Chapter 49

530 29 5
                                    

The Decision




Tahimik kaming lahat ngayon sa Mesa para sa gabihan, Pagkatapos nang nangyari ay mga ilang oras din ay dumating si Tito Asmon sa Casa Academia ng biglaang oras at hindi namin inaasahan. As usual nagusap sila si Asher sa loob ng Chairpersons Office. Hindi ko na masyadong alam ang nangyari pero sigurado akong nagaway sila.

Naninibago ako sa katahimikan ngayon, naguusap si Tito Asmon at Mommy tungkol sa Engagement Party na magaganap pero masyadong tipid ang mga sagot ni Mommy, kung hindi pa gagawa ng tanong si Tito Asmon ay hindi ito magsasalita. Panay ang tingin ko sakanila, wala akong pinalagpas sa bawat pagsubo ni Mommy sa kinakain niya, halos bilangin ko na ang ginagawa niyang pag nguya.

"Bukas ang meeting ko with Silvia, Are you sure you don't want to be there?". Umiling lamang si Mommy bilang sagot,  Pinagmasdan ko siya ng mabuti, sobrang tamlay niya. Gusto kong malaman ang dahilan at kung ano ang iniisip niya kaya naman nang biglang bumaling sakin si Tito Asmon ay halos maibato ko ang kutsara at tinidor na hawak ko sa gulat.

"Madadagdagan ang guards mo bukas Hija, Hindi ko alam kung paano ko mapipigilan batang iyon, Wag kang magalala at hindi naman na didikit sayo ang mga tauhan ko para hindi ka mailang, Nasa paligid lang sila at lalabas lamang kapag nilapitan ka na ni Asher."

Hanggang ngayon ay iniisip pa din nilang pakana ni Asher ang nangyari kanina, though siya naman talaga pero ginusto ko din naman 'yon.

"I told you Tito, hindi naman niya ako sasaktan. Gusto niya lang lumapit sa akin." I explain desperately.

"That's the use of those bodyguards Athena. Para hindi ka niya malapitan, how can you resist him kung pati ikaw ay hindi makapagpigil? Are you even still thinking or wala ka na talagang pakealam sa iba, Sa amin ng Tito Asmon mo." Natahimik ako sa biglaan pagsingit ni Mommy, so that's it huh? Kaya ang tahimik niya dahil meron siyang galit sa akin.

"I told you naman po, hindi ko kaya." Sagot ko.

"Hindi mo kaya dahil ayaw mong kayanin. Where's my daughter back then? Hindi na kita kilala, wala ka ng pinapakinggan at ayaw mo na akong sundin, Ganito mo ba gustong mag higanti sa akin Athena? Kasi kung Oo, hindi si Asher ang may mali dito. Kundi ikaw! Ikaw ang may gusto nito!". Pabagsak na binitiwan ni Mommy ang kubyertos sa mesa at nag martsa paalis, Hindi ko napigilan ang mabilisang pagbuhos ng luha ko, Ang hapdi ng puso ko.

Sa katahimikan ng paghikbi ko ay biglang nagsalita si Tito Asmon."Athena, We need you. You have to decide as soon as possible. Kailangan mo mamili, Hindi mo kayang saktan si Asher kaya ang Mommy mo ang sasaktan mo? Come on Athena, masyado pa kayong bata, hindi niyo alam ang totoong pagibig. Madami ka pang makikilalang tao, yung para sayo at para kay Asher. Sometimes love has to sacrifice, matagal na panahon ko na ginawa 'yon sa Mommy mo." Natigilan ako sa sinabi ni Tito Asmon, what is he trying to say? Ang kung anong meron sakanila ni Mommy ngayon ay meron na sila dati noon?

"What are you trying to say?".

"Girlfriend ko ang Mommy mo back when I was in high school. We're childhood bestfriends, Sobrang ayos namin noon and legal kami both sides sa mga families namin, sobrang perfect ng relationship na meron kami noon. Lumaki kami ng sabay, kilala namin ang gusto at ayaw ng isat-isa. Planado na namin ang future namin, kasal nalang ang kulang but after namin makagraduate ng High School, Kailangan ko pumunta sa Manila para mag college, hindi ko maiwan ang Mommy mo dito sa Zambales kaya kinailangan na doon din siya, Supportado kami ng parents ko, lahat ng gastusin namin sila ang bahala basta magaral lang kami ng mabuti."

Hindi pa nasasabi ni Tito Asmon ang gusto niyang iparating ay hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko, halos hindi mag sink in sakin ang lahat. Masyado akong gulat dahil sa mga nalaman ko. Buong akala ko ay kailan lang sila nagkakilala ni Mommy.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon