Chapter 06

1.1K 54 1
                                    

Dion.


Magisa kong ginala ang Mall, Ramdam na ramdam ko ang pagiisa ko. Kung nandito lang sana si Miyuki, Ilang damit, sapatos at kung ano pa ang nakita ko na iniwasan kong bilhin. Ayaw kong gamitin at samantalahin ang pera ng lalaking iyon, Ayokong ipamukha na pera lang habol ko sakanila ng Ama niya.

Ilang mga kakilala ko ang nakasalubong ko, puro pangangamusta sa akin ang ginagawa nila dahil alam kong nabalitaan nila ang pagkawala ni Daddy. Hindi ko tuloy maiwasan mamiss ang buhay na meron ako noon. Wala pang isang taon nawala si Daddy pero matagal ko ng sinanay ang sarili ko.

Alam kong habang tumatagal ay nauubos na ang ipon namin, bumagsak na din ang dalawang Restaurant na meron kami. Hindi iyon naging madali, Sa loob ng dalawang taon na pagkakasakit ni Daddy, Nagkulang na sa time si Mommy para pagsabay sabayin ang lahat. Nung una ay pinili nilang huwag ipaalam sakin at pilit na pinaniniwala akong Okay lang lahat.

Pero hindi ako ganoon kabulag para hindi malaman na may mali na, Minsan nalang umuwi si Mommy at halatang pagod na pagod na siya. Minsan nalang din ako pinapadalaw kay Daddy dahil ayaw nilang malaman ko ang paglala ng sakit niya, isa sa mga bagay na pinagsisihan ko dahil nagkulang ako sa oras na iparamdam sakanya kung gaano ko siya kamahal sa mga oras na kailangan niya ako.

Napansin ko na din ang pagkaubos ng mga customers maski mga employees namin ay nababawasan na. Hindi na nagiging maganda ang services at kulang na sa lasa ang mga menu. Hindi ko tinanong si Mommy sa bagay na iyon, kung ano man ang hindi nagbago sa lahat ng nangyari sa buhay namin ay ang pagpaparamdam niya sakin kung gaano ako kamahal kahit puro na kami problema.

Pinipili niya pa din ibigay ang mga gusto ko pero naisip kong hindi na kami ganun kadami ang pera para mabili ang mga gusto ko. Sinubukan kong wag gumastos, May time din na hindi nako humihingi ng allowance at pagtitipid nalang ang ginagawa ko. Hindi nako kumakain, Madalas akong pinapagalitan ni Miyuki pero sinasabi ko nalang na busog na ako. Madalas din ay masaya talaga akong kasama ko si Miyuki dahil hindi niya ako pinapabayaan. Siya ang parating nandyan para sakin.

Kung hindi lang sana ako nagpaka dalubhasa sa paglalaro ng volleyball ay baka mas maaga kong napansin ang lahat at mas maaga akong nakatulong. Nung araw na iwan na talaga kami ni Daddy ay katatapos lang ng game namin noon. Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Nung araw na ding iyon, dumating ang Lola ko at wala siyang ibang ginawa kundi ang sisihin at pagsabihan ng kung ano ano si Mommy. Hindi ko alam kung anong uunahin ko sa lahat dahil sumabay pa sa examination day namin. Hindi ko alam kung paano ko nasurvive lahat.

Natigil ako sa paglalakad ng biglang may tumawag sa akin."Athena!". Mabilis akong napangiti ng makita ko si Dion, Ang lalaking kambal ni Miyuki. Sinalubong niya ako ng yakap.

"How are you?". Hindi ko pa siya sinasagot ng mabilis niyang iginala ang paningin niya sa likod ko."Are you alone?". Kumunot ang noo niya.

Tinapik ko ang braso niya."Nasa Japan pa ang girlfriend ko e." Pagtutukoy ko kay Miyuki kaya naman sabay kaming natawa.

"Alex!". May kung ano siyang isenenyas sa lalaking tinawag niya bago niya ako inaya umupo. Tinaasan ko siya ng kilay at mukhang nakuha naman niya iyon."Ako ang Manager dito, Pumili ka ng gusto mo. Kahit ano, wag kang mahiya minsan lang manglibre ang gwapong tulad ko." Seryosong sabi niya.

"Ang yabang mo talaga." Asik ko sakanya."Osige, Gusto ko yung lahat ng specialty niyo. Meron ba?".

"Wala ka talagang tiwala sakin e no? Wait mo ako dito." Tumayo siya lumapit sa counter, mukhang seryoso nga siya na ibibigay niya sa akin ng libre.

Inilabas ko ang phone ko para sabihan si Miyuki.

Miyuki.

I'm with Dion.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Where stories live. Discover now