Chapter 44

524 38 0
                                    

Plan




Nagsisimula na akong mainis sa mga nangyayari, Bakit kailangan ko mapasok sa isang kaguluhan na ganito? Walang kwenta at hindi nakakatuwa.



"What are you doin' here?". Jesrille crossed her hands. Mataray na tinanong si Fatima na hindi man lang nasindak. Oh! Great!



Tinagilid ni Fatima ang ulo niya at tinignan mula ulo hanggang paa si Jesrille."Ganyan ka ba kauhaw sa gulo at ito ang ginagawa mong tanghalian?".


"What the hell are you talking about?".


I need to get out of here. Masyado ng madaming nakatingin, Nakakahiyang nandito pa din ako sa gilid nila at naliligo sa malagkit na juice na ito. Tumalikod para magsimula ng maglakad at makatakas pero isang kamay ang pumigil sa braso ko. Unti unting nag angat ako ng tingin kay Fatima, What the hell! Gusto ba niyang tatlo pa kaming magaway away dito para kay Asher? I can't do this! Kahit gusto ko, hindi ito ang panahon.
Madilim ang tingin niya sakin, hinila niya ako pabalik sa kaninang kinatatayuan ko.




"Bitch, Where are you going? You have to fight! Mahal mo si Asher diba? Then, fight for him!". Kumalabog ang puso ko sa sinabi ni Fatima. Sa sigaw niyang 'yon sakin panigurado kahit ang nasa kasulukan nitong cafeteria ay narinig yon. Hindi ko alam kung anong punto ng babaeng 'to. Ako ba talaga aawayin niya dito or si Jesrille. Hinigit ko ang sarili kong braso palayo sa kamay niya.




"Hindi ko sinasayang ang oras ko sa mga walang kwentang tulad nito. Kung gusto niyong magpatayan dahil kay Asher, Magpatayan kayo! May sarili akong laban para sa pagmamahal ko para sakaniya." Walang takot kong hinarap ang dalawang babae na nasa harap ko ngayon.





"Pwede ba! Back off! Walang kalalagyan ang relasyon niyo sa mundong 'to. Hindi ka na nahiya! Inuna mo 'yang kalandian mo bago mo maisip ang tama. Hindi na ako makapag hintay na pag hiwalayin kayo ni Tito Asmon dahil sisiguraduhin kong ako ang mananalo!".




Hindi ko napigilan paliparin sa pagmumukha ni Jesrille ang palad ko, Patuloy sa pag angat at baba ang dibdib ko sa galit. Nanlaki ang mga mata niyang napahawak sa kanyang pisngi na nasampal ko. Naalarma ang mga kaibigan niyang nasa likod pero nagbulungan sila at nagsagutan na huwag makielam.





"How dare you!". Bago pa niya ako masampal ay pinigilan na ni Fatima ang kamay niya sa ere. Gulat na gulat siya at pilit lumaban.




"Ikaw ba? Sinadya mo ba lahat ng ito? Pinaglagpas ko ang pananakit na ginawa mo sakin, pero ang pangunahan kami ni Asher sa problema namin ay hindi ko na palalampasin." Mabilis ko siyang tinulak ulit, Sa sobrang lakas noon ay napaupo na siya sa sahig. Tinulungan agad siya ni Cassy tumayo, habang ang iba nilang kaibigan ay nanunuod lang. Tinignan ako ng masama ni Cassy pero kitang kita ko ang takot niya sa paglapit.




"Bitch! Sa tingin mo? Papayag ako?". Inayos niya ang sarili niya, susugod nanaman siya sakin pero naunahan ko nanaman siyang maitulak dahilan ng pagkakatumba niya for the second time, Hindi ko alam kung clumsy ba siya or talagang malakas lang ako. Sa galit ko ay hindi ako nakapagpigil, Dinampot ko ang spaghetti na nasa table namin at ibinuhos sakanya. Sigaw siya ng sigaw sa pandidiri.






"Kapalit lahat 'yan ng masama mong ugali!". Sigaw ko sakanya at mabilis ulit dinampot ang coke ni Jupiter, Ipinangsangga niya ang mga braso niya na akala mo ay hindi mababasa kung sakaling ibuhos ko sakanya itong hawak ko. Nanggigigil akong pinipigilan ang sarili ko sa dapat sunod kong gagawin, Gusto kong ibuhos pa sakanya 'to. But i think, this is too much. Pagodna ako, Ayoko na.





"Fvck! Give it to me!". Inagaw sakin ni Fatima ang baso ng coke na hawak ko ng makita niyang hindi ko tinuloy ang gagawin ko. Bago ko pa siya mapigilan ay ibinuhos niya na ito kay Jesrille na mas lalong nagwawala ngayon sa inis. Hindi napigilan ni Cassy at inaluhan agad ang kaibigan.






The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Where stories live. Discover now