38. ANNOUNCEMENT

1.2K 128 16
                                    



FLEX


Si Thor at Hulk?

Nag-aaway?

Akala ko kung sino ang kausap ni Stephen. Ang favorite marvel superheroes lang pala niya na sina Thor at Hulk.

"Bakit Ate?" tanong niya.

Ang wierd naman kasi ng ikinilos ko ng makitang may kausap siya sa bintana.

Akala ko si...

Wala na nga lang.

"Wala Steph, doon ka na maglaro sa kama." sarado sa bintana.

"Nag-enjoy ka Ate sa lakad niyo ni Kuya Ewan?"

"Oo naman, ang saya nga." tabi sa kaniya.

"Eh bakit ganiyan yung mukha mo?" napansin nga talaga niya ang naging reaksiyon ko kanina.

"Bakit anong problema sa mukha ko?" taas ko ng kilay.

"Para kasing masaya ka na hindi."

Nginitian ko nalang siya. May ini-expect lang siguro akong makita. Kaso hindi naman siya nagpakita.

Hayaan na natin.

*****

TAISSA

Mabilis lang na lumipas ang mga araw. Lunes na naman! Parang dumaan lang ang holiday at weekends. Walang masyadong ganap.

"Guys! I have an announcement!" sigaw ni Cormac Lagani habang wala pa kaming teacher.

Tumahimik ang lahat na nasa loob ng classroom. May iba pa na lumapit sa kaniya para mas marinig nila ng mabuti ang sasabihin niya. Nagbubulungan din ang iba kong mga kaklase.

"Ano kaya ang anusyo?" tanong ng isa sa katabi niya.

Hindi ko na narinig ang tugon ng kausap niya dahil nagsalita ng muli si Cormac. Si Cormac talaga ang tagahatid ng announcements sa mga estudyante dahil siya ang SSG President this year. Into politics talaga ang lalakeng ito.

"We all know that Aquaintance party na natin this coming last Friday of August," nakangiti siya habang sinasabi ito. "every year may theme tayo, the Supreme Student Government decided that we will have a Monster Themed Party this year." masigla niyang sinabi ito.

Monster?

Parang joke lang. Wala na nga siguro silang maisip na tema. Nakaraang taon kasi Neon Party tapos bago noon ay Gothic Party naman. Ngayon naman Monster? Umingay ang lahat. May mga may ayaw at meron namang may gusto sa sinabi niya.

"Bakit Monster Themed?" tanong ni Flex na nasa gilid pala ni Cormac. Tumahimik ang lahat.

Parang may mali sa tema. Alam naman nilang sikat ang Hacienda Señeres sa mga halimaw tapos gagawin pa nilang tema ito sa Acquaintance.

"Kasi gusto ng SSG na unahan natin ang Halloween." masigla pa rin ito kahit parang ayaw ng iba ang gusto nilang tema.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now