67. MAMA

923 105 10
                                    


FLEX

Luckily, no one got shot again. Pagkatapos kong mapigilan si Ewan ay nag-agawan kaming dalawa sa baril. Agad kong kinuha ito at inilayo sa kaniya.

Sa galit ni Henry ay bigla nitong sinugod si Ewan. Sinuntok niya ito ng malakas at tinuhod niya sa tiyan. Napainda si Ewan ngunit hindi ito nagpatalo kay Henry. Gumanti rin ito ng suntok at sipa.

Habang nagsasakitan sina Henry at Ewan ay minabuti ko na puntahan si Monyo. May tama siya ng bala sa tiyan kaya umaagos ang dugo sa sahig. Mukhang kakaibang bala ang ginamit ni Ewan kaya hindi kaagad gumagaling ang sugat ni Monyo. I need to get Monyo away from here. He needs help. Mamamatay siya kapag hindi naagapan kaagad.

"Tama na!" pagmamakaawa ko kina Ewan at Henry.

Magpapatayan na talaga silang dalawa. Tumigil sila at naghiwalay matapos marinig ang aking boses. Paika-ika silang tumayo galing sa sahig. May mga galos at sugat na sila sa parteng braso at mukha. Inayos ni Ewan ang kaniyang sarili at tumingin sa akin.

"Ewan, please." ani ko.

Hindi ko gustong nakikita na nagsasakitan sila. Sariwa pa ang sakit na idinulot ng mga rebelasyon at pagkamatay ni Cormac. Hindi ko na kakayanin kung may mawawala pa sa kanila.

"That man needs to die, Flex." turo ni Ewan kay Monyo na siyang hawak ko. I can see anger in his face.

"You'll die first before you can touch my brother." babala ni Henry kaya nilingon siya ni Ewan.

"See? Walang magandang patutunguhan kung papatayin mo si Rylee. We will die without knowing how to solve all of these that related to the virus. So, please." pagmamakaawa ko.

Nanlumo si Ewan. "Bakit ka ganiyan, Flex? Bakit kailangan mong protektahan ang halimaw na iyan? Bakit kailangan kong hayaan ka?" mga tanong na alam naman niya ang sagot.

"Because I need him." sabi ko.

Napangisi na lang si Ewan. Masakit para sa kaniya na ginagawa ko ito. I'm choosing Monyo over him.

"We need him, Ewan. Now that we are nearing to create a cure." sabat ni Henry.

Biglang nagbago ang emosyon ni Ewan. Nagtataka siya na parang nabuhayan ng loob."Cure?" he is clarifying it.

"Yes, Flex here may be the antibody." tugon ni Henry. Bumalik sa akin ang titig ni Ewan.

"Nakainom ako ng soya milk ni Cormac. I should be infected by now but something happened. Hindi ako na-infect." ani ko.

"How is that possible?" tanong ni Ewan.

"Yan rin ang hindi namin alam. The virus works differently in every person. Iba ang nangyari kay Cormac noong na-infect siya. Iba sa akin at kay Henry and obviously it's different in the rest of the people who are already infected." I explained.

"That's why we need Rylee. Sa kaniya nagsimula ang lahat kaya siya din ang makakatulong sa atin na makagawa ng cure." sambit din Henry.

Napabuntong hininga na lang si Ewan at ngumisi. "Great!" sabi niya.

"Thank you Ewan." ngiti ko. Thank you Lord.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now