35. VISITOR

1.3K 138 32
                                    


FLEX

Pok!

Ek!

Mga tunog na halos magkasabay ko lang na narinig. Iminulat ko ang aking mga mata at nakitang tumatakbo na papalayo ang baboy ramo. Nasa harap ko din ang isang lalake na may hawak na sanga at nakapostura na hawak niya ay baseball bat. Ang lakas niyang pumalo ah? Sapul kaagad sa mukha ng baboy. Nasisilaw ako sa liwanag ng araw sa bandang ulo niya kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Inilagay ko ang kaliwang kamay ko sa bandang kilay para maging klaro ang mukha niya.

Ewan?

"What are you doing?!" bulalas niya.

Tila galit yata siya dahil nakasalubong ang mga kilay niya. Napansin niyang nakaupo pa rin ako sa lupa kaya napailing na lang siya at lumapit sa akin.

"Thank you." sabi ko matapos niya akong inalalayan tumayo.

Pagkatayo ko ay ipinagpag ko ang mga dumi sa damit ko. Masungit pa rin ang mukha ni Ewan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niyang muli.

Isip ng dahilan Flex! Bilis!

"A-ah h-hinahanap ko y-yong bracelet ko," utal ko. "naiwala ko kasi yata dito sa may gubat." ngiti ko.

"Sana sinabi mo sakin para nasamahan kita dito," there is a shift in his reaction. "alam mo namang mapanganib dito diba? Hindi ka pa natuto!" kunot noo niya.

"Sorry Ewan." lumingi lang siya.

"Bakit hindi pala kita nakita kanina sa school?" tanong niya.

"Busy lang ako masyado, ang dami kong hinahabol." as if may hinahabol nga.

"Iniiwasan mo ba ako?" may pagtataka sa mukha niya.

"Ha? Bakit naman?"

"Never mind." aniya. Alam ko naman kung ano ang tinutukay niya.

He motions me to follow him so I follow him right away.

"Saan tayo pupunta?" i asked.

Pinagdilatan niya ako na parang may kasalanan ako. Nakabukas pa ang mga kamay niya na tila ba nagtatanong ang mga ito.

"You said that you lost your bracelet?" ngayon ko lang nakikitang naiinis ang gwapong ito. "so tara?!! Hanapin na natin." nagpatuloy siya sa paglakad kaya sumunod ako sa kaniya.

Paano na ito? Wala naman talagang bracelet na nawala. Kapag inaya ko naman siya na umuwi at huwag na itong hanapin ay baka sabihin niya na nagsisinungaling ako - which is nagsisinungaling naman talaga ako. Ess.

"Sigurado kang tutulungan mo ako?" ani ko habang naglalakad kasabay siya. Titig naman siya sa dinadaanan namin at inuusisa kong may bracelet.

"Oo, bilisan lang natin baka gabihin tayo." aniya.

"Diba may meeting kayo?" tanong ko.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now