Chapter 30

620 38 3
                                    

ASHER POV 01








"Anak, dito ka magsimula magdilig." Tawag sakin ni Mama pagkatapos kong itutok ang hose sa kung saan saang parte ng garden. Mabilis naman akong sumunod sa sinabi ni Mama.

"Manang Carmina! Pahanda naman kami ng makakain please.." Sigaw ni Mama sa pinaka pinagkakatiwalaang katulong namin dito sa Mansion.

"Mama!". Sabay naming nilingon ni Mama ang bunso kong kapatid na lalaki na tuwang tuwa habang buhat buhat ng isa sa mga katulong namin.

"Goodmorning My little prince!". Lumapit si Mama para kunin ang kapatid ko.

Natigilan ako sa pagdidilig ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa.

Seki's Calling

"Wazzup Par!". Dinig ko ang ingay sa kabilang linya na natitiyak ko nanggagaling sa iba pang mga kaibigan ko.

"Anong meron?". Tanong ko.

"May pusta tayo ngayon sa mga Senior ng kabilang school. Tara na!".

Huminga ako ng malalim bago sinabi sakanilang susunod nalang ako at tuluyang pinutol ang linya. May mga ganitong pagkakataon talaga na biglaan ang mga laban namin kung kailan nila maisipan makipag pustahan.

Nagpaalam ako kay Mama at hindi naman iyon naging mahirap dahil hindi naman siya masyadong mahigpit sa akin.

"Just make sure, You'll be home tonight Ashton. Is that clear?". Tumango ako at yumakap kay Mommy pagkatapos ay humalik sa pisngi ng kapatid ko.

Anong oras na ng makarating ako sa Gym ng St. Lukes, Nakailang tawag ako kila Kendrei pero mga walang sumasagot sakanila kaya nag decide akong pumasok na lamang magisa sa loob ng Gym. Hindi masyadong maingay ang crowd, dahil siguro ay hindi pa naman nagsisimula. Palaging ganito ang ganap kapag may laro. Madaming dumadayo na taga ibang school para manuod.

"Ash!". Sigaw ni Gian sa hindi kalayuan pagkatapos akong makita sa bungad. Mabilis akong nag jog papunta sakanila.

"Late ka ata dre?". Lapit sakin ni Dark na nagtatanggal ng relo.

"Wala namang bago dyan kay Damian. Palagi naman late yan." Nagtawanan ang mga kaibigan ko habang ngisi lamang ang ibinato ko.

Umupo ako at nagsimula na din mag warm up sa kamay. Inikot ko ang paningin ko sa buong Gym, nakita ko na ang kabilang team na nag reready na din. Ang ilan sakanila ay halos kilala kona dahil madalas na din nakakalaro. Dumapo ang paningin sa grupo ng kababaihan kung saan ang tatlo sakanila ay nakatingin sakin habang nagbubulungan. Nag focus ako ng tingin sa babaeng nasa gitna nila. Si Fatima. Napanuod ko kung paano sila nagtutulakan at kiligin bago ako umiwas ng tingin.

"Patay na patay talaga sayo yang si Fatima Par." Bulong sakin ni Parker na hindi ko pinansin.

Pinigilan ko ang ngiti sa labi ko at umiling na tumayo para mas makapag warm up ng tuluyan at buo.

Nagsimula na ang game, Ako, Si Parker, Si Spell, Si Dark at Troijan ang unang lumaro. Sa unang ilang minuto ay nakalamang agad kami ng puntos. Pinili ni Parker at Dark na magpahinga muna kaya natira kami ni Spell, Troijan at pinalitan nila Seki at Kendrei.

Nagsimula ng umingay ang crowd, Hindi lang puro mga Casa Academia ang nandito para manuod kundi pati nadin ang mga taga St. Lukes at ibat ibang school pa. Nang tuluyang nahabol ng kabilang team ang score ay mas naging maingay ang crowd.

"GO DEFENDERS!". Sigaw ng grupo nila Fatima sa name ng Team namin. Habang "GO LOSTIKOS". naman ang sa kabilang Team.

Natapos ang unang quarter ng lamang ng dalawang puntos ang kalaban. Hingal na hingal akong umupo habang nag start ng magplano sila Spell at ang grupo ko.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Where stories live. Discover now