CHAPTER 17

2.1K 218 32
                                    


Chapter 17: HOW?

FLEX

Gusto ko ng kausapin kanina si Taissa ngunit parang hindi pa ito ang tamang oras. Masaya ako na marami na siyang bagong mga kaibigan. Mukhang mababait naman ang mga bago niyang kaibigan. Makabubuti iyon para maging masaya naman siya.

Pagkatapos ng pag-uusap namin kay Maam Melania ay dumiretso ako sa canteen. Doon kasi ang tagpuan namin ng mga bago kong mga kaibigan. Binubuo ito nina Cormac Lagani na mahilig magbasa ng libro, Cresjie Florogo, Regine Jaravilla, Erika Agasi, Hanne Jiongco at Carlo Retonio na singers at dancers ng set b. Si Cormac at ako lang ang magkaklase sa grupo.

Kinawayan ako ni Cresjie nang makita niya ako. Naroon silang anim sa may kaliwang bahagi ng canteen. Tapos na silang kumain dahil wala ng natira sa mga plato nila.

"Dito ka umupo sa tabi ko." Sabi ni Cresjie. Hinatak ko ang upuan at umupo sa tabi niya.

"Kinuwento ni Cormac sa amin na pinaiwan ka daw ng teacher nyo? Bakit?" Tanong ni Regine. Naikwento na agad ni Cormac.

"Wala lang iyon. May sinabi lang si Maam." Aniya ko. Hindi ko na kailangang idetalye pa sa kanila ang pinag-usapan namin. Naiba na ang usapan pagkatapos non. They know that I don't want to push the topic further.

"Nga pala may sasabihin ako." Sampot ni Erika sa usapan. Kilig na kilig ito.

"Ano iyon Er?" Inilapit ni Hanne ang tenga niya kay Erika.

"May bagong School Nurse daw dito sa campus. At ang gwapo daw!" Kinikilig na sabi ni Regine.

Ito na naman sila. Walang araw na magkakasama kami na hindi sila magkikwento tungkol sa mga crush nila. Ang hindi nila alam yung bagong nurse ay kapitbahay lang namin.

"Huli ka na girl!" Pagmamayabang ni Hanne.

"Bakit huli?" Tanong ni Regine.

"Nastalk ko na kasi si gwapong nurse sa Facebook." Pagmamalaki ni Hanne.

"Ang bilis mo ah!" Komento ni Erika. Tahimik lang ang dalawang boys namin - si Carlo at Cormac. Sila Carlo ay boyfriend ni Hanne at si Cormac naman ay kay Cresjie.

"Ang gara kaso nang pangalan niya." Kutya ni Hanne.

"Ewan Kusayo ang name niya." Pagpapatuloy niya.

Bigla namang sumutsot si Regine at may tinuro sa likod gamit ang bibig niya. Sabay kaming lahat na lumingon sa direksyon na tinuturo niya. Nasa counter pala ng canteen si Ewan. Kasalukuyan ay nagbabayad ito sa bibili niyang pagkain.

Namula ang ilong ko nang biglang tumingin sa direksyon namin si Ewan. Bigla siyang ngumiti at kumaway sa akin. Kakaway pa sana ako nang kumaway sina Regine at Hanne. Kilig na kilig silang dalawa. Tumalikod na lang ako ng tingin at ibinaba ang papataas kong kamay.

"Kumaway siya satin?!" Patili na si Regine sa kilig. Umapir siya kay Hanne. Naloka na ang dalawa/

"Parang di naman siya sa inyo kumaway." Seryosong sabi ni Carlo.

"Babe ha? Nagseselos ka na naman! Ayan ka na naman." Pagpapaalala ni Hanne. Nako mag-aaway na naman sila mamaya. Aso't pusa ang dalawang ito eh.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now