71. GROWL

1K 64 35
                                    


MONYO

"Now!" pag-uulit ni Prima sa sinabi niya.

Bumagsak si Ewan sa lupa, walang malay. Agad na lumapit si Prima kay Ewan at pinunit ang damit nito. Tumambad sa amin ang bullet proof na suot ni Ewan. Mabuti naman na meron siyang ganito.

"Fuck!" kinasa ulit ni Henry ang baril at lumapit kay Ewan.

"Stop it Henry!" utos ni Prima. "You don't need to shoot him, ang alam ni Em ay patay na siya." hinarangan niya si Henry sa pamamagitan ng katawan niya.

Sumilay sa mukha ng kapatid ko ang pagtataka, pati ako nga ay nagtaka din. Tumayo si Prima at may kung anong inayos sa tenga niya. Nahagip ng paningin ko ang isang wireless na earphone, may kausap siya rito.

"Change the footage and then tell us what is happening inside the mansion." utos niya sa kausap. Ilang sandali na pakikinig ay natapos na rin ang kaniyang pakikipag-usap sa kabilang linya. Naguguluhan ako.

"Anong nangyayari?" tanong ko habang lumalapit kay Prima.

"We all know that this will happen," humarap si Prima sa akin at tinuro ang paligid ng gubat samantalang binaba na ni Henry ang hawak niyang baril at nakinig sa paliwanag ni Prima. "Alam namin na mayroong cameras at traps ang buong gubat. Alam din namin na pwede kaming mamatay so we prepared for it, we have bulletproofs under our clothes. Minalas lang ang aming ibang kasama kaya sila namatay. We have hacker inside Slayer Society, habang naririto tayo ay ginagawa nq niya ang lahat para ma-hack ang computer ni Em, siya ang kausap ko bago lang. Kanina, habang hindi pa niya ito nagagawa ay kailangan naming umarte na parang wala kaming ginagawang aksyon sa plano ni Em. Mabuti na lang at sa dibdib binaril ni Henry si Ewan at mabuti rin na napigilan ang pangalawang putok, kung nagkataon ay patay na rin sana si Ewan." paliwananag niya.

"So ano na ang nangyari kina Taissa at Flex?" nag-aalala si Henry.

"Na-hack na ang computer ni Em, it means hindi na niya tayo nakikita ngayon. Sabi ni Hacker ay nakakulong sina Taissa at Flex sa isang kwarto, nagpaplano na rin silang tumakas. May tama ng baril si Flex sa bandang hita, kagagawan ito ni Em." umugong ang tenga ko sa huling sinabi ni Prima.

Magpakatatag ka Flex. Malapit na kami.

"Tara na?" anyaya ko."Tumuloy na tayo, hinihintay na tayo nila Flex at Taissa. Any second could put them in danger."

"That's what I'm thinking right now." sang-ayon ni Henry.

"Sasama ako sa inyo." inayos ni Prima ang mga gamit niya. "Carlo, magpaiwan na lang kayo ni Ewan dito."

"Yes, Prima." walang kabuhay-buhay na tugon ni Carlo, kita sa mukha niya iniinda pa rin niya ang kaniyang tama. "We don't have a choice."

Ipinuwesto namin ang walang-malay na si Ewan sa tabi ni Carlo. Babalikan na lang namin sila after na maligtas namin sina Flex.

"Let's go!" sigaw ko.

Umalis na kami kaagad. Kasama namin ni Henry si Prima at Sam. Sana maging okay ang lahat.

***

Tanaw na namin ang mansion. Ilang metro na lang ang layo nito sa amin. Maingat kaming naglalakad dahil maaaring may mga trap pa rin sa paligid na pwedeng maapakan. Kahit na-hack na ang computer ni Lady Em ay kailangan pa ding mag-ingat.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon