Chapter 09

973 47 1
                                    

Thursday.



Pag pasok ng Mansion ay natanaw ko agad ang ibat ibang klase ng sasakyan ng mga kaibigan ni Asher, Maingat akong pumanhik sa hagdan na bato paakyat sa loob. Narinig ko agad ang tawanan ng grupo nila sa likod kaya naman patakbo akong umakyat sa grand staircase ng Mansion.

Naligo ako at pahinga na. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang katok sa akin pintuan, Alam kong si Darlene iyon. Siya ang ibinigay na katulong ko, alam kong hindi ko na kailangan pero habang tumatagal ay nararamdaman kong malaki ang naitutulong niya sakin.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto. May dala na siyang pagkain para sa aking gabihan."Nandyan pa po kasi sila Miss Athena." Paliwanag niya. Nginitian ko siya, though hindi ko pa siya masyadong kilala pero naniniwala akong mabait siya at mapagkakatiwalaan. May mga bagay na akong nasasabi sakanya kahit hindi ko naman sinasadya at alam kong may mga bagay din siya na napapansin sakin. Hindi niya ako tinatanong pero hindi ko din naman kinaklaro sakanya.

"Miss Athena, kumain ka muna." Nagaalala na pakiusap niya. Pabagsak kong inilatag sa kama ang lahat ng madampot kong damit galing sa aking damitan."Miss sige na. Kumain kana muna para makalma ka." Aniya.

I sighed heavily. Umupo ako, Yumuko at inilagay sa mukha ang dalawa kong palad."Ano bang nangyari Miss?". Muling usisa niya.

Biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Sabay kaming napabaling dito ni Darlene. Asher is standing there straightly looking in my bed. Pinasadahan niya ang mga nagkalat na damit ko at ang dalawang maleta na hindi pa nalalagyan ng kahit anong damit, Nakita ko ang nag aalab na mga mata niya bago lumipat sakin. Kusang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. And i hate how he affect me.. This is not healthy!

Nagpalipat lipat ng tingin sa amin si Darlene bago lumabas. Gusto ko siyang pigilan, gusto ko siyang manatili dito. Gusto kong magmakaawa na wag akong iwan kasama ang lalaking ito. But then, pinanuod ko nalang kung paano nagsara ang pinto at ninamnam ang katahimikan na bumalot sa aming dalawa.

"Ano?". Naiinis na baling ko sakanya."Ano pang ginagawa mo dito? Wag kang magalala nagaayos na ako ng mga damit ko. Aalis na ako". Mas lalong nag igting ang mga panga niya.

"Why are you doing this huh?".

"Hindi ba? Ito naman talaga ang gusto mo? Ang mapahiya ako! Ang pahirapan ako hanggang hindi ako umaalis sa Mansion na ito". Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong maglabasan sa mga mata ko.

Napakalinaw pa sakin kung paano ako walang awang binuhusan ng orange juice sa harap ng maraming tao. Kung paano dahan dahan na ipinaikot ikot sa mukha ko ang isang platong may laman na spaghetti, Ang malakas na pagtulak sa likod ko para maidikit ang isang malaking papel na may nakasulat na."I'm a slut!". Kung paano pinagtawan at pinanuod lang. Kung paano pinagkaisahan. Mga hindi pa nakuntento at ibinuhos sa sahig ang lahat ng laman ng bag ko at pinagtatapakan.

Sa mundong ito, kahit gaano ka pa kataas ay paniguradong may mataas pa din saiyo. May mga panahon na gusto mong ipaglaban ang sarili mo pero ramdam mo ang pagkawala ng karapatan. Napayuko ako, Ramdam ko ang bawat pagpatak ng mga luha ko sa aking palad na nakababa sa aking hita. Kung hindi lang dumating si Miyuki ay siguro nakatayo pa din ako doon at umiiyak lang. Walang magawa, Siguro ay hindi ako uuwing malinis at suot ang PE Uniform na pinahiram niya sakin dahil wala akong dalang extra or kahit anong magagamit para magbihis, Maski ang aking blazer ay iniwan ko.

"You're not going anywhere, You'll stay here." Hindi ako nagsalita, Tanging mga hikbi ko lamang ang naririnig ko. Umupo siya sa harap ko. Tama lang para mahawakan ang baba ko at iangat ito dahilan para magtama ang tingin naming dalawa. Galit at awa ang nakikita ko sa mga mata niya.

"I'm sorry". He said.

Kinurot ang puso ko sa sandaling iyon. Muling umapaw ang galit sa aking kalooban at malakas na itinulak siya pero masyado siyang malakas para manatili sa kinapepwestuhan niya. Hindi ko napigilan at pinaghahampas ko na siya pero hinayaan niya lang ako.

