34. COURTSHIP

1.4K 138 21
                                    


FLEX

Malalim na ang gabi ng maalimpungatan ako sa hindi malamang dahilan.
Nasa tabi ko ngayon na natutulog si Stephen. Nagpumilit kasi siya kanina pagkarating namin galing sa Police Station. Namiss talaga ako ng sobra ng kapatid ko. Ganoon din naman ako sa kaniya. Nothing is greater can match the bond of siblings. Naniniwala talaga ako diyan.

Ang tungkol pala sa naging rason ko kung bakit nawala ako ng ilang araw ay nagawan ko na din ng paraan kanina. Sinabi ko nalang na naiihi ako noong pagkatapos kong madeliver ng ice-candies kaya naisipan kong pumasok sa gubat at doon umihi. Pagkatapos kong umihi ay nalito na ako. Naligaw ako sa gubat kaya hindi ako nakabalik agad. Mabuti na lang at may mga prutas akong nakita sa loob kaya hindi ako nagutom. Hindi na ako nakapagtext pa dahil hindi ko namalayang nalaglag ko pala ang cellphone ko. Sina Mama ay hindi na nag-push further pa about sa pagkawala ko kahit na sa tingin ko ay ang babaw ng dahilan ko. Thankful lang sila na bumalik ako. Mukha namang naniwala sila sa dahilan ko. I think.

I lied because of him.

Monyo.

Dahil hindi pa ako makatulog ulit ay tumayo nalang muna ako. Binuksan ko ang bintana at dumungaw rito. Napakaliwanag ng gabi dahil sa bilog na buwan. Full moon pala ngayon? Sinabayan pa ito ng mga bituin sa langit na nagsikinangan. Naalala ko tuloy si Monyo. This is his hobby. Night sky watching.

Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

Magaling na kaya siya?

May lungkot akong nadama sa puso ko. Kaunting panahon palang ang pinagsamahan namin ni Monyo ngunit parang mahalaga na siya sa akin. Sino ba naman ang hindi malulungkot kung naging mabait naman sayo ang nilalang na iyon? I hope that he's okay. I hope that someday we will meet again.

May isa pang bagay ang bumabagabag sa akin. What is the agenda of those Red Girls? Sinagip nila ako ngunit binabalaan nila ako na huwag kong sabihin na niligtas nila ako?

"Your life in exchange of our secrets." naaalala ko pang sabi ng may cellphone bago nila ako iwan doon sa main road.

If they are related to the government, they shouldn't be afraid to reveal their identities. Something really wrong is happening in our place. May halimaw tapos may mga hunters?

Slayers.

Iyan ang pangalan ng grupo nila. Siguradong nasa panganib ang buhay ni Monyo ngayon. With those Slayers around here, his life will be in great danger. I wonder if they are the cause of Monyo's wounds. Maybe.

May tamang oras para isipin ang mga bagay na iyan. I need to go back to sleep now. Kailangan ko ng sapat na lakas kung gusto ko talagang masagot ang mga tanong na gumugulo sa akin.

At kailangan ko ring tulungan si Monyo.

*****

Nakapagpahinga na ako ng sapat. Matapos kasi namin makaalis sa presento kahapon ay hinayaan na muna ako nila Mama na makapagpahinga. I decided to go back to school dahil mukhang ang dami ko ng namissed na lessons. My suspension plus my absenses will cause bad in my grades. Plano ko pa namang iregain ang pagiging top1 ko. Mukhang imposible na itong mangyari.

Five in the morning ay gising na ako. Diretso ligo pagkatapos ay bihis na kaagad ako. Tahimik lang akong nagprepare ng mga gamit ko dahil tulog pa si Stephen. After kong masigurado na okay na ang mga dadalhin ko ay bumaba na ako para kumain.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon