Chapter 47

565 36 20
                                    

Feelings









Tahimik kami ngayon ni Asher sa labas ng gate nila Seki. Kahit hindi nila sabihin ay alam kong sinadya nilang mapagisa kaming dalawa ngayon. Sa gilid namin ay ang SUV na kaninang sinakyan namin. Ilang pagkagat ang ginawa ko sa labi ko, Masyado ng madilim ang kalangitan at nagsisimula ng panlibutan ng liwanag ng buwan at madaming bituin.




"I'm sorry, I can't make it. Ipapahatid nanaman kita sa kaibigan ko." Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya, Mabilis akong umiling at ngumiti para makita niyang ayos lang sakin.



"Naiintindihan ko." Inabot ko ang kamay niya at pilit na inihaplos sa pisngi ko, hindi ko napigilan mapapikit ng kusang gumalaw ang kamay niya para gawin 'yon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, Alam kong kahit anong gawin ko ay hindi ako masanay sanay sa pakiramdam na idinudulot niya sakin.



Yung palaging bago at malala.




Pilit kong nilalabanan ang lakas ng kabog ng puso ko, wala akong pake kung marinig man niya 'to. Gusto kong masanay, mula sa gabing 'to. Gusto kong makomportable, gusto kong manatili dahil kung hindi ko pa gagawin ngayon, natatakot akong hindi ko na magawa pa kailanman.




Pagbukas ng mga mata kasabay ng mga luha ko. Tumama sa mga mata niyang punong puno ng pagmamahal para sakin, Niyakap ko siya ng sobrang higpit.




Kung sana ay pwede namin takbuhan ang lahat. Kung meron man pinakamadaling paraan, 'yong walang masasaktan, Iyong walang kailangan maiwan at magparaya pero napakalayo noon sa iniisip ko. Napakaswerte ng mga taong nagmahal ng tamang tao sa tamang panahon.

"Kailangan ko tanggapin na sa 7 billion na tao sa mundo hindi tayo yung para sa isat isa Asher".

Gusto ko man sabihin sakanya, Alam kong hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang saktan at kung sasaktan ko man ay sisiguraduhin kong isang beses lang at hindi na paulit ulit. Debale nang ako yung masaktan.

Ang hirap saktan ng taong walang ibang ginawa kundi pahalagahan, ingatan at mahalin ka lang.

Natapos ang sandaling 'yon ng pinili niyang umuwi na ako dahil anong oras na, bukod doon ay hindi ko dala ang cellphone ko dahil lowbat 'to. Sinabi naman niyang mag tetext muna kami at tatawag din daw siya kapag nakauwi na ako kaya kahit paano ay napanatag ako.

Tatlo lamang kami ngayon sa sasakyan, Ako, si Gian at si Seki. Hindi na sumabay sila Spell, at si Miyuki naman ay kay Dion na din sumabay. Nakipag kwentuhan lang ako sandali sa dalawa at nakinig sa mga kagaguhan nila tungkol sa mga babae bago kami tuluyan makarating sa Mansion. Nagpasalamat lang ako at tuluyan na din silang umalis.

Binati lamang ako ng ilang mga kasambahay at guard. Napansin ko kaagad ang isang bagong sasakyan na kulay puti sa tapat ng Mansion. Nagmadali akong pumasok, may bisita ba kaming inaasahan ngayon?

"Ma'am, nandito na po si Miss Athena!". Dinig kong sigaw ng isa ng makita ako.

Hindi ko inaasahang bubungad sakin si Mommy. Nagmadali siyang tumakbo palapit sa akin at nariyan nanaman ang mga mata niyang halos iiyak nanaman."A-ano pong ginagawa niyo dito?". Mabilis napawi ang ngiti ni Mommy nang dahil sa sinabi ko, gustuhin ko man bawiin 'yon ngayon ay hindi na pwede. I didn't mean to offend her.

"Aren't you happy Hija?". Makahulugang singit sa likod ni Tito Asmon na halatang may pinupunto.

"Of course Tito! Masaya ako. It's just that I'm a bit surprised." Nagiwas ako ng tingin kay Tito Asmon, Bumaling ang tingin muna kay Mommy bago bumalik ng tingin muli sa likod."And besides masyado naman po atang biglaan." Patuloy lang ako ng paninitig kay Tito Asmon.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon