Chapter 02

2.4K 62 7
                                    

Pahamak.

"Ano namang itsura niya? Gwapo ba huh?". Tuwang tuwa na tanong ni Miyuki after kong ikwento sakanya yung nangyari Lastweek. Nasa isang coffee shop kami ngayon kung saan ay madalas kaming tumambay dati pa.

Humigop muna ako bago siya lingunin."It doesn't matter Miyuki, Masama ang ugali ng isang  iyon'  I wonder kung kanino nagmana." Malamang ay sakanyang ama na step father ko ngayon.

"So, Gwapo nga? Oh my gashhhh Athena. Gusto ko siyang makita." Kinikilig na sabi niya. Seriously?

"What the hell Miyuki!". Naiirita nako.

"What? You didn't even deny it, right? Gwapo talaga siya sa paningin mo diba? diba?". Pamimilit pa niya sakin, kaya inikutan ko nalang siya ng mata.

"Gwapong walang modo! Hindi napalaki ng maayos kaya nagkaganon, Hindi kagusto gusto mga taong ganun." Dagdag kopa.

"Eh bakit ka ba kasi talaga naiinis?". Tanong niyang muli kaya halos panlakihan ko ng mata si Miyuki dahil sa inis.

"Nakikinig ka ba Miyuki? Sinabi ko na diba, Parang pinapamukha niyang pera lang ang kailangan namin! Sinabi pa niyang magiging sunod sunudan ako sa gusto ng Tatay niya, Para saan? Anong tingin niya sakin. Huh?". Mabilis isinuko ni Miyuki ang dalawang kamay niya, pinapakita niyang naintindihan na niya ang ibig kung sabihin kaya tumigil nako sa pagsasalita.

"Eh anong plano mo ngayon? Bukod sa gusto mo hindi matuloy ang kasal, mukhang may kalaban ka pa sa Mansion na iyon." Humalakhak siya.

"Hindi ko alam. Pero mukha namang wala siyang balak umuwi base sa pagkakarinig ko kanina, Mabuti na iyon! Dahil hindi ko masikmura ang ugali ng isang iyon' Baka mamaya insultuhin pa niya si Mommy, Subukan niya lang talaga." Banta ko.

Nalipat sa ibang bagay ang usapan namin ni Miyuki, Ngunit natigil iyon ng may natanggap siyang tawag sa kuya Matteo niya kaya naman kailangan niya ng umuwi agad. Saglit na usapan nalang ang ginawa namin at idinaan niya ako sa Mansion gamit ang sasakyan niya, Hayys. Kung hindi lang sana umabot sa ganito ang lahat paniguradong may sarili na din akong sasakyan.

Pagbalik ko ng Mansion ay naabutan ko si Mommy. Mabilis akong napangiti at sinalubong siya ng yakap.

"My, Kamusta na? Dito na ba kana ba for good?". Masayang tanong ko dahil halos 1 week na akong magisa sa malaking bahay na ito dahil sinasama ni Tito si Mommy sa kung saan bansa siya pupunta. Business matter.

"No anak, Mga 3 days lang kami dito ng Tito Asmon mo. May mga kailangan lang siyang tapusin muna. Sure ka bang ayaw mong sumama sa amin?". Bumagsak ang balikat ko sa sinabi ni Mommy. Umiling na din ako, Boring na nga ako dito. Mas boring kapag sasama pako sakanila, paniguradong makukuha lang ni Tito ang attention ni Mommy, Ayaw ko naman ipahalata pagiging kontrabida ko kaagad sakanilang dalawa, Mahal na mahal ko si Mommy. Sinusubukan ko maging masaya kung saan alam kong masaya siya.

"Oh, Ina. Hija nandito kana pala." Sinenyasan ako ni Mommy na salubungin ko sa hagdan si Tito Asmon. Mabilis ko itong ginawa at tinanggap ang yakap na iginawad niya."Athena po." Pangtatama ko sa pangalan ko, Si Mommy at Daddy lang ang tumatawag sakin ng Ina shortcut of Athena. Hindi porket may tinatapakan siyang karapatan niya ngayon ay pwede na niyang gayahin sila My and Dy.

Halakhak lamang ang ipinalit niya sa sinabi ko at mabilis siyang nagtungo kay Mommy. " Halika at samahan mo kami ng Mommy mo maghapunan, Nagpaluto ako. Sabi ng Mommy mo ay favorite mo daw ang Tinolang manok tama ba?". Ngumiti ako.

"Actually, Yung luto lang po ni Daddy." Walang takot na sagot na ikinatahimik nilang dalawa. Bakit? Totoo naman ah. I don't want to be rude, lalo na kaharap ko si Mommy, pero ano bang magagawa ng katotohanan diba?

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Where stories live. Discover now