63. SICK

983 116 59
                                    


FLEX

It's headache friday.

Masakit ang ulo ko pagkagising ko. Dahil siguro sa dami ng nangyari kahapon kaya sumasakit ito. Tumayo ako mula sa higaan at tumungo sa banyo. Napahagip ako ng tingin sa salamin kaya tumigil muna ako. Tinitigan ko ng maigi ang mukha ko. I looked very bad. I have dark circles in my eyes. May naaninag akong pula sa gilid ng aking kanang mata. Tinitigan ko ito ng mabuti. Am I starting to have sore eye?

Pagkalabas ko galing banyo ay bumaba na ako patungong kusina. Baka gutom lang itong nararamdaman ko. Humihilab na din naman ang tiyan ko. Habang bumababa ay napapasandal ako sa dingding ng hagdan. Nahihilo talaga ako at nanginginig. Sobrang sakit na din ng ulo ko.

Natakot ako bigla sa naiisip ko. Baka nahawa na ako kahapon ng virus. Hindi ito maari.

Tumatakbo paakyat ng hagdan si Stephen. Natigilan siya nang makita ako. "Ate okay ka lang ba?" tanong niya.

Pinilit kong ngumiti kahit ang sama na talaga ng pakiramdam ko. "Okay lang ako." sabi ko.

Humakbang ako ng isang beses kaya muntikan na akong matumba. Lalapit pa sana si Stephen ngunit kaagad ko siyang sinenyasan na huwag. Kung ano man ang nararamdaman ko ngayon ay ayoko siyang mahawa. Lumayo siya at patakbong bumaba. Narinig ko ang sigaw niya habang bumababa.

"Ma! Si ate!" sigaw ni Stephen.

Hindi ko na hinantay na lumapit si Mama. Pumunta na ako ng kusina. Nakabukas ang TV sa sala kaya rinig ko ang kasalukuyang nagbabalita. Ayon sa babaeng nagbabalita ay hindi na lang daw mga estudyante ang nagkakaroon ng virus na ngayon ay tinatawag ng mga eksperto na Hacienda Señeres Virus or HSV. Ayon sa kaniya ay naglabas na ng pahayag ang gobyerno. The president declared that Hacienda Señeres will be under Red Zone. It means all the people should leave the place. Nagset sila ng date at hanggang Monday na lang, October 27. Ang lahat ng hindi makakaalis sa Hacienda Señeres sa itinakdang araw ay hindi na makakaalis sa Hacienda Señeres kailanman. But before ka makalabas ay mag-a-undergo ka muna sa series of tests. To make sure that you are HSV Negative. They are doing this because they're afraid that the virus will spread in the whole country. They'll turn Hacienda Señeres into quarantine area.

Habang nanunuod ng balita ay nanghina. Babagsak na sana ako, mabuti na lang at nasalo ako ni Mama. "Flex are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Hindi na ako nakasagot sa tanong niya at umupo na lang.

"Ma, namumula ang kanang mata ni ate." turo ni Stephen sa mata ko. Agad na sinapo ni Mama ang mukha ko at sinuri ang aking mata. Hindi ko mawari ang reaksyon niya dahil nagsisimula na ring manglabo ang aking paningin. Ang tanging alam ko lang ay nag-aalala sila ni Stephen.

"Kunin mo ang cellphone ko Steph! Tatawag tayo ng doktor!" niniyerbiyos na sigaw ni Mama.

Bigla akong bumalik sa wisyo ko. Hindi maaaring tumawag ng doktor si Mama. I am sure that the Doctors will send me to the authority. They will going to terminate me after knowing that I have HSV - if I have it.

"Ito na Ma oh!" inabot ni Stephen ang cellphone kay Mama. Agad ko itong tinapi kaya nahulog ito sa sahig.

"Flex? Anong ginagawa mo?" tanong ni Mama nang pinilit ko ang sarili ko na tumayo. Ilang segundo lang ang itinayo ko ay natumba kaagad ako.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon