70. GAME

1.3K 101 53
                                    


MONYO

I woke up without Flex beside me. Agad akong bumalikwas ng bangon at hinanap siya dito sa kwarto. Wala siya sa loob kaya lumabas ako. Pagkarating ko sa sala ay nakita ko si Henry na may tinitignan sa laptop.

"Nasaan si Flex?" tanong ko.

He pointed at the laptop with his eyes. Lumapit ako sa kaniya at tinignan ang pinapanuod niya. Sa screen ay makikita na nilalabas ni Flex ang Ducati ni Henry.

"Saan siya pupunta?" bumaling ako kay Henry ang tinanong siya.

"I don't know. Baka nilayasan ka na." sabi niya.

Tinignan ko ang oras noong umalis si Flex, 4:00 AM. Kakagising ko lang noong umalis siya. Henry's vibrating cellphone caught my attention.

"Who's calling?" tanong ko.

"It's Taissa." tugon ng kapatid ko at saka sinagot ang tawag.

Biglang natahimik si Henry ng ilang segundo habang kinakausap si Taissa. There is something wrong with the look in his eyes. Inilayo niya ang cellphone sa tenga at pinindot ang loud speaker.

"Hey! Monyo my dear! It is Lady Em!" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang nakakairitang boses niya.

"Bakit nasa iyo ang cellphone ni Taissa?" galit na saad ni Henry.

"Haha! Ano sa palagay ninyo?" tumatawa siya ng malakas, nababaliw na siya.

"Anong ginawa mo kay Taissa!" parang madudurog na ni Henry ang cellphone sa sobrang panggigigil.

"Wala pa naman akong ginagawa sa kanila, actually hindi lang si Taissa ang nandidito. Hawak ko din si Flex." tama ba ang pagkakarinig ko?

This could be the worst nightmare of my life. Ang makitang nanganganib ang buhay ni Flex, because of me. Inagaw ko kay Henry ang cellphone. Ako na ang dapat kumausap sa kaniya.

"Anong kailangan mo Lady Em?" nangangatal ang mga ngipin ko.

"Ikaw. Your life in exchange for her life." tawa niya. "Maililigtas mo rin ang girlfriend ng kapatid mo."

"Anong kailangan kong gawin?" mahinahon na ako ngayon. She will never get into me. I will save Flex then I will kill her.

"Puntahan mo lang ako dito sa Mansion mo. Nandidito lang kami. Kitakits Rylee."

Binaba kaagad niya ang tawag. Bakit nasa Mansion siya? She is wicked! I want to kill her. Nagmadali ako, nagbihis at naghandang umalis.

"What will you do?" nakabuntot sa akin si Henry.

"I need to save her." saad ko.

"It's clearly a suicide! Ry!" sigaw niya.

"They will die! Henry! Mamamatay si Flex at Taissa! Kasalanan ko ito kaya ako ang magliligtas sa kanila." kinuha ko ang shotgun na nakatago sa lagayan.

"I'm going with you!"

"No!" sigaw ko.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now