PROLOGUE

3.8K 236 85
                                    


Maingay ang tunog ng sapatos niya habang naglalakad sa tiled na corridor ng office ni Prima. Suot niya ngayon ang kulay itim niyang uniporme. As usual, dumadagdag sa kagwapuhan at kakisigan niya ang kaniyang suot. Pinatawag siya ni Prima dahil sa may mahalaga daw siyang misyon. Bukod sa nananabik siya sa misyon ay sabik din siyang makita si Prima. Matagal na rin kasi niyang hindi nakikita ang binibini.

"Come in!" sigaw ni Prima nang madinig ang pagkatok niya.

"Good morning Prima." bati niya pagkapasok. Sinundan kaagad niya ito ng pagyuko na simbolo ng paggalang sa kanilang Prima.

Sumenyas ang Prima na umupo ang binata. Agad naman siyang umupo at hinintay ang hudyat ng Prima kung kailan siya magsasalita. May kung anong tinatype si Prima sa laptop niya kaya hindi pa siya kinakausap nito.

Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na rin ang Prima sa kaniyang ginagawa. Isinara ang laptop at agad siyang kinausap.

"You look good in that suit." papuri nito sa kaniya.

Suot pa rin ni Prima ang matapang niyang postura habang pinupuri siya. Ibang-iba na siya sa babaeng nakilala ng binata.

"Salamat Prima." naiilang na sabi niya.

"Pinatawag kita para sa isang misyon." ani Prima na kaagad iniba ang usapan.

"Opo Prima." pagsang-ayon niya.

"Marami na ang pinadala ko doon ngunit hindi pa rin nalulutas ang kaso," dismayadong wika ni Prima. "Pati ang Red Roses ay nandoon na din." pagpapatuloy nito.

"Alam ko po Prima." sagot niya.

"Gusto kong pumunta ka doon dahil ayoko ng marami pang madamay na kawawang tao dahil sa halimaw na iyan," may galit sa mata ng Prima. "and I think you are the perfect person I know to end this case." tinitigan niya sa mga mata ang binata.

"It will be a pleasure Prima." sabi niya.

Ang nasa isip ng binata ay pagkakataon na niya ito para mapatunayang muli ang kaniyang sarili. Para din mapatunayan sa Prima na mali siya.

"Good, then bring your Knights and slay that monster." madiing sabi ng Prima.

"Yes Prima." tugon ng binata.

"In games, we play. In wars, we slay!" pagbigkas ni Prima sa Motto ng organisasyon nila.

"In games, we play. In wars, we slay!" pag-uulit ng binata.

Humudyat ang Prima na puwede na siyang umalis at simulan ang kaniyang misyon. Tumayo ang binata at akma na siyang aalis ng magsalitang muli ang Prima.

"Don't fall inlove when you're in the mission," babala ni Prima. "Mahina ka kapag nagmamahal." at saka nagpatuloy sa ginagawa niya kanina.

Ngumisi na lang ang binata at tuluyan ng umalis.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now