Chapter 13

886 48 2
                                    

Bagay sayo.


Ilang beses ko ng tinext si Kuya Cedrick pero hindi pa din nagrereply. Kanina pa ako dito sa parking lot at hindi ko pa din makita maski ang sasakyan.

Kanina pa nauna si Miyuki, dahil sinabi kong padating na si Kuya Cedrick, Kilala ko ang babaeng iyon. Ayokong magaalala nanaman siya, Masyado pa namang OA yun pagdating sakin.

Grupo ng mga lalaki at babae ang lumikha ng ingay palapit sa kinatatayuan ko."Uyyy si Athena oh!". Dinig kong bulungan ng mga babae, Nagsimulang maghiyawan ang ilang lalaki sakanila.

"Juztine, diba crush mo yan?". Muli pang bulyaw ng isa. Hindi ako sigurado kung sino talaga ang Juztine sakanila pero batid kong siya iyong pinagtutulakan nila. Matangkad, Maputi at maganda ang pangangatawan. Nahihiya siyang lumapit sa akin habang walang tigil na inaasar ng mga kaibigan.

"Hi! Wala ka bang kasabay umuwi?". Umiling ako."Uh, Sorry. By the way, Im Juztine Deguzman." Nakita ko ang sunod sunod ng paglunok niya.

"Whoaaaaaah! Jerk."

"Gago tumal mo Bro!".

"Una na kami, Hatid mo na yan!".

"Sa bahay nila mo ideretso pre! Wag sa Condo mo."

Maingay na halakhakan ang bumalot sa buong parking lot, Hinintay muna namin mawala sila bago bumaling sa akin na umiiling si Juztine."Mga baliw talaga mga kaibigan ko, Pero mababait sila, Sorry maingay."

"Okay lang." Natawa ako.

"Ahmm. Gusto mo hatid na kita sainyo?".

"Uh? No thanks. May sundo din kasi ako." Atska hindi naman ayo close? Mukha ka namang mapagkakatiwalaan pero hindi talaga. Ayoko.

"Sure? Edi samahan nalang kita dito, para kung dumating na. Doon nalang ako aalis."

"Hindi na. Nakakahiya naman, Padating na din yon." Sabi ko.

"No! Please, let me... Aalis din naman ako agad kapag dumating na, Gusto lang talaga muna kitang samahan."

"You can go, then". Halos mapatalon ako sa boses na narinig ko mula sa likuran naming dalawa ni Juztine. Nagtama ang tingin naming dalawa ni Asher, kasama niya sa likuran niya ang mga kaibigan niya.

Bigla nanaman naging mabilis ang pagpintig ng puso ko. Napaka dilim ng tingin niya, Para siyang mananakit ng tao. Para niyang sasaktan si Juztine. Ano to?

Nilingon ako ni Juztine. Umiling lamang ako at pinangunahan ang pagsasalita."Ah tara na Juztine." Hinawakan ko ang kamay niya at handa na siyang hilain palayo pero nagulat ako ng biglang may mabilis na humatak sa akin. Tumama ako sa mabangong dibdib ni Asher. Damn! Pigilan mo sarili mo Athena.

Umambang susugod si Juztine para hilain ako pero mabilis na nahawakan siya ni Spell at Gian. Nagkukumawalag ito, Madiin na maingat akong hinawakan ni Asher, Sapat na iyon para hindi ako makatakas sakanya. Nagmamakaawa kong nilingon sa likod ang dalawa pa niyang kaibigan na si Seki at Kendrei. Pero parang wala lang sakanila ang nangyayari. Muli kong nilingon si Asher, Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa kawawang si Juztine.

"Bitawan niyo ako! Anong gagawin niyo kay Athena?". Ramdam ko ang pagaalala sa tono ng boses ni Juztine pero mas labis akong nagaalala sa kayang gawin ng mga lalaking ito sakanya.

Isang familiar na sasakyan ang tumigil sa harapan namin. Teka? Sasakyan ito ni Asher e. Pinanuod namin ang pagbukas ng pinto at iniluwa nito si Parker na agad namang may ibinato na susi kay Asher.

