Chapter 28

627 42 2
                                    

Guidance Office






Narinig kong tinawag pa kami ni Nurse Alyssa pero hindi na ako lumingon. This isnt good anymore, kung ano man ang kaguluhang nangyayari alam kong may obligation ako doon, Ayaw kong gamitin at hayaan nalang si Asher.

"Athena please, hindi makakabuti sayo ang pagpunta."

Gusto ko lang naman malaman, hindi kasi ako mapakali. Bakit parang pilit akong nilalayo ni Asher at ayaw niyang sabihin sakin ang totoo. Ano bang nangyayari?

Sa paglalakad ko ay nakasunod padin sakin si Asher, pilit niya akong pinapatigil. Alam kong gustong gusto niyang pigilan ako pero di niyako magawang hawakan.

Anong nangyari sakanya?

Kaya siguro nagdatingan ang mga stock holder ng Casa Academia.

Si Jesrille daw may gawa sakanya niyan.

Talaga?

Oo, Nakita nila Grace kaninang nagkagulo sila sa Gym.

Kawawa naman siya.

Sila naman daw kasi ang nagsimula, Dapat lang sakaniya yan!

Huy! Baka marinig ka, Nandyan pa naman si Asher.

Binilisan ko ang lakad ko at nilampasan sila, pero kasunod non ang pareparehong bulungan na naririnig ko.

Hindi ko maramdaman ang pagod hanggang sa nakarating ako sa Guidance Office. Sinalubong agad kami ng mga kaibigan ni Asher, Tinapunan naman kami ng tingin ng mga ibang player na naka Jersey padin at nagkukumpulan sa isang pwesto.

"Athena? Anong ginagawa mo dito?". Sinamaan ko ng tingin si Parker, Gaano ba kasamang nandito ako? Nag senyasan sila si Asher na nasa gilid ko na ngayon. Habang tumabi naman sakanya si Gian at may binulong.

Biglang bumukas ang pinto ng Guidance Office.

Lumabas mula doon si Spell na halatang nagulat ng makita ako. Nagpalitan sila ng tingin ni Asher at iba pang mga kaibigan nila.

"Akala ko ba wala na si Athena?". Naguguluhang tanong ni Spell.

"Nasa loob ba sila Miyuki?". Medyo naiinis na tanong ko. Napakamot siya sa batok at saglit na sinulyapan si Asher bago dahan dahan na tumango.

"Kayo nalang hinihintay sa loob."

Nagulat ako sa sinabi ni Spell. Kung ganon ay kasali naman talaga ako sa nangyayari pero pilit akong iniiwas ni Asher? Para saan?

Nauna nakong pumasok.

Hindi ko inaasahan ang makikita ko sa loob, Ilang beses akong napalunok habang iginagala ang tingin ko sa mga parents at teacher na nandun sa isang pabilog na table. Sa pinaka dulo ay si Dean Santiago.

Oh my goodness!

Athena!

Mabilis tumayo si Tito Asmon sa pwesto niya at lumapit sakin para tignan ang braso at iba pang parte ng katawan ko.

Kitang kita ko din ang gulat ng bawat isa sakanila. Maski ako ay hindi ko magawang tagalan tignan ang sarili kong katawan dahil punong puno ito ng sugat galing sa kalmot ni Jesrille.

"Goodness! Ano ito?". Hinilamos ni Tito Asmon ang mukha niya gamit ang palad at nagpa meywang na humarap kay Dean.

"You bitch! Walang hiya ka talaga!". Mabilis inawat nila Parker si Miyuki na balak nanaman sumugod sa pwesto nila Jesrille.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Where stories live. Discover now