CHAPTER 20

2.1K 193 38
                                    


Chapter 20: ACCEPTANCE

TAISSA

"Meet your new classmate, Henry Loreto." Pakilala ni Maam Melania bago magsimula ang klase.

Pagkatapos nang mangyari kahapon ay wala na akong ganang makipagkaibigan sa Henry na ito. Siya ay kabaliktaran ng kapatid niya. Siya ay suplado, walang galang at mukhang bad boy. Inaasahan ko na magiging impyerno ang bawat sandali ng buhay ko kapag nandiyan siya. Hindi rin ako makatingin sa kanya ng diretso dahil sa unang pagkikita     namin. Nang dahil sa salitang "Horny". Badtrip!

"Henry, pwede bang magpakilala ka?" Pagpapatuloy ni Maam. Tumayo si Henry sa kinauupuan niya na parang nayayamot pa. Ngumunguya pa ito ng bubblegum. Arogante.

"Hi, I am Henry Loreto, not Armie, take note of that..." Binigyan niya ng diin ang take note of that. Binaling-baling pa niya sa akin at kay Flex ang tingin niya habang sinasabi niya ito. So kami talaga ang pinapaalalahanan niya.

"I am the son of the owners of the famous Loreto Pharmacy." Pagpapatuloy niya. Walang ohhh o wow na narinig sa buong room. Syempre alam na ng halos lahat ng tao dito sa Hacienda na sila ang may-ari non. Hindi na niya kailangan pang ipaalala ito at ipagyabang.

Pinagmasdan ko si Flex. Alam kong sa lahat ng tao ay siya ang pinakanasasaktan kapag nakikita niya si Henry. Sa paningin niya ay si Armie ito. Alam ko na may malaking bahagi si Armie sa puso niya. Ultimate crush niya ito kaya hindi ito madali sa kanya.

"Salamat Mr. Loreto, Pwede ka nang umupo." Sabi ni Maam.

Hindi pa umupo si Henry. Tila may gusto pa siyang sabihin. Na-gets naman ito ni Maam kaya tinanong niya ito.

"Yes Henry? May gusto ka pang idagdag?"

"Can I request to sit beside her?" Buong ngiting turo niya sa akin.

Nagsitinginan at nagbulongbulongan ang mga kaklase. Ako? Ano na namang pakana ito. Hindi ko gusto ang mga nangyayari ngayon. Ayaw kong tumabi sa kanya. Bukod sa arogante na siya ay dudugo pa ilong ko sa kanya.

"Kay Ms. Rivera?" Pagtataka ni Maam. Oo nga naman, ba't sakin?

"Yeah Maam." Nakangiti niyang sabi.

May masamang plano yata ang lalakeng ito sa akin. Bakit gusto niyang mapalapit sa akin?

"Why Mr. Loreto?" Tanong ni Maam.

"Coz I'm new here, I don't know about the rules, regulations and anything about our school. I want her to be my guide." Hindi ko alam kung tama itong naririnig ko. Ang ganda ng pagkasabi niya kaya siguro hindi ko ito lubos na naintindihan. Napanganga na lang ako sa ingles niya.

"May gusto siya yata sayo." Bulong ni Emery sa gilid ko. Sinara ko ang bunganga ko at pinatahimik siya. Nayayamot na nga ako, manunukso pa.

"Ms. Rivera?" Pagtawag ni Maam sa aking atensyon.

"Yes Maam!" Natataranta kong sagot. Nakatitig sa akin ang mga kaklase ko. May masama ba akong nasabi?

"Pwede ka nang umupo sa tabi niya." Utos ni Maam kay Henry. Ha?

Teka lang! Bakit siya uupo sa tabi ko? Hindi naman ako pumayag ah.  Lumingon ako kay Shaina para magtanong.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon