62. MEETING

1K 125 54
                                    


EWAN

I can see great worries in all the faces of Slayers. More than 30 people ang nandidito sa room. Naririto kasi ang lahat ng nasa Five Forces, pati na ako na dating leader ng Dark Knights ay inimbitahan din ni Prima. I think we will discuss about the incidents in Hacienda Señeres National High School. Sa hindi malamang dahilan kasi ay biglang naging infected ang karamihan sa mga estudyante nito. Naniniwala ako na hindi ito kagagawan ng halimaw na kaibigan ni Flex. Someone is plotting something in Hacienda Señeres. I don't know what he or she is planning. All I know is we are all in great danger.

Bumukas ang pinto ng Meeting Hall at pumasok ang matangkad na si Lady Em. "Good evening everyone, sorry I am late." bati niya. Sinamaan lang siya ng tingin ni Prima. Siya na lang kasi ang kanina pang hinihintay.

Lumapit siya sa lamesa kung saan kaming lahat nakaupo. Pumili siya ng upuan at sa kasamaang-palad ay napili niya na tumabi sa akin.

"So you're here." tinignan niya ako mula pababa hanggang pataas bago siya umupo.

"Something wrong with me?" tanong ko. Smiling.

Alam kong mainit pa rin ang dugo niya sa akin dahil kay Flex. She is a good actress. I complimented her every time because of that. Ang bait niya kasi kapag kaharap niya ito.

"Maybe? Yes? Natatakot ako na baka masira na naman ang mga plano natin." masungit niyang tugon.

Narinig ko na may umuubo sa harapan namin. Prima Lika is about to start the meeting and she is getting our attention. Diretso siyang nakatingin sa amin ni Lady Em. Ganoon din ang ibang Slayers.

"Em? Is there a problem?" tanong ni Prima kay Lady Em.

"Yes Prima, I think this man beside me is in the wrong room." tumayo si Lady Em at dinuro ako.

"I am the one who invited him so am I also wrong?" seryosong tanong ni Prima.

"No Prima, but—." pinutol kaagad siya ni Prima sa kung anong sasabihin niya.

"No buts! Just sit down and we will start." utos ni Prima kaya napilitan siyang umupo ng nakasimangot.

Pagkatapos noon ay sinimulan na ni Prima Lika ang meeting. Ipinakita niya sa amin sa pamamagitan ng projector ang nangyari sa HSNHS noong virus outbreak. Maybe she got it in the CCTV of the school.

Makikitq sa video na sa simula ay mapayapa lang ang paligid ng school. Nagsimula lang na magkagulo nang may matumba na estudyanteng babae sa gitna ng school ground. Kasunod noon ay nagtumpukan ang mga estudyante. Mabilis lang ang mga pangyayari. Isang iglap lang ay napuno ng kaguluhan ang buong school.

"This is the video footage in school. As you can see, walang nangyaring pagsalakay ng anumang halimaw." wika ni Prima habang naka-play ang video footage.

"Pwedeng may isang estudyante na nakagat at nanghawa sa iba." sabat ng isang member ng Grey Hound Force.

Napaisip si Prima sa sinabi ng lalake.

"Pwede, kaso dapat kakaunti lang ang casualties. Hindi dapat ganiyan kadami." tugon ni Prima.

May punto silang dalawa pero mas panig ako sa punto ni Prima. Hindi kaya ng isang halimaw na mang-infect ng ganito kabilis.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now