Chapter 3- Takas

Magsimula sa umpisa
                                    

Tas pagbalik niyo dito bukas wala na kami, mga siraulo kayo.

"Babalik kami, same time." Sagot nung Jack saka siya nag dire-diretsong lumakad papuntang pinto at sinundan naman sya ng dalawa nya pang kasama na kumaway pa samin ni Jessi.

Nung makalabas na sila ng apartment namin ni Jessi, lumapit agad ako sa pinto para silipin yung mga abnormal kaso nawala agad.

Ang bilis naman ata? Bahala na nga.

"Tingin mo ate adik lang sila sa kanto at tina-try lang nila tayong lokohin?" Tanong ni Jessi sakin na nag-aalala.

"Kung ganon nga, ang gwapo nilang adik." Sagot ko habang naglalakad papuntang sofa at pabagsak na umupo dun.

.

.

.

"Bye bye, Ferry!"  sigaw na paalam ni Jessi kay Ferry bago kami lumabas ng apartment para pumasok sa eskwela at trabaho.

"Pano pag-naabutan tayo nung mga sanggano na yun, ate?" tanong ni Jessy habang naglalakad kami sa kalsada.

Oo sa gitna ng kalsada hindi naman traffic eh, okay lang yan. (A/n: ginagawa ko toh nung highschool ako, seriously.)

"Kaya nga sana pauwiin agad ako ng boss kong panot para makaalis agad tayo sa bahay." Sagot ko kay Jessy. Hindi ko pa alam kung saan kami tutuloy pag-alis namin ng apartment, basta makatakas lang kami sa mga adik na yun noh. Tapos babalik na lang kami after 2 months.

Nakapag-empake na nga kami kanina para diretso alis na lang kami mamayang pag-uwi ko. Wish ko lang pauwiin agad ako ng boss kong panot. Hayysssst.

.

.

.

Naglalakad ako pauwi ngayon galing sa trabaho. Pagod na pagod na ko kaya sana naman hindi namin maabutan yung mga adik dun sa bahay namin na nagsasabing Empyrean daw kami at baka mabato ko pa sila ng kawali.

Lahat na nang klase nang lakad nagawa ko na para lang makaabot agad sa bahay.
Pagdating ko sa madilim na eskinita ay nakita ko ang kapatid ko.

Wait, whuttt???

"Ba't nandito ka?" Tanong ko kaagad nang masalubong ko sya.

"Nagutom ako ate, wala sila Aling Mena sa kanila, umalis daw kaya nagutom ako bigla dahil sa kakahintay." Sagot ni Jessy.

"Jusko namang bata ka, inuna mo pa gutom kesa kaligtasan mo. Pano kung hindi mo ko nakasalubong dito?"

"Wag ka na pong mag-alala ate! Wala namang nangyaring masama." Sabay irap sakin ng loka.

Hinila ko na lang siya at nag patuloy sa paglalakad papuntang apartment. May dala naman akong pagkain kaya uuwi muna kame.

"Ate narinig mo yun?" Tanong ng kapatid ko na nag-ikot ng tingin sa paligid.

Nag-observe din ako sa paligid pero mukhang wala naman.

"Gutom ka lang." Sagot ko at dumiretso nang lakad pero biglang may narinig ako.

"Hala, Gutom din ako?" Nanlalaking mata na tanong ko.

"Baliw ka ate, seryoso. Ano yun?" Hinanap namin ni Jessy kung may kahina-hinala ba pero wala kaming napansin.

Biglang may mabilis at malaking anino ang dumaan samin mula sa taas kaya mabilis kaming napatingala ni Jessi.

"Ano yun!?" Sigaw ko habang nakatingin sa langit.

"Ate, ang laki naman ata nun, tara na." Sabay kapit niya sa braso ko.

Patuloy pa din akong tumitingin-tingin sa paligid para tingnan kung may kapahamakan bang naghihintay samin. Mahirap nang mapahamak lalo na't kasama ko ang kapatid ko.

Naglakad-lakad pa kami nang dahan dahan ni Jessy nang may biglang...

"ATEEEEEEEEEEE!"

MAY DUMAGIT SAMIN MULA SA TAAS!

"AHHHHHHH! Sino kayo?!"

Napalingon ako sa mga kumuha samin mula sa likod at nakita kong mga tao ito na may...

itim na pakpak?

"Ibaba niyo kami! JESSIIIIIIII!"

Kahit baliw ang kapatid ko, nag-aalala pa din ako para kay Jessi. Pano pag himatayin sya tapos mahulog sya mula dito sa taas?

"ATEEE!!!" sigaw pabalik sa akin ni Jessi habang nagpupumiglas sa may hawak sa kanya.

Ano ba kase 'tong mga ito? Ba't may pakpak sila!?

Natatakot ako dahil sa...

SOBRANG TAAS NA NG LIPAD NAMIN FEELING KO LALABAS NA KAMI NG EARTH!

Nasa kalagitnaan kami ng pag pa-panic ni Jessi ng biglang tumalsik yung kasama ko at nabitawan nya ko.

"KINGINAAAAAAAAAA!" sigaw ko habang bumubulusok ako pababa ng biglang may sumalo sakin.

Si George.

Na may pakpak na kulay puti.

Tangna, anong kaguluhan itong napasok namin? Simula ng makilala namin itong mga taong ito, bigla na lang gumulo ang tahimik kong buhay.

"ATE YNA!" Sigaw ng kapatid ko at nakita kong buhat na siya ni Josh.

Nakita ko ding nakikipaglaban na si Jack dun sa dalawang may itim na pakpak na dumukot samin.

"Ilayo nyo na sila dito, dalhin nyo na sila kung saan sila nararapat. Hindi na sila ligtas!"

Wings [Watty's 2020] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon