42. MONSTER PARTY (p.2)

1.2K 114 50
                                    


STRANGER IN THE DARK POV

This is the perfect opportunity for me. Magandang pagkakataon ito para maghanap ng magiging pagkain. Nawalan ako ng pag-asa na makakuha pa ng mabibiktima dahil lagi na lang akong laman ng mga balita. Mga balita tungkol sa mga nawawalang babae. Masyadong naging mahigpit na din ang seguridad sa mga karatig hacienda. Sakto at may Acquaintance Party ala Monster Party ang Hacienda Señeres National High School, makakakuha ako ng sariwang biktima. Hindi ko na kailangan pang lumayo.

Nagbihis ako na parang si Michael Myers ng Halloween Movie para maging angkop sa tema ng party. Sikat kasi ito noong panahon ko - mga 1970's or 1980's siguro yon. Dahil maskara na nakasuot sa mukha ko ay walang makakakilala sa akin. Dinig ko ay pwede daw pumasok sa gym ang outsider basta may bayad lang. Hindi na ako papasok at maghihintay na lang ako dito sa mga puno malapit sa C.R.

"Ahhh!!!" nagulat ako sa nakakarinding tili ng isang bakla kaya naitaas ko ang hawak kong kutsilyo.

"Nako kuya! Pak na pak yang costume mo ah!" puri niya, naka -catwoman costume siya. Monster ba si catwoman?

"Oo nga kuya, nakakatakot po yung mask niyo." tugon ng katabi niyang bakla din. Siya naman ay si Pennywise ng It. Nagmukha silang drag queens sa suot nila.

"May pa-knife knife ang peg pa!!!" ani catwoman.

"Salamat." nilaliman ko ang boses ko.

"Check!!! Swak din yong boses!!!" nakakairitang papuri ni Pennywise.

Kung nambibiktima lang ako ng bading ay kanina ko pa itong dalawa tinadtad ng saksak kaso pawang mga babae lang ang tipo ko - mga malilinis na babae.

"Tara na C.R. na tayo bakla!" si Pennywise.

"Tara na!"

Lumipas ang ilang minuto at lumabas na rin ang dalawang bakla galing sa C.R.

"Huy kuya? Inaantay mo ba kami?" natatawang sabi ni catwoman.

"Gwapo ka ba kuya? Tanggalin nga natin to." akma niyang tatanggalin ang maskara ko ng itaas kong muli ang matalim na kutsilyo hawak ko. "Aggressive masyado!" Malakas ang tawa niya. Nakakairita. Kinalma ko ang sarili ko dahil masyadong maaga pa para pumatay.

"Umalis na kayo bako ko pa kayo mapatay." may bigat sa tono ng pagsasalita ko.

"Grabe ha?" ani catwoman.

"Tara na bakla! Iwan na natin yan." anyaya ni Pennywise.

Umalis na sila at naiwan akong nag-iisa dito sa puwesto ko. Maraming dumadaan at napapatingin sa akin. Marami din ang pumupunta sa C.R.

Mahaba pa ang gabi para makabingwit ng mabibiktima. Ngumiti na lang ako sa likod ng maskarang suot ko.

FLEX

Marami ng tao pagkarating namin nina Regine at Hanne sa Gym. Iba-iba ang costumes nila. Mukhang hindi naman nag-stick sa monster costumes ang ibang nandidito. Karamihan dito nakasuot ng pang-superheroes at siyempre marami din ang vampires na katulad ko. Inilinga-linga ko ang tingin ko sa dako ng parking lot. Hinahanap ko kung nasaan na si Monyo.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon