Tumama ang paningin ko sa braso niyang hinahaplos para mapigilan ang lamig na nararamdaman niya.

Nakakahiya kay Dion, Hindi ko alam kung paano i eexplain sakanya na hindi na ako sasabay, Nag effort siya para dito. Pumayag na din ako kanina at sinabi kong magpapaalam na din ako. Kung sasabihin kong hindi ako pinayagan ni Kuya Cedrick ay baka magtaka lamang siya dahil alam niyang ako ang sinusunod nito.

"Athena.. Still there?". Asher asked."Malapit na ako, Hold on." He added. Shit!

"Ahmm, Sorry Asher pero kasi pauwi na ako ngayon, Malapit na ako sa Mansion. Bumalik ka nalang dito Bye!". Mabilis kong inibaba ang cellphone ko.

Pilit kaming nagsisiksikan ni Dion sa iisang payong kaya naman kinailangan pang akbayan niya ako para mas magkasya kami. Hawak niya ang payong na nagsisilbing pangsangga naming dalawa habang hawak ko naman sa gilid ko ang bigay niyang payong para daw hindi ako mas mabasa, Nung una ay tumanggi ako sa gusto niya dahil ang unfair yon para sakanya. Pero sa huli ay natalo din ako dahil mukhang buo na siya sa gusto niya.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon