Chapter 22

743 47 0
                                    

Kuya?




Sa sandaling katahimikan ay nakiusap akong bumalik kami ni Asher sa loob ng RNC dahil iniisip ko si Miyuki. Pumayag naman si Asher, pagkababa ko sa sasakyan ay mabilis siyang lumapit sakin at muling ipinulupot ang kamay niya sa bewang ko.

Natawa naman ako sa ginawa niya. Nakita ko kung paano magsalubong ang dalawang kilay niya dahil sa inis.

"Masasapak ko ang titingin sa katawan mo love."

Love... May kung anong dumaloy sa katawan ko, Ito nanaman ang mga nagwawalang kuryente. Walang hiya!

Pag pasok namin sa loob ay agad kaming sinalubong ng mga kakilala ni Asher, Ngayon ko lang napansin ang mga matang parang tutunawin ako lalo na sa mga babaeng nagbubulungan.

Hinayaan kong pansinin ni Asher lahat ng tumawag sakanya at mabilis akong naging busy para hanapin si Miyuki sa pwesto kung saan ko siya iniwan kanina. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siya doon na tulog at nakatakip pa din ang jacket ni Asher sakanya.

Hinanap ng mata ko si Dion pati ang mga kaibigan niya, Nakita ko siya sa malapit na sumasayaw."Tatawagin ko lang si Dion, please pabantay naman kay Miyuki." Pakiusap ko kay Asher.

"No, you stay here. Ako ang pupunta kay Dion." Hindi na ako nakatanggi dahil iniwan na niya ako at naglakad na siya palayo. Sinubukan kong gisingin si Miyuki pero mukhang malakas na ang tama ng alcohol sakanya.

"I'm sorry Athena. Iuuwi ko na siya." Tulad ko ay ginising din ni Dion si Miyuki pero wala pa din epekto. Mabilis niyang binuhat si Miyuki at inilabas sa RNC, sinundan naman namin sila hanggang sa kung saan ang sasakyan ni Dion.

"You're drunk Dion. Kaya mo ba mag drive?". Hindi ko maiwasan ang pagaalala ko. Ngumisi lamang si Dion.

"Kaya ko Athena. Wag kang magalala mag iingat ako lalo na kasama ko Miyuki." He said. Mabilis naman akong tumango at pinanuod ang sasakyan ni Dion paalis bago tuluyan mawala sa paningin ko.

"Let's go. Umuwi na din tayo". Basag ni Asher sa katahimikan.

"Hindi ka na ba magpapaalam sa mga kaibigan mo?". Tanong ko. Umiling lang siya at hinila na ako papunta sa sasakyan niya.

Pagdating namin sa Mansion ay mabilis kaming sinalubong ni Manang Carmina at Darlene. Kinabahan ako dahil hindi naman sila ganito. May alam na ba silang pareho?

"Magkasama lang pala kayo." Narinig ko ang malalim na paghinga ni Manang Carmina, Nilingon ko si Darlene ng punong puno ng pagtataka. Lumapit naman siya sakin at may ibinulong.

"Saan ba kayo galing Miss?". Hindi ko siya agad sinagot, Nilingon ko muna si Asher na binubulungan din ni Manang Carmina. Nakakunot ang noo niya at tila may malalim na iniisip. Nagtama ang paningin namin dalawa, Mabilis akong umiwas dahil sa kaba. Anong meron?

"Ashton!". Isang tinig ng hindi pamilyar na boses ng babae ang narinig namin sabay sabay. Kaya pareho kaming nag angat ng tingin.

Isang pamilyar na mukha ang natanaw ko. Kung titignan ko siya ay halos hindi nalalayo ang edad niya kay Mommy. Kung paano umalon ang mahaba niya at tuwid na buhok sa kanyang balikat, Kung paano gumalaw ang malalaking kulay silver niyang bilog na hikaw. Napaka elegante niya tignan sa suot niyang dress at ang heels niyang mas lalong nagpapatangkad sakanya.

Para siyang... Para siyang female version ni Asher."Ma!". Ani ni Asher at mabilis tumakbo para salubungin ang babae. Nahihiya akong yumuko ng lumipat sa akin ang tingin niya. Siya ang Mama ni Asher!

"Nasaan ba ang Ama mo? At mukhang nakalimutan na din na may isa pa siyang anak na naghihintay sakanya."

Sumibol ang kakaibang kaba sa dibdib ko.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें