Chapter 39

570 35 2
                                    

Asher POV 10



"Mang Ben, Ayos na ho." Sabi ko kaya natigil na siya sa pagpitas ng mga rosas at inabot sakin ang huling nakuha niya. Nakangiti akong pumunta sa may lamesang nandito sa Garden at doon inayos ang pinag sama-samang bulaklak.

"Mukhang ang swerte naman ata ng babaeng pagbibigyan mo nyan Sir Ashton!". Siguradong sinabi ni Mang Ben na akala mo ay alam na alam na talagang sa babae ko 'to ibibigay.

"Paano ka naman nakakasiguro sa babae ko 'to ibibigay Mang Ben? Ganito ka din ba noong kabataan mo?". Tanong ko.

"Pang limang araw mo ng nagpapakuha dito tuwing umaga, Iba din ang awra mo Hijo, hindi ka naman ganito dati." Paliwanag niya."Sa gwapo mong 'yan, Masama siguro kung maisip kong sa lalaki mo din ibibigay 'yan". Dagdag niya na sobra kong ikinabigla.

"Bahala ka na nga dyan Mang Ben. Mauna nako!". Iniwan ko ang matanda na tawa ng tawa.

Dumaan muna ako sa pinaka malapit na flowershop para ipaayos ang mga bulaklak na dala ko."Good Morning Sir!". Bati sakin ng baklang palagi kong nadadatnan dito tuwing umaga.

"Good Morning din!". Bati ko at ibinaba sa harap niya ang mga Rosas.

"Gaya po ulit ng dati Sir?". Tanong niya, pagtutukoy sa itsura ng bouquet at perfume na gagamitin.

"Gaya ng dati." Panguulit ko bilang sagot.

Hinintay ko siya ng ilang minuto, Hindi din naman tinagal 'yon."Wala ba akong ilalagay na message Sir? Or kayo nalang po magsusulat?". Tanong nanaman niya.

"Ah! Wag na, Okay na yan." Sabi ko. Nagbayad lang ako saglit at dumeretso na sa pinakamalapit na 7/11 sa Flores Technological University para doon ihinto at iwan muna ang sasakyan ko. Mabilis akong naglakad palapit sa may parking lot nila kung saan may mga batang naglalakad at nagbebenta ng kung ano ano.

Mabilis lumapit sakin si Kiko ng makita niya ako."Kuya Pogi!". Ngiting ngiti siyang tumakbo palapit sakin habang hirap na hirap sa buhat niyang malaking tabla na may lamang mga candy at ibat ibang klase ng sigarilyo, at sa kabilang kamay naman niya ay mga Chicharon.

"Pogi mo ngayon ah? Naligo ka ata." Pag pansin ko sakanya.

Nakangiti siyang tumango."Pinangbili ko ng bagong damit 'yong bigay mo Kuya Pogi, tapos ginamit ko yung binigay mong pambango, para hindi nakakahiya kay Ate Ganda!". Sabi niya na mas ikinatuwa ko.

"Ganon ba? Oh eto ang mga bulaklak. Hintayin muna natin siya para maibigay mo uli sakanya, Tandaan mo ah. Wala kang sasabihin sakanya, pag nagtanong siya. Sabihin mo hindi mo alam." Paalala ko sakanya.


"Copy! Kuyang Pogi." Sagot niya, ginulo ko ang buhok niya at nagsimula ng magtingin tingin malapit sa gate ng FTU.

"Mag abang kana don, Dito ko nalang kayo panunuorin, Wag ka kaagad dederetso dito sakin ah? Mahirap na baka mahuli tayo. Sa Sabado, dadalawin kita dito at bibigyan ko kayo ng mga kalaro mo ng pagkain." Todo todong ngiti ang ibinigay niya sakin.

"Opo! Maraming Salamat Kuyang Pogi!". Kinuha niya sakin ang mga bulaklak at nagsimula na siyang lumapit sa gate ng Flores University para hintayin si Athena at ibigay ang bulaklak.

Anong oras na at wala pa din si Athena, Hindi ko mapigilan mapatingin sa oras dahil may pasok pa ako, At nagaalala din ako kung bakit wala pa siya, Ano na kayang nangyari don? Tinitigan ko ang relo ko sa kamay bago nagangat ng tingin, Mabilis akong napatago sa likod ng sasakyan kung nasaan ako ngayon ng makita si Athena na nakatayo at hawak hawak na ang bulaklak habang iginagala ang paningin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba na baka mahuli niya ako, Dahan dahan na pag ngiti ang sumilay sa labi ko bago tumakbo pabalik sa kasunod na kanto, tapat ng 7/11 at sumakay sa sasakyan ko at bumalik sa Casa Academia.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Where stories live. Discover now