Chapter 55

585 12 0
                                    

Nagseselos.

Hindi ko alam saan ako magsisimula ulit. Tahimik lang ako at parang hindi nag sisink-in sa utak ko ang sinabi ni Miyuki.

"Athena, tara na!". Nakaramdam ako ng kamay sa braso ko, Ang galit ay naglakbay sa buong sistema ko. Lakas loob kong hinarap ang nasa tabi ko.

"Janella, Pwede bang mamaya nalang? May pupuntahan lang ako." Nakita ko ang pagaalangan sa mukha niya bago niya lingunin ang iba naming kasama.

"Importante ba yan? A-ayos lang naman siguro sakin pero sakanila.."


Tumango ako kaagad, Naiintindihan ko siya. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong malaking bullshit sa groupworks namin. Pati ba naman dito ay wala akong silbi, mula pa kahapon ay puro na reklamo at pagtanggi ang ginagawa ko.

"May problema ba?". Tanong ni Hennesy ng mapansin niya ang panay lingon namin ni Janella. Nagsimula na silang lumapit sa amin. Magsasalita na sana si Janella pero inunahan ko na siya.

Sinubukan kong buoin ang boses ko at iniwasang pangibabawan ng kaba."Ahm. Hennesy, kailangan ko kasi umalis."

"Huh? Akala ko ba ay hahanapin natin si Asher? Paano yan? Ikaw ang kakausap sakanya kung sakali makita natin siya. Wala na tayong time Athena, Bukas ay may game na ulit nila at baka after District na natin siya makausap. Hindi natin pwede i rush yon' ayun na din kasi ang araw ng deadline na binigay ni Miss".

"Gaano ba ka-importante yan Athena? Baka naman gumagawa ka lang ulit ng dahilan para hindi ito matuloy?".

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Kasmir. Kaya naman mabilis akong umiling."No! Hindi yon' ganon! Kung gusto niyo.." Huminga ako ng malalim. Alam kong hindi madali ang gagawin kong ito pero ito ang mas pinakamadali sa lahat ng paraan. Hindi mauubos ang problema ko kung patuloy ko itong iiwasan at patuloy lang akong matatambakan.

"Ano Athena? What is it this time?".

"Ako na ang bahala kay Asher. I have his contacts, Bukas na bukas din ay pwede na tayong magstart sa recording, just keep yourself busy today para sa mga gagamitin bukas. I promise. Bukas."

"Fine. You promised." After that they left me. Hindi ko alam kung saan ako unang pupunta at kung anong unang gagawin ko.

Gusto kong umuwi ng maaga, umakyat muna ako sa building namin para kunin sa locker room ang iba ko pang gamit at tulad kanina ay ramdam ko ang pagbubulungan ng mga taong nasa paligid ko. Tinext ko si Miyuki kung saan ang punta ko dahil gusto niya akong puntahan dahil kanina pa daw siya na-a out of place sa grupo ni Dion.


I don't know how can I get rid of this problems after problems. I can't just saddled everything. Kinulong ko ang sarili ko sa gulong sinimulan ko.


After a few minutes, Nakarating ako sa locker Room ng girls. May iilang babaeng students ang nadatnan ko. Iniwan ko lang ang ibang librong hawak ko at kinuha ko ang Essay paper na pinagawa ni Sir. Castro, idadaan ko muna sakanya ito.

Paalis na ako ng biglang dumating si Jesrille. Sa awra palang ng mukha niya ay halatang hindi maganda ang umaga niya. Nang matigil siya sa harap ko at mabilis akong itinulak ay doon ko lang narealize na galit na galit siya.

Mabilis akong napahawak sa likod ng balikat ko na tumama sa locker na nasa likod ko."Ano bang problema mo?". Tanong ko sakanya.

Hindi siya nagsalita. Ibinaling niya ang attention niya sa mga tao sa likod namin."All of you, Get out!". She exclaimed. Parang mga tutang sumunod ang mga nagbubulungan at lumabas.


The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Where stories live. Discover now