Chapter 56

587 14 0
                                    

Mahal na mahal.


Dinala niya ako sa kung saan na hindi masyadong mataong lugar, hindi ko alam kung gaano kalayo ang nilakad namin dahil halos hindi ko yon napansin. Tanging ang mahigpit na hawak niya lang sa pulso ko ang nararamdaman ko. Nang nakuntento siya sa lugar ay mabilis siyang tumigil kaya naman halos sumobsob ako sa dibdib niya ng bigla siyang tumigil at humarap.

Huminga siya ng malalim. Kung galit siya kanina ay mas galit siya ngayon.

"Do you really want me strangle those guys!?". Halos mapalayo ako sa sigaw niya. Alam kong pinipigilan niya din ang sarili niyang sigawan ako, napahilamos siya ng mukha at tumalikod ng kaonti at muling nagsalita."Hindi ka dapat pumunta doon." Sabi niya.

"Hinahanap nga kita diba?". I defended myself. Hindi ko din naman ginusto yon' gusto ko lang talaga siya mahanap.

"For fucking sake Athena! Alam mong puro lalaki ang nandon! Paano kung hindi ako dumating?!". Para siyang bombang mayat-maya ang pagsabog. Akala mo mga adik na tambay sa kanto ang tingin niya sa nga player na nandoon.

"Wala akong choice. Magagalit sakin ang mga groupmates ko." I explained.

"Wala bang bumastos sayo doon?". Parang hangin na deneadma niya ang sinabi ko. Parang ang mga katanungan niya lang ang mahalaga sa ngayon.

"Wala." Sagot ko. Nainsulto ako pero hindi naman ako nabastos ng sobra. Lumaban naman ako. I wanted to smile. Bakit ba ang seloso niya? And I love him more for that, though I was afraid from his actions after. Hindi lang siya basta gwapong nagseselos, Nagiging nakakatakot siya ulit.

He look at me but he didn't seem convinced. I could see that he is really frustrated. Damn this Man! Sobrang naging gwapo pa ata siya lalo or baka sadyang namiss ko lang siya.

"Wala talaga." I told him and looked straight into his eyes so he would know that  I really meant it.

Lumapit siya sakin. He hug me tightly as he could. The usual smell of his scent filled me. Nakakabaliw talaga lalaking ito!

Bakit kailangan maging ganito kagulo at kahirap. The more na gusto ko siyang lumayo ay mas lalo ko pa siyang gustong maging mas ganito kalapit din sakin.

I didn't want to force him to just leave me alone and forget me. Pero nakatali ako sa pagitan ng palalayain ko siya para sa mas ikabubuti niya or hahayaan ko siyang mag stay sakin para sa ikasisira niya. I love him very much but I don't want to make myself selfish. Not the extent of forcing him to stay cuz God knows! God knows how much I wanted him to. But he shouldn't.


I'd rather be save him than to save myself from drowning. If drowning means he'll be saved, then be drowned. I'm willing to risk everything. Mas magpapakalunod pako.

Niyakap ko din siya. Sakaling ito na ang huling yakap ko sakanya. Ilang sandali kaming ganon, walang nagsasalita.

I know this is wrong. This was dead wrong. But I cannot deny the feelings. And it damned feels so right nevertheless so wrong.

I want to castigate myself for reacting this way. Parati nalang akong urong sulong.

Hihiwalay na sana ako sa yakap sakanya pero mas humigpit ang yakap niya."Please Athena." Nakakapanghina ang boses niya. Parang kinukurot ang bawat piraso ng puso ko."Let's just stay this way. Please.. kahit ngayon lang." He begged.

"Asher we can't.. Madami makakakita sa atin dito." Kahit hinahayaan ko pa din siyang nakayakap sa akin. Ibat ibang studyante ang nandito ngayon sa Casa Academia, kilala si Asher na halos karamihan. Malaki ang chance na may makakita sa amin dito.

The Beauty And The Pain (Casa Academia Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon