CHAPTER 23

1.5K 164 71
                                    


Chapter 23: UNKNOWN

UNKNOWN POV

Lahat kami na nakaassign sa Hacienda Señeres ay pinatawag ni Prima Lika. Siya ang pinuno ng Slayer Society dito sa bansa natin. Ang Slayer Society ang organization which deals with supernatural things in our world. Kami ang pumupuksa sa mga halimaw at kakaiba pang mga nilalang na maaaring maging risk sa buhay ng mga tao. Prima ang tawag sa namumuno sa amin at Slayers naman ang mga tagasunod niya.

Halos magkasing-edad lang kami ni Prima. I have watched how she grown into a great leader. Gusto kong ibalik ang mga sandali na magkaibigan pa ang turingan namin sa isat-isa. Ang panahon na kaya ko pa siyang biru-biruin. The days when no one was superior between the two of us. How I wish.

Narito na ang lahat ng nasa grupo ng nakapula. They stand out like a blood in a mud. Kami ang mud kasi mga nakaitim kami. Nandito na rin lahat kaming nasa grupo ng mga nakaitim.

"Kamusta ang pinapagawa ko sa inyo?" Tanong ni Prima habang isa-isa niya kaming tinititigan.

This is the look of a leader. The Society reachedb it's peak during her reign. Lahat ng naproproduce na mga bagong Slayers ay umaangat sa kanilang larangan. They are the strongest and the wisest. Kasama na ako doon. Hindi naman ako siguro magiging leader ng mga nakaitim kung hindi ako magaling. O baka naging leader lang ako kasi kaibigan ko si Prima. Dating kaibigan pala.

No one wants to answer Prima's question first. We are tense to deliver our news to her because it can be a bad one.

"Mahal na Prima sa pagbabantay ko ay wala pa naman akong nakikitang magiging sanhi ng panganib." Someone breaks the silence. Ang leader ng mga nakapula.

Magaling itong si leader ng mga nakapula. Malaking papuri ang natanggap niya at ng grupo niya nang siya ang makapatay sa unang infected person sa ospistal. Eric ba ang pangalan non. Hindi na niya ito binuhay upang hindi na makahawa sa iba. Wise action.

"Wala bang mga kahinahinalang bagay na mapapansin ngayon sa school?" Tanong ni Prima.

The Red Leader glances in my direction. Alam niyang alam ko din ang mga nangyayari sa school. Nagkakasalubungan pa nga kami lagi doon. Nakikipag-unahan na lang kami sa paglutas ng matagal na na kaso ng Hacienda.

"The students acted nice and the teachers seemed safe Prima." Sambit niya.

Prima did not dig further but I can see the growing frustration in her eyes. Kailangan na talagang masolve ang kaso ng halimaw. Kahit nasa Hacienda Carlota ngayon ang kaso ng nawawala ay kumbinsido si Prima na nasa Hacienda Señeres pa rin ang suspect. Para mas mapadali na masolve ang kaso ay hinati niya ang lahat ng mga Slayers.

The Slayer Society is divided into 5 FORCES. These forces are named with colors.

Red Roses
Dark Knights
Grey Hounds
Blue Herons
Green Dragons

Ang nakapula na kung tawagin ay RED ROSES at kaming nakaitim na tinatawag na DARK KNIGHTS ay inilagay ni Prima sa Hacienda Señeres. Ang GREY HOUNDS at BLUE HERONS naman ay nasa Hacienda Carlota. GREEN DRAGONS na ang bahala sa natitirang mga karatig Hacienda.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now