Nakaramdam ako ng guilty, Ngayon pa talaga? Bakit pa kailangan ganito. Ako pa talaga ang dapat makaramdam ng guilty? Bigo akong napatigil sa ginagawa at nagsimula nanamang umiyak. Nakakainis!

"I assured you that Fatima and her friends will take their punishment or else they will get suspended for two weeks." Hindi ako makapaniwalang nilingon siya, Wala akong ibang mabasa sa expression ng mukha niya kundi ang pagiging totoo sa mga sinasabi niya.

"Are you kidding me? Pinaglalaruan mo ba ako?". Gago ba siya. Kaibigan niya ang mga iyon, Babae niya! Paano ako maniniwala sa mga sinasabi niya gayong isa siya sa mga walang ginawa kanina kundi ang manuod.

"Liar!". Sigaw ko sakanya. Kinuha niya ang kamay ko. Pinisil niya ito ng napakaingat, Gusto niyang magtiwala ako sa mga sinasabi niya. Gusto niyang siya ang paniwalaan ko."Nakita kitang bumulong sakanya, Ikaw nagutos non na gawin niya sakin iyon, Kaya siguro bumulong ka at nagthankyou." Sabi ko. Muling nagtangis ang panga niya. Pero mas galit ako, Naiinis ako sa kung paano ko naiisip ang itsura nila kanila."Good girl". Ayun siguro binulong nya. Kunot noo niya akong binalingan.

"Is that what you're thinking? Kaya gusto mong maglayas?". He chuckled. Uminit ang pisngi ko, Hindi ko alam kung anong nakakatawa."Sinabi ko lang sakanya na kapag hindi siya tumigil ay pakakasalan kita." Bulong niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. May kung anong mga insekto ang naglaro sa aking tiyan, Sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko ay hindi na ito umaayon sa aking paghinga kaya bahagya akong nahirapan, Sobrang init ng pisngi ko. Walang kahit anong rumerehistro sa utak ko kundi ang mga sinabi niya.

Sinabi ko lang na kapag hindi siya tumigil ay pakakasalan kita.

"Ihanda mo ang gabihan niya at pakibalik sa dati ang mga gamit niya." Alam kong nagtataka si Darlene pero mabilis din siyang tumango sa sinabi ni Asher, Narinig ko ang pagbagsak ng pinto niya, Doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Pinagmasdan ako ni Darlene at para bang binabasa ang reaksiyon ko.

Hiyang hiya akong nagiwas ng tingin at tinalikuran siya."Maliligo lang ako." Halos takbuhin ko ang bathroom para lang makaiwas. Kagat ko ang labi ko sa tapat ng isang malaking salamin. Pinagmasdan ko ang sarili kong nahihiya sa sariling repleksyon. Fuck!

Hindi na ako pinatulog ng maayos sa gabing iyon, Pati ang mga sumunod na araw ay ganon din. Kahit saan ako magpunta at kahit pilit kong kalimutan at masyado akong kinakain ng kaisipan na iyon. Ilang araw na nanibago sa akin si Miyuki. Ang grupo ni Fatima ay kasalukuyan na naglilinis kung saang parte ng Academia.

Masama nila akong tinitignan at kung ano ano ang pinaparinig sa tuwing makakasalubong ko sila. Hindi ako makapaniwalang si Asher mismo ang kumaladkad daw sakanila papuntang Discipline Office after naming umalis ni Miyuki doon. Talaga bang ginawa niya iyon sa babae niya? Para saan? Bakit? Dahil sakin?

"Magpahinga kana pagkatapos mong kumain Miss, Wala ka na bang ibang kailangan?". Umiling ako at ngumiti kay Darlene. Kinuha ko ang tray na dala niya at pinabayaan siyang isara ang pinto.

Kung ano man ang pinupuntahan ng sarili kong nararamdaman ay dapat ko itong pigilan. Sa paglipas ng isang buwan ay nakuha ko itong baliwalain. Ginawang busy ang sarili sa pagaaral, gigising ng maaga at deretsong sasakay sa Black SUV para umuwi sa Mansion. Pagsapit ng Thursday, maingat na tatakbo paakyat sa kwarto at maghihintay na lamang hatidan ng gabihan. Sa loob ng isang buwan nasanay nalang din ako ng wala si Mommy, Siya na ang kasalukuyan na kasama ni Tito Asmon sa pamamalakad ng mga business nila.

Unti unti kong naiintidihan ang galit ni Asher sa sarili niyang Ama. Kung paano niya nakukuha lahat ng gusto niya kapalit ng oras ng mahahalagang tao para sakanya. Minsan napapaisip ako kung nagkikita paba sila ng Mama niya pati na din ng nakwento sakin ni Mang Ben na meron daw itong batang kapatid na lalaki.

Kinagat ko ang labi ko sa mga naiisip. Napakalaki ng mundo para sa aming dalawa. And I know, Everything will fall into place someday.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Where stories live. Discover now