Chapter 45

589 38 1
                                    

This Is Crazy





Hindi ko alam kung anong dadatnan ko bukas sa pagpasok dahil ilang subjects ang hindi ko napasukan ngayon. Kanina pa akong nagtatanong dito kila Miyuki kung saan ang punta namin pero hindi nila ako sinasagot. Busy siya sa cellphone niya, habang ang ang tatlong kaibigan ni Asher ay nasa likod nagtatawanan, Sina Spell, Kendrei at Parker. Si Seki ang nasa harap, nag dadrive habang sa tabi niya ay si Gian.





Tahimik lang ako at patuloy sa pagiisip. Gusto ko ng makita si Asher, kahit may idea akong sakanya ang punta namin ngayon. Ang daming tanong na pumipila sa isip ko, gusto kong magtampo. Bakit hindi man lang niya ako tinawagan, kung busy siya bakit hindi niya ako tinext? Hindi ba niya ako masingit sa oras niya?





Patuloy sa pagkirot yung puso ko. I shouldn't  act like this. Hindi ako makakapagisip ng maayos kung patuloy akong magpapatalo sa nararamdaman ko. Kailangan kong isipin na hindi lang 'to para sakin, para kay Asher ay para sa lahat. Huminga ako ng malalim.




Niyakap ako ni Miyuki, kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko."I'm always here. Magiging okay din lahat." Nagangat siya ng tingin sakin at mas niyakap ako, kunwaring tumawa ako at bahagyang tumingala para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Nagiwas na siya ng tingin, hindi ko alam kung talagang ginawa niya 'yon or ayaw niya lang makitang naiiyak ako. Nahihiya din kasi ako e.






Nakatulog sa byahe si Miyuki sa gantong posisyon, Ako yung nahihirapan para sakanya pero dama ko pa din ang higpit ng yakap niya sakin, parang ayaw bumitaw. Inayos ko lang ng kaunti ang ulo niya sa balikat ko. Mahinang nagkekwentuhan si Seki at Gian sa harap, gusto ko man lumingon sa likod para tignan 'yong tatlo ay hirap ako dahil sa ulo ni Miyuki na nasa balikat ko. Kusa na lamang tumama ang mata ko sa rear mirror at nakita kong tulog si Parker at Ken, habang si Spell ay tulalang malayo ang tingin sa bintana parang may malalim na iniisip.






Tumigil ang sasakyan sa isang malaking bahay. Ilang busina ang ginawa ni Seki bago buksan ang gate, kahit hindi ibinaba ni Seki ang bintana ay kitang kita ko ang pag bow ng mga katulong bilang pagbati. Nilibot ko ang paningin ko, Is this Seki's house?





Bumaba na sila isa-isa. Tinignan ko si Miyuki na mahimbing ang tulog, nag dadalawang isip pa muna tuloy ako kung gigising ko ba siya o hintayin ko nalang, Kung ano man ang dahilan ng pagpunta namin dito ay sigurong makapaghihintay yon, Gusto ko lang talaga hayaang matulog si Miyuki. Parang ang dami niyang ginawa magmula kaninang umaga.







"Let's Go Athena.." Nanlaki ang mata ko ng makita si Spell sa bukana ng pinto ng sasakyan. Hinihintay kami ng kaibigan ko.






Nilingon ko ulit si Miyuki."Ah! Susunod nalang sana ako, ayaw ko kasing gisingin si Miyuki." Sabi ko. Kumunot ang noo ni Spell at tinapunan ng tingin si Miyuki na tulog pa din. Huminga siya ng malalim bago nagsalita."Is it okay to you? Buhatid ko siya, may mga extra bedrooms sa loob. Pwede siyang magpahinga muna doon." Huminga ako ng malalim, bumaling ulit kay Miyuki at bago kay Spell bago tumango.






Nagtulungan kami ni Spell na dahan dahang kumilos para hindi lang magising ng tuluyan si Miyuki, Habang naglalakad kami papasok ng malaking bahay ay hindi ko maiwasan umalalay kay Spell, parang nahiya tuloy ako ng bahagya dahil kahit hindi ko mahalata sakanya ay baka nahihirapan siya sa bigat ng kaibigan ko.






Nawala lamang ang focus ko sakanila ng masulyapan ko ang likod ng isang pamilyar na lalaki. Mabilis siyang humarap sa amin ng ituro kami ni Seki. Narinig kong dinaluhan nila Parker ng tanong si Spell. Ilang lunok ang ginawa ko at hindi na napigilan ang pagtakbo kay Asher. Niyakap ko siya ng mahigpit. Kasabay noon ang pagyakap sakin ng pamilyar ng bango. Nakapang bahay lang siyang suot, Magulo ang buhok at labas ang braso niya dahil sa sandong suot niya."I miss you." Bulong niya sakin. Mas niyakap ko lang ulit siya ng mahigpit. God! I miss him too...





Nasa isang kwarto kami ngayon, kung saan nag stay si Asher. Nagising na din si Miyuki na panay ang bulong at hindi maipinta ang itsura."What the hell Athena Isabelle! Hinayaan mong buhatin ako ng gagong yon!". Mahina pero pasigaw pa din niyang sabi.