"Nice one Pre! Angas gamitin ng sasakyan mo. Sana araw araw ganito." Tumatawang sabi nito, Pero hindi siya pinansin ni Asher.

"Get inside." He said with an authority tone.

Walang imik akong mabilis na napasunod, Sumenyas siya sa mga kaibigan niya bago tuluyang pumasok sa loob ng driver's sit. What the hell is that?

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan palayo. I saw how his jaw clenched, sign for his impatient. I was nervous as hell. I don't know, what's in him. He always make my chest pounding.

"Hindi niyo dapat ginawa iyon." Pinilit kong hindi mabasag ang boses ko, Kailangan kong maging matapang. Dati naman ay kaya ko siyang kausapin ng maayos, hindi ko kailangan magpakaganito sakanya, Kung dahil ito sa halik na yon, Isang malaking kasinungalingan lang.

Hindi niya ako kinibo, Kung kanina ay nakikita ko ang galit sa mga mata niya ay mas lalo pa ngayon, Feeling ko masusunog lahat ng titignan niya dahil sa mapangapoy ito. Deretso lamang ang tingin niya sa daan, Tahimik lang ulit tinatahak ang kalsada papuntang Mansion.

Ikaw pa may karapatan magalit ng ganito? Ano bang problema mo? Ano bang balak mo? Part parin ba ito ng hindi matapos tapos mong galit sa amin ni Mommy? Ano!?

Gusto ko siyang sigawan ngayon. Gusto ko siyang saktan!

Bago pa makaabot paliko sa Mansion ay tumigil ang sasakyan sa pinaka huling kanto. Nilingon ko siya dahilan para magtama ang mga tingin namin, Muling umusbong ang kakaibang pakiramdam sa aking puso. Hindi ko nanaman maintindihan.

"Hindi ka dapat nagpapaligaw sa kung saan lang." Hindi ko naiwasan ang magulat sa sinabi niya, Nakita ko kung paano siya nagiwas ng tingin pagkatapos niyang sabihin iyon. Kailan pa niya nalaman na nanliligaw sa akin si Juztine? Ano siya Advance magisip. At talagang alam pa niya yung mga bagay na kung saan dapat magligawan ang dalawang tao?

Ngumisi ako."Bakit? Saan ba dapat? Sa Mansion, Sa sala? Sa kwarto ko?". Mas lumaki ang ngisi ko, tama ba ako? Siguro ay ganun nga ang klaseng panliligaw ang alam niya. Ang dumeretso sa bahay papunta sa kwarto at gumawa ng.. I mean magligawan or kung ano man pananaw niya don.

Nakita ko kung paanong mag meet ang mga kilay niya, Nakita ko ang panibagong galit mula sakanya."And where the hell you learned those things? Did someone court you in your bedroom? Huh!". Sabay sabay na paglunok ang ginawa ko. Hindi ko masabayan ang level ng galit niya na mas umaapoy.

"Ako? Sa tingin mo ba, gagawin ko talaga yon? Baka ikaw! Ikaw." Pahina ng pahina na sabi ko, Nagagalit ka eh gawain mo naman yon. Nung wala pa ako, araw araw ka sigurong may dalang babae sa Mansion. Hindi ko mapigilang pangikutan ng mata ang sarili ko, dahil sa naisip."Hindi ko manliligaw si Juztine." Dagdag ko.

Hindi ko nakita ang naging reaction niya sa sinabi ko."Ganun ba? Buti naman.. hindi kayo bagay." Seryosong sabi niya. Laglag panga ko siyang nilingon, I was so amazed ng makitang ang kaninang mukha niyang halos sumabog na sa galit ay nakangisi na ng nakakaloko ngayon.

GINAGAGO MO NANAMAN BA AKO ASHER COLTON!

"Anong ibig mong sabihin? Are you insulting me?". Baling ko sakanya."Sino ka para sabihin kung sino ang bagay sakin?".

"Akong magsasabi kung sinong bagay sayo."

Nagpakurap kurap ako sa sinabi niya, Madiin kong kinagat ang ibabang labi ko, Hindi ko na din maramdaman ang sakit na naidulot ito.

Kung panaginip lang ito, Please... WAG NIYO NA AKONG GISINGIN!

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Where stories live. Discover now