CHAPTER 4

3.4K 281 90
                                    


Chapter 4: BLOODY AND SCARED

MARICEL

Bigla akong nagising sa hindi malamang dahilan. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at 12:13 na ng hating-gabi. Maraming texts din ang nareceive ko mula sa FIERCE 5.

From: Fierce Flex (8:15 PM)
Chaka kamusta ka na jan?

From: Fierce Taissa ( 2:33 PM)
Maricel hoy!! Bat di ka na nagreply kanina? Ano na ang nangyayari dyan?

Oo nga pala, nakalimutan kong magreply sa GC namin kanina. Dahil nga pala yun sa sigaw ni Aireen.

Nireplyan ko silang dalawa. Masyadong late na naman kasi ito para tawagan ko pa sila at sabihing okay lang ako. Marahil tulog na sila.

To: Fierce Flex ( 12:21 AM)
Okay naman ako dito Chaka. Ngayon ko lang nabasa yung text mo. Sorry 😘

To: Fierce Taissa ( 12:22 AM)
Ay sorry Taissa. May nag-away kasi dito kaya di na ko nakapagreply. Pero okay naman ngayon dito.

Matapos magtext ay nilagay ko ang Cellphone sa bulsa ko. Si Eric ay sobrang himbing ang tulog. Tinitigan ko siya at napangiti na lang ako. Masasabi ko na ang swerte ko pala sa kaniya. Ang gwapo na niya, sobrang bait pa.

May narinig akong mga kaluskos sa labas kaya bumangon ako at bahagyang binuksan ang zipper ng tent. Inilibot ko ang paningin ko sa tents ng iba naming kasama.

Nagtaka ako.

Bakit bukas ang mga tent nila?

Biglang kumabog ng malakas ang puso ko. Alam kong may hindi mabuting nangyayari sa labas. Nagulat ako ng biglang tumapat sa mukha ko ang mukha ni Nina na halatang takot na takot. Sinenyasan niya ko na tumahimik gamit ang daliri niya. Muntikan na akong mapasigaw sa gulat kaya tinakpan ko na lang ang bibig ko.

Ginising ko si Eric para samahan kami ni Nina sa labas. Dinala na din namin ang flashlights dahil sobrang dilim. Hindi mapakali si Nina na parang may hinahanap ito.

"Anong problema Nina?" mahinang tanong ko.

"W-wa-wala na sila." pautal-utal niyang sabi. Halatang takot na takot siya.

Kapag biro na naman ito ay siguradong hindi lang sabunot ang matitikman niya mula sa'kin, kakalbuhin ko talaga siya. Pero hindi eh. Seryoso talaga siya, makikita sa mga mata niya na nag-aalala siya.

"Sinong nawawala?" I asked out of curiosity.

"Sila Aireen, Gio at Lawrence." umiyak na siya ng tuluyan.

Habang umiiyak siya ay chineck ni Eric ang mga tent at wala nga ang mga kasama namin sa loob ng mga ito.

"Nasan sila?!" niyugyog ko siya para bumalik siya sa wisyo niya. Nanginginig ito at hindi ko alam kung bakit.

"May halimaw." mahina niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Halimaw? Totoong may halimaw?

Kinuwento na niya ang lahat ng nangyari.

(Flashback)

****

NINA

"Law gising!" kanina ko pang yugyog kay Lawrence para ito'y magising. Parang may narinig kasi akong mga ingay sa labas.

Malipas ang ilang segundo, sa wakas ay nagising na din siya.

"Bakit babe?" tanong ni Lawrence sa'kin habang kinukusot ang mga mata nya.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now