Hindi ko alam kung bakit big deal sakaniya, Alam kong ayaw niya kay Spell pero hindi ko alam kung bakit sobrang init ng dugo niya."Ayaw ko lang na maudlot tulog mo Miyuki. Will you pretend to yourself na hindi si Spell ang bumuhat sayo. Isipin mo si Parker, Si Gian..". Hindi na siya nagsalita, narinig ko ang malalim niyang paghinga.







Nagpaalam lang saglit si Asher na maliligo daw siya dahil kagigising niya lang. Pumayag naman ako at nanatiling tahimik sa may sulok ng kwarto."Maghapon ba siyang nandito?". Hindi ko napigilan ang pagtatanong sa mga kaibigan niya. Nagtinginan lahat sila kay Seki na parang siya lang ang makakasagot sa tanong ko kaya ganoon din ang ginawa ko.






Umiling siya."Nope.. Pagkatapos niya kaming kausapin kahapon umalis din siya agad, kaninang madaling araw ginising ako nila Yaya Minda na dumating daw siya. Saglit ko lang siyang nakausap dahil humiram siya sakin ng Laptop. Sinabi niya lang sakin ang plano ngayon at hinayaan ko na siya. Kaninang pag gising ko naman para pumasok, nadatnan ko siyang nakatutok padin sa Laptop. Kaya siguro kulang tulog niya."






"Wala ba siyang sinasabi sa inyo? Anong inaasikaso niya? Saan siya nanggaling bakit anong oras na siya pumunta dito?". Muling tanong ko. Nagilingan lang sila at nag kibit ng balikat, napapikit nalang ako at huminga ng malalim.





Ano bang plano mo Asher?





Lumabas si Miyuki sa veranda dahil nakatanggap siya ng tawag galing kay Dion. Nagpaalam naman akong nauuhaw ako, sinamahan ako ng boys sa Dining Area dahil nagugutom din daw sila."Susunod nalang ako." Senyas sakin ni Miyuki bago ako sumunod kila Seki.







Pagkatapos kong uminom ay nauna na akong lumabas, gusto ko makausap si Asher ng walang nakapaligid saming mga kaibigan niya. Nasa bungad na ako ng hagdan ng biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita, Isang binatilyong lalaki ang nakikipaghalikan sa isang foreigner na babae. Nakatulala akong pinapanuod ang mabilis na paglipad ng bag nung babae sa sahig at pagtanggal niya ng heels niya sa kung bukana ng pintuan para lang hindi matigil ang halikan nila. Binuhat siya ng lalaki at nagmamadali silang makarating sa sofa na malapit nang biglang magtama ang paningin namin. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya kasabay ng sakin, Nabitawan niya ang babaeng hawak niya kasabay ng paghahabol ng sariling paghinga.






"What's wrong baby?". Tanong sakanya ng amerikana. Patuloy lang sa pagiwas sakanya ang lalaki dahil nakatulala sakin. Dahan dahang tumingin sakin ang babae at nagulat."Oh my God! Who's that bitch Kes?". No! Ako bitch? Oh,, No the hell way.




"I'm so sorry Fianna, I didn't know that my fiance is here." The Man explained to her, Nagmamakaawa and pretending feel so sorry and guilty. Who the fuck is this guy? Kailan ko siya naging fiance!



"What?". Hindi makapaniwalang sabi ng babae, Isang malakas na sampal ang binigay ng babaeng foreigner sa lalaki, Halos maramdaman ko ang sakit non lalo na ng makita ko siyang mapapikit."I don't believe this!". Galit niyang tinulak ang lalaki at padabog na pinulot ang mga gamit niyang nagkalat sa sahig. Palabas na siya ng bigla siyang humarap uli."Oh, by the way Kesi.. My name is Carmela not Fianna. Asshole!".









Nakahawak lang sa pisngi niyang nasampal ang lalaking nasaharap ko. Tawa siya ng tawa bago lumingon sakin."And who the hell are you?". Baling niya sakin.





Bago pa ako makasagot ay nagdatingan na ang mga boys, Pababa din ng hagdan si Miyuki kasunod si Asher.








"Kuya!". Bati ni Seki sa lalaking nasa harap namin. Pinanuod ko lang ang paglapit at pagbati nila sa isat isa, Mukhang kahit sila Spell ay kilala ang malanding lalaking 'to."Oh, Fuck! Hindi mo sinabing may mga bisita ka Sek." Aniya.






Tulala pa din ako at pilit dina divert ang scene na nakita ko kanina. This is crazy... Halos mapatalon ako ng maramdaman ko ang kamay ni Asher na pumulupot sa bewang ko, Sumisigaw na pagaari niya ako. Hindi ako nakaligtas sa mapaglaro at nakakatakot ng tingin na binigay sakin ng Kuya ni Seki. Muli akong lumunok at nagiwas ng tingin. This is really crazy.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Where stories live. Discover now