Chapter 40

553 39 0
                                    

Asher POV 11


Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, Si Athena ang pinaka naging maganda. Minahal ko siya sa paraang kahit hindi niya alam. Siya ang naging inspiration ko para matakpan ang pangit na pananaw ko sa buhay, Ang naging motivation ko. Hanggang bago masira ang lahat ng 'yon.

Nagising nalang ako na kailangan ng umalis ni Mama dito sa Mansion. Parang isang malakas na bagyong humagupit ang sakit, Naging mabilis ang takbo ng araw hanggang sa dumating sa puntong malaman ko na ang Mommy ni Athena ang dahilan ng pagkasira ng pamilyang para sa Mama ko. Kahit hindi na para sakin.

"Asher. Mangako ka, hindi ka aalis dito." Patuloy ako sa pagiling, hindi ko maintindihan si Mama. Palagi nalang siyang ganito, Pinagpipilitan ako kay Daddy. Para akong batang nagmamakaawa na isama ng pinakamamahal niyang Ina, Hindi ko inisip ang kahihiyan sa limang kaibigan kong bahagyang nasa medyo malayo pero alam kong napapanuod kami ngayon.

"Mama, please isama mo na ako. Hindi natin siya kailangan!". Mahigpit ang hawak ko kay Mama, Nakaluhod at pilit ang halik sa kamay niya. Ilang saksak ang meron ako ngayon, Walang gamot na hinihingi kundi ang paglayo sa Ama kong walang kwenta.

"You need to understand Asher. Kung kukunin kita ay ilalayo niya sa atin ang kapatid mo, Kailangan mong manatili dito kahit anong mangyari, Hindi pwedeng mawala ang para sainyo at mapunta sa kabit niyang malandi."

Kahit naiintindihan ko ang sinasabi ni Mama ay hindi talaga ako kumbinsido, Hindi ko kailangan ng pera at yaman ni Daddy. Si Mama at ang kapatid ko lang. Ayaw ko ng lumaban dito sa Mansion, Ayoko ng manatili sa Tatay ko na halos isuka na kami.

Isang buwan na din mahigit ang lumipas, Wala akong ibang ginawa akong ibang ginawa kundi magpakagago at magpakasaya sa pera na meron ako. Hindi din madalas si Daddy sa Mansion at wala akong pake kung saan man siya nalalagi. Sa babae niya? Maybe. Sana nga magsama nalang sila at hayaan niya nalang ako kay Mama.

Nasa loob ako ngayon ng sasakyan ko. Tanaw na tanaw ko si Athena na naglalakad palabas ng gate ng Campus nila kasama ang babaeng madalas kong makitang kasama niya, Magmula kaninang umaga ay nandito lamang ako at hindi na pumasok, wala akong pake sa grades ko. Hahayaan ko si Daddy na ayusin yon gamit ang pera niyang madalas niyang ipagyabang sakin.


Hinintay ko lang siya na mawala sa paningin ko bago ko tawagan si Parker papunta sa Royal Night Club, Dito na kami namamalagi tuwing gabi, Dito ako natuto maginom, Magsugal at mahanap ang malayang kasiyahan ko.

"Gamitin mo na Pare, It's all yours." Binato ko ang susi ng Fortuner kay Parker, Medyo inaantok nako pero pilit ko 'yon nilalabanan dahil sa katuwaan naming magkakaibigan. Sigaw ng sigaw sila Seki, chinicheer si Parker na subukan ang sasakyan ko.

"Are you sure?". Kumakamot ng ulo si Parker."Fuck you Bro! You're drunk! I can't." Pilit niyang binabalik sakin ang susi, Akala niya ay pinayagan ko lamang siya dahil sa kalasingan. Umirap ako sa ere dahil sa inis at hinila sakanya ang susi. Pumasok ako sa tabi ng driver's seat."Get in Parker. Just drive the fvking car! Don't be gay!". Sigaw mo muli sa loob na sinundan ng mga kaibigan ko sa labas.

Umiling si Parker at umiling bago tumalon, Nagsigawan kami lalo ng subukan na niya. Anong oras na ng gabi kaya wala masyadong sasakyan sa daan pero madilim dahil sa kaonting ilaw mula sa mga poste na ang ilan ay sira at kulay dilaw pa ang ilaw.

Pinapanuod ko si Parker na mura ng mura habang palayo kami, Tumatawa akong pilit nilalabanan ang antok at sakit ng ulo dahil sa nainom bago isang mahinang salpok ang narinig ko, Nabuhayan ako sa nangyari at parang biglang nilipad sa hangin ang kalasingan ko, Nilingon ko si Parker na wala namang galos pero nanginginig.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Where stories live. Discover now