Chapter 48

529 28 3
                                    

So Pissed







Maaga akong nagising kinabukasan, Sumulyap ako sa orasan at tinignan ang kaunting hinaba ng tulog ko dahil kahit hating gabi na ay gising pa din ako. Pagkatapos namin magusap ni Asher ay hindi na ako makatulog. Eto at ngayon alas singko palang ng umaga ay mulat na ako. Gising ang diwa at kahit anong antok at pagod ay hindi nangibabaw sakin.

Sa bawat oras na nagdaan parang ang daming pumapasok sa isip ko pero hindi malinaw. Sobrang gulo, hindi ko mahanap o makita ang dapat kong isipin. Hindi ko alam kung paano ko na kayang magtagal sa ganoong ayos. Basta nakadilat lang, pipikit at didilat nanaman.

Alas syete na ng binalak kong lumabas ng kwarto. Nakaayos na ako at handang pumasok sa school.

Nadatnan ko si Mommy at Tito Asmon sa living room. May seryoso silang pinaguusapan at ako lang ang nakasira ng usapan nila ng mapansin nila ako.

"Ina! Naghanda kami ng mga favorite mong kainin, Sabay na tayong kumain. Hinintay ka talaga namin ng Tito Asmon mo."

Sinabi iyon ni Mommy sa pinaka normal niyang paraan ng pagbungad sakin tuwang umaga. Hindi naiisip ang kung ano mang alitan ang namutawi sa amin lastnight.

"Sa school na ako kakain. Sabay kami ni Miyuki." Paglilinaw ko agad sa malamig na tungo.

Sandaling natigilan sila Mommy at Tito Asmon bago huminga ng malalim at muling tumingin sakin.

"Ganoon ba? May allowance ka pa ba Anak?". Nagmadaling tumakbo si Mommy sa bag niyang nasa center table at naglabas doon ng ibat ibang klase ng papel.

Umirap ako sa kawalan dahil sa nangyayari. Im so tired of this shit. Hindi ko maisip kung paano ko pa makakaya ang araw araw na may panibagong kaganapan ang sisira sa araw ko. Thinking about it everyday and every minute. It sucks.

"Here, take this."

Hindi ko tinapunan ang kung ano man ang inaabot sakin ni Mommy hindi dahil sa ayaw kong makita kundi dahil alam kona kung ano yon. Not even a single glance.

"I don't need that." Because i have my own money. Galing sa ipon at sa trabaho ko. Nilabas ko ang sobre na galing sa bulsa ng bag ko, matagal ko na itong pinagisipan.

lumapit ako kay Tito Asmon at ibinalik sakanya iyong sobre na may laman ng eksaktong allowance ko na binigay niya sa mga nagdaan na buwan. Pinanliitan niya ng mata ang iniabot ko.

"Ina, what are you doing?". Nagtatakang bulong sakin ni Mommy.

"May sarili po akong pera, kasya pa ito para sa mga gagastusin ko. Hindi ko po iyan kailangan at hindi ko din naman magagamit." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila, Nagsimula na akong maglakad palabas at bumungad sakin ang itim na SUV na unang ipinanghatid sa akin noon. Kasabay noon ay ang paglabas ng dalawang body guard sa loob at ipinagbuksan ako ng pinto.

Hindi ko maintindihan ang panibagong galit sa puso ko, Lumingon ako sa dalawang taong palapit na din sakin mula sa likod.

"Ano ito?". Walang gana kong tanong.

"Me and your Tito Asmon had already decided. Those bodyguards will help us to make feel better and less worry. Nagkalat ngayon ang mga masasamang tao, This is for your protection."

Huminga ako ng malalim."Baka para protection para hindi makalapit kay Asher?". Naiinis na tanong ko.

"Including. Asher." Madiin na sabi ni Tito Asmon, Mabilis akong nagiwas ng tingin baka mapigilan ko ang sarili ko sa mga masasabi.

"I don't believe this! Mommy naman."

"No, Athena. Hindi ikaw ang magdedesisyon sa bagay na ito. Layuan mo si Asher. Pupunta ka sa skwelahan ng hindi pwedeng lumapit sakanya o siya ang lumapit sayo. Kailangan mong makinig sa amin."

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Where stories live. Discover now