CHAPTER 12

2.8K 231 32
                                    


Chapter 12: CAVE

JESSA

May mga bagay na dapat sukuan. May mga bagay na dapat maranasan para ikaw ay lumaban. Lumaban para maging matapang.

Lumaban para mabuhay.

Huminto na ang ulan ngunit naririto pa rin ang lamig. Lamig na unti-unting pumapatay sa katawan naming dalawa ni Nema.

Hindi pa rin kami makaalis dito sa pinagtataguan namin dahil nakabantay pa rin ang halimaw sa labas. Alam nitong nandidito pa kami sa malapit.

Sa kondisyon ni Nema ay hindi na sya makakatagal dito. Kailangan  ko na syang maialis dito. Ngunit paano?

"Je..jes." Mahinang sambit Nema. Nanginginig na sya ng sobra. Parang papel na ang mukha nya sa puti. Kagagawan ito ng lamig at sa dami ng nabawas na dugo sa kanya. Mahinang mahina na talaga sya.

"Andito lang ako." Tugon ko sabay hawak sa mga kamay nya. Tumulo na lang ang luha ko dahil alam kong hindi na kami makakatagal dito. Hinihintay na lang namin na kami ay mamatay. Mapapatay ng lamig o mapapatay ng halimaw.

Grrowwwl.

Tinakpan ko ang mga labi namin dahil tumingin ang halimaw sa direksyon namin. Tumindi rin ang panginginig ni Nema. Hindi ko mapigilan ito kaya niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak. Alam kong nasa huling sandali na si Nema ng buhay nya. Dahil ito sa akin kung bakit sya mamamatay. Dahil sa pagiging matapang nya sa panahong mahina ako. Sa pagliligtas nya sa akin kanina. Utang ko ang buhay ko sa kanya kaya gagawin ko ang lahat para makaligtas dito.

Tumigil na ang panginginig nya. Alam ko kung ano ang ibig sabihin nito.

Patay na sya. Patay na ang kaibigan ko.

Patay na si Nema.

Humagulgol ako ng malakas. Hindi ko na kayang pigilin to. P*t*ng-inang halimaw ka!!!

"Nem, Wag mo kong iwan!!!" Sinampal sampal ko ang mukha nya. Kailangan nyang magising.

Kinuha ko ang shotgun at lumabas sa pinagtataguan ko.

"HA!!!!!" Sigaw ko sabay sunod sunod na pagpapaputok sa halimaw.

Nawala bigla ang halimaw. Hindi ko na sya makita. San sya napunta? Nagcrack ako ng shotgun ngunit ayaw na. Wala na itong bala.

ARGGGG

Napatingin ako sa taas at nakitang kong lumilipad ang halimaw. Ang lapad ng pakpak nito. Bigla itong lumipad pababa patungo sa akin. Sinakal nya ako kaya napalubog ako sa tubig. Pinalo ko sya ng malakas gamit ang shotgun hanggang sa bitiwan nya ako. Muntikan na akong malunod dun ah. Umahon kaagad ako sa tubig at hinanap kung san napunta ang halimaw.

Doon ko na narinig ang sunod-sunod na mga putok.


FLEX

"Bakit ka nagpapaputok?" Tanong ko kay David na kasama na namin ngayon ni Armie.

"Para mapunta dito sa atin ang halimaw." Si Armie ang sumagot sa tanong ko.

"Kung sina Nema at Jessa ang susundan ng halimaw ay siguradong hindi nila makakaya." Dugtong ni David.

Ano na ang nangyayari?

Nasan na sina Nema at Jessa?

Tinanong na namin si Taissa kung nasaan ang locations nila ngunit wala syang masagap. Sira yung kay Jessa at hindi rin madetect yung kay Nema. Sinabihan na rin namin si Taissa na magreport na sa police at anytime daw ay dadating na sila dito - kung mahahanap nila kami dito sa gubat. Dito sa malawak na gubat. Uncertain kasi ang locations namin dito sa gubat kasi may pabigla-biglang takbuan at habulan.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon