Chapter 25

727 48 18
                                    

Kailangan





Agad ko naman nahanap si Miyuki na saktong palabas na din ng classroom. Ang laki ng ngiti niya papunta sakin at mabilis na lumapit.

"Dederetso ka na ba sa D'once Cafe?". Tanong niya agad.

"Ah hindi pa, Papasama lang ako sayo puntahan si Dion. Hindi ko na kasi siya nakausap kanina." Paliwanag ko.

"Sige tara! Sa kabilang building pa ang classroom niya. Doon tayo pupunta." Tumango ako at pinanuod siyang inaayos ang bitbit niyang mga libro.

"Ms. Labrador!". Natigilan kaming parehas ni Miyuki dahil sa tumawag sakaniya. Sabay kaming lumingon sa likod, Nanlaki ang mata ko ng makita ang matangkad na si Spell Maniego ang nasa harapan namin ngayon, Nakapasok parehas ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng pants niya. Dahan dahan siyang naglakad palapit sa amin.

"Gusto kong malaman--". Hindi pa niya tapos ang sasabihin niya ay pinigilan na siya ng bestfriend ko.

"Ayaw ko! Bahala ka gumawa ng sarili mo, at ako ang gagawa sa sarili ko. Hindi ako pupunta sa inyo." Masungit niyang sinabi kay Spell iyon at mabilis hinawakan ang braso ko para hilain ako at magsimula ng iwan si Spell.

Kumunot ang noo ko sa pagtataray na ginawa niya, Not because first time ko siyang nakitang naging masungit, As if naman. Sa buong buhay ko, wala atang lalaking nakaligtas sa kasungitan ni Miyuki, pati ang kambal niya ay sinusungitan niya. Si Kuya Matteo lang ata ang nakakapag paamo sakanya. Pero ang pinagtataka ko ay ang pinagusapan nila, Bakit naman sinabi ni Miyuki na hindi siya pupunta sakanila? Saan? Sa bahay ni Spell?
Nilingon ko si Spell, Bakas sa mukha niya ang inis habang umiiling na hindi makapaniwala sa nangyari, Tumalikod siya at nagsimula na din maglakad patungo sa kabilang daan.

"Bwisit!". Bulong ng kaibigan ko.

"Ano yon?". Tanong ko. Syempre, kung may karapatan siyang malaman ang tungkol sakin, may karapatan din naman ako sakanya, Curious lang talaga kasi ako.

"Kami kasi yung partner sa Research Paper, Bukas niya balak gumawa kasi daw Sabado at sa bahay nila. Hindi naman kami close kaya ayoko!".

Pinanliitan ko siya ng mata."Ang primitive mo naman masyado". Sabi ko sakanya. Hindi pa din mawala ang inis sa mukha niya."Classmates kayo, parang hindi mo naman naranasan yang ganyan sa mga group project, syempre bago ka dito at malamang makaka partner mo, hindi mo close." Dagdag ko.

"Basta, ayoko pa din. Gagawa ako ng sarili kong research." Hinayaan ko na siya at pinunta namin ang building ni Dion.

Sa first floor lang naman ang Classroom niya kaya hindi na kami nahirapan lakadin ang kaso nga lang ay wala na kaming Dion na nadatnan doon. Ilang kaklaseng babae nalang niya ang naiwan at sinabing pinatawag daw sila Dion at ang mga kaibigan niya sa Gym.

"For sure, About sa Try Out yon, Na kwento kasi niya sakin na malapit na daw ang Intrams. I'm so excited! Join tayo sa volleyball ah?". Halo halong kagalakan at kaba ang naramdaman ko dahil sa sinabi niya. Tulad ko ay magaling din si Miyuki pagdating sa larong volleyball.

"Kinakabahan ako. Sa tingin mo makakapasok tayo?". Tanong ko sakaniya at mabilis akong nakatanggap ng hampas galing sakanya.

"Wag ka ngang ano dyan! Ikaw pa ba, Eh diba nga natalo natin mga taga Casa Academia Last Year, ang kaibahan lang iba ang team natin. Iba na din ang irerepresent natin sa District Meet kung sakali. Magaling ka kayang kaya natin yan!" Natawa ako sa taas ng confidence niya. Medyo matagal na din akong natigil sa paglalaro, hindi katulad nung grade 9 ako na halos araw araw naging libangan namin ang paglalaro non' Ang kaso natigil ako after ng District Meet dahil sa pagkawala ni Daddy nung grade 10 ako, after non' Hindi na ako sumasama sa mga game.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Where stories live. Discover now