CHAPTER 19

2.2K 194 23
                                    


Chapter 19: EWAN

FLEX

"Aray." Mahinang inda ko habang nililinisan ni Nurse Ewan ang sugat ko.

"Sorry Flex." Sambit niya. Bahagyang sumilay ang ngiti sa kanyang mukha. Ngayon, masasabi ko nang mabait itong si Nurse Ewan. Ewan ko na lang kung sino ang hindi mababaitan sa kaniya. Gwapo na, sobrang caring pa.

"Bakit ka ngumingiti?" Mahinang tanong ko sa kaniya.

By the way. Right now, Nurse Ewan and I are alone in the clinic. And maybe in the whole school. Pinauna na namin sila ni Cormac at Cresjie dahil sabi ni Nurse Ewan ay siya na ang maghahatid sa akin dahil magkapitbahay lang naman kami. Nagpaalam din si Maam Aquino na mauuna na rin daw siya.

"Ang cute mo kasi." He answers. Parang nag-aalangan pa siyang sagutin ang tanong ko.

Napalunok na lang ako ng laway sa sagot niya. Hindi na ako komportable dito. Parang ang init na bigla ng hangin. Kinakabahan ako sa sitwasyon namin dito sa loob ng clinic. Kami lang dalawa? Ang bilis ko namang magtiwala sa taong kakakilala ko lang. Nakalimutan ko na naman ang sinabi ni Mama na huwag basta-basta magtitiwala sa mga lalake. Magbubuti-butihan lang daw yang mga iyan. Pagkatapos mahulog ka sa kanilang patibong ay siguradong katawan mo ang kapalit. Pagkatapos noon ay itsapwera ka nalang. Kaching!

"Ang lalim ng iniisip mo. Huwag kang mag-alala, safe ka sakin." Nahalata niya yata na natetense ako.

"Iniisip ko lang na ang bilis pala nating naging close." I lie smoothly. Pero parang totoo na din.

"What's his story?" His question comes from nowhere.

"Sino?" I ask him back.

"Yung gumawa nito sa iyo." Sabi niya. I get it.

"Si Henry? Ahh. I thought he was Armie, his twin." I answer sadly. Biglang nagflashback ang nangyari.

Paanong nagkaroon ng kakambal si Armie? I knew him since grade 1 at wala akong nabalitaan na may kakambal siya. Hindi rin ito alam ng mga kaklase ko. Oo, alam kong hindi ko naman ganoon kaclose si Armie, crush ko nga lang iyon eh, pero imposible na hindi ko alam na may kakambal siya.

"Bakit ganoon ang nangyari? Bakit ka niya tinulak?" Tanong niya. He is very interested know anything about me.

"Ipinilit ko kasi na siya si Armie na napakaimposible." Nalungkot ako dahil hindi nga talaga siya si Armie. There's zero percent chance na buhay pa siya.

"But it is not his ticket to hurt you. No man has. You're a kind of girl na dapat irespeto at alagaan." He said it sincerely and sweetly. Para siyang si Armie na may respeto sa mga babae.

Naalala ko tuloy ang mga ginawa ni Armie sa akin noong nasa gubat kami. Yung pagbuhat niya sa akin noong masakit ang paa ko. Ang pagpahiram niya ng tent. Nagpalamok siya para sa akin. Hindi siya nagalit ng aksidente kong maamoy ang brief niya. Naalala ko rin ang naudlot naming kiss. Ang pagiging matapang niya. Ang pagtatanggol niya sa akin laban sa halimaw. Salamat at may mga lalake pang katulad nina Armie at Ewan. Mga lalakeng kayang respetuhin ang aming kahinaan at pagkababae. Sana hindi kayo maubos. In the world full of F*ckboys and Playboys, be the Realboys.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now