CHAPTER 5

3.4K 288 72
                                    


Chapter 5: SHE IS MISSING

FLEX

"Ate G I S I N G!!!" Pangyuyugyog ni Stephen - ang kaisa-isa kong lalakeng kapatid. 6 years old pa lang siya. Sa akin talaga siya kadalasang tumatabi kapag natutulog. Kasya naman kami dahil maliit lang naman siyang bata.

Ayon sa kaniya, kanina pa daw ako umuungol habang natutulog. Parang binabangungot daw ako kaya pilit niya akong ginising. Kita sa maliit niyang mukha ang pag-aalala.

Pinunasan ko ang namuong pawis sa mukha ko. Nakatulog naman muli ang kapatid ko nang sinabi ko na okay na ako. Mabuti nandito siya para gisingin ako.

Ang sama naman talaga kasi ng panaginip ko. Namatay daw ang lahat ng mga kaibigan ko. Ang FIERCE 5. Malabong mangyari iyon. Grabe daw ang iyak ko lalo na sa burol ni Maricel.

Si Maricel.

Naalala ko, nagtext pala ako sa kaniya kanina. Baka nagreply na siya. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa lamesa malapit sa kama namin ni Stephen.

Pagkabukas ko ng cellphone ko ay tumambad sa akin ang text ni Maricel. Salamat at nakapagreply na siya. Salamat at okay lang naman pala siya.

From: Maricel (12:21 AM)
Ok naman ako Chaka. Ngayon ko lang nabasa yung text mo. Sorry 😘

Reply niya sa text ko na nagtatanong kung okay lang ba siya. Ang tagal nga ng reply niya eh. Kanina pa kaya ako nagtext sa kaniya.

Dahil sa panaginip ko ay hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang mag-alala kaya sinubukan kong tawagan ang number niya. Siguradong gising pa siya dahil 23 minutes pa lang naman ang nakalilipas ng magtext siya. 12:44 AM ang nakalagay sa orasan ko na nakasabit sa may dingding.

"Flex tulungan mo ko." Bungad ni Maricel matapos sagutin ang tawag ko.

"M-Ma-Maricel anong nangyayari?" nininyerbos kong tanong.

Hindi na siya nakasagot pang muli.

May narinig akong hugyaw ng isang nilalang na hindi ko malaman kung ano.

Doon na ko nagsisigaw sa gitna ng gabi.

"Maricel!!!"

****

Linggo ng umaga ay balitang-balita na sa buong Hacienda na nawawala sina Maricel. Hindi na rin ako nakatulog kagabi dahil sa pag-aalala.

Ngayon ay nandito kami nina Taissa at Nema sa Police Station upang maghintay ng balita. Bakas sa mukha naming tatlo ang pag-iyak at antok. Wala pa dito si Jessa ngunit sinabi niya na susunod siya para makibalita.

Nagpadala na rin ng searching at rescue teams sa Mount Usok - sa dako kung saan nawala sina Maricel. May mga reporter na rin na nandito sa Hacienda Señeres. Nainterview pa nga ako ng isang reporter kanina. Tinanong niya ako tungkol kay Maricel at kung ano ang last conversation namin. Hindi ko masyadong napaliwanag ang lahat dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako makapaniwala sa nangyari.

Kagabi matapos akong tumawag kay Maricel ay tumawag kaagad ako ng Police. Ininform ko rin ang mga magulang ni Maricel at ang Fierce 5 sa nangyari. Ikinuwento ko sa kanila ang detalye ng pag-uusap namin. Kung paano si Maricel napahamak.

****

Bandang alas 2 ng hapon ay dumating na rin ang Search Team.
Umaasa kami na may magandang balita silang dala.

"Ikinalulungkot kong sabihin na hindi namin nakita si Maricel." sabi ng Police.

Biglang sumakit ang dibdib ko sa aking narinig. Hindi na namin napigilang apat na humagulgol. Kasama na namin sa pagkakataong ito si Jessa na siyang may pinakamalakas na iyak.

GROWLING HEARTSOